Napuno ng galit “HOW are you, Leyn? Oh God, I really miss you.” Mabilis na ginagap ni Travis Lei ang kamay kong nakapatong sa mesa. Agad ko itong binawi dahil sa pagka-bigla. Bumuntonghininga ako at saka tumayo. “I’m sorry, Travis but I have to go.” Kanina pa kasi ako panay sulyap sa aking cellphone dahil kanina pa ito panay tunog nang tunog. Nang magkabanggaan kami ni Travis Lei kanina ay bigla na lamang ako nito hinila papasok sa isang fast food chain hindi pa man ako nakakabawi mula sa gulat. Nakaupo lamang kami ngunit wala namang nagsasalita. Kapwa kaming walang imik na dalawa sa una ngunit siya rin mismo ang bumasag nito. “I’ve missed you, Eleyna,” ulit nito. Natigil ako sa akmang paghakbang. Muli akong napabuntonghininga ngunit hindi ako nagsalita. Wala akong binitiwang sali

