Pagkalito MULI kong binasa ang mensahe mula kay Nanay. Napatakip ako sa aking bibig, pilit na pinipigilan na mapalakas ang aking hagulhol. Nanginginig ang kamay na initsa ko ang screen ng cellphone. Nanay: Eleyna, maayos na lagay tatay mo. Nakalabas na kami ng ospital at unti-unti na s’yang gumagaling sa pamamagitan ng theraphy. Ginagamit namin ang perang natira sa ipinadala mo para sa mga gamot at pag-theraphy niya. Maraming salamat anak. Mag-iingat ka lagi r’yan, ha? Mahal na mahal ka namin panganay namin. Anak, naiintindihan ko kung hindi ka nakakatawag. Alam ko namang exams ngayon kaya marahil ay abala ka. Ako: I'm okay, nanay. Don’t worry about me. Please take good care there. Ikamusta mo na lang ako kina tatay. Mahal ko din kayo. Kahit anong gawin kong pigil, napalakas pa ri

