Makahulugan NANLALABO na ang aking paningin dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha. Alam kong hindi nagbibiro si Trevor sa mga sinabi niya at ‘yon ang labis na ikinakatakot ko. “Hush baby, don’t cry…” Dumukwang ito sa ‘kin at hinalikan ang mga luhang natuyo sa aking pisngi. “You don’t have to look for other man. Nandito naman ako. I love you so much,” muling aniya. Bagaman nagulat sa huling sinabi niya, mas lalo lamang akong nanlumo dahil doon. Hindi ko kayang maging masaya dahil mas lalo lamang akong hindi makakatakas sa kamay niya. Kung noon niya sana iyon sinabi sa ‘kib, baka mas ninais ko pang magpakatanga sa kanya. Pero ngayon kasi iba na ang sitwasyon. Biglang may tumikhim kaya napahiwalay sa ‘kin si Trevor. “Hey! You’re so fast, Dude,” ani Marco at lumapit sa ‘min.

