“Zia! May ibibigay ako sayo!” sigaw ni Feigh.
“Huh? Sakin? Ano naman yan?” sagot ko.
“Tada”sigaw niya bago pinakita ang painting na ginawa niya sa akin.
“Wow! Diba sabi ko saiyo Feigh na maganda ka talaga mag paint. Thank you so much for this! Isasabit ko to sa room ko.” I replied.
The painting was so good. She painted my face and it really looks so good.
“Nabalitaan mo bah na si Celestia ay nadadala na sa mga kaibigan niya. Nagkababa na yong grades niya dahil palagi na silang nalalate sa klase.” chika ni Feigh.
“Oo nga eh pero aware naman ata sila kung anong ginagawa nila kaya pabayaan nalang muna” sabi naman ni Allisha.
“May point ka naman Allisha but you have to remind them if they are over the line na kasi sometimes they think that they are right when they did something wrong.” I told them.
“Oo nga sana mag bago na sila dahil nakakadismaya marinig yan” Jeanie said.
Ngayon lang kami nag-usap usap dahil masyado talaga kaming busy ngayon dahil mostly of the projects are individual.
“Lezia, it’s been a while since I saw you because Ate Steph said that you have so many important plans.” Ed said after I entered the dance room.
“How was the medicine I gave to you? Did you take it?” I asked.
“Yes it was a good medicine. Thank you for that.” he replied.
“ I thought you’re taking the music class today? Why are you here?” I asked again.
“Well uhm, Kahapon pa lang ako nandito” he answered and I just nodded.
It’s been a tiring day because we had a meeting because I am an officer and we had a practice sa dance class. I’m at the house right now but someone called so I stop playing games.
Celistia: Zia, saan ka?
Me: Nasa bahay bhie, bakit?
Celestia: Pwede ba tayo kita today?
Me: Sige doon nalang sa Cafe Bueno. I’ll be there in 15 minutes.
I hurriedly change because I think she really need me right now because she looks like she’s about to cry over the phone and I wanted to be there always when they need me.
While waiting for her I saw Edriell entered in the coffee shop in where I am right now. We always see each other in this scenario. I saw him but he didn’t see me but the one who only saw me is the one who is with him and it’s my first time to see that person.
“Kanina ka pa ba Zia?” Celestia asked when she arrived.
“No just two minutes ahead from you hihi. I think I’m just too early.” I answered.
“Thank you so much for being one call away. I called all of them but they didn’t answered tapos busy padaw sila kaya thank you kasi sumagot ka.” she smiled.
“What are friends for? Diba sabi ko always call me and I’ll be there always!” I smiled back. “Ano na? Chika na? Iiyak mo na yan Celestia!” I added because I know she really wanted to cry.
“Eh kasi ano eh si Mama at Papa naghiwalay daw. I know that this is a family matter pero kahit ngayon lang oh pwede ko naman ata sabihin diba?”she asked while her tears are falling.
“Yes honey. Ilabas mo lang, makikinig ako” I told her while hugging her.
“Napakaselfish kasi nila Mama kasi iniisip nila ang sarili nila at hindi nila kami iinisip mga anak nila. Napakadali nilang maghiwalay para lang sa sarili nila. Sana inisip din naman nila na may responsibilidad sila sa amin at kailangan nila kaming palakihin ng maayos. Sana inisip naman sila nila na kailangan pa sila ng dalawang kapatid ko. Kailangan namin ng ama at ina kasi sila ang nagpabuhay sa amin sa mundong to tapos ito ang ipaparanas nila sa amin? Zia hindi ko kaya eh wala akong trabaho tsaka hindi kami mayaman tapos hindi ko alam kong makakayanan ng kapatid ko ang mga lahat ng ito. Sana naghiwalay sila nung hindi pa kami nabuhay sa mundong to kasi pinagsisihan ko naman kung bakit pa ako nandito. Napapagod din naman ako kaya minsan gusto ko nalang tumakas sa obligasyon ko. Sabi ng iba na naging pabaya nadaw ako pero ginagawa ko lang naman yon dahil napapagod na ako. Zia paano bato?Paano kami ng mga kapatid ko?Ayaw kong maging mahina Zia.” sabi niya habang umiiyak ng husto.
Gusto ko man magalit sa magulang niya pero alam ko na may rason din pero ang bata bata pa namin tapos ganito ang pinaparanas nila kay Celestia. Gusto ko man magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko kasi natatakot ako na baka maranasan ko ito. Sana hindi nga. Ayaw ko maging ganito.
“Celestia alam kong nahihirapan at napapagod ka na pero kailangan mo magpakatatag para sa sarili mo at sa kapatid mo. Kung hindi mo na kaya pwes kayanin mo kasi walang magiging matatag. Darating ang araw Cel na pwede kang tumakas sa obligasyon mo pero ngayon kailangan mong lumaban. Alam ko na ikaw lang ang makakalagpas yan pero sana malaman mong nandito ako palagi ha? Sasamahan kita magheal at maging matatag kasi alam ko na kailangan mo din ng masasandigan. Hindi ko alam ang sasabihin ko tungkol sa magulang mo kasi walang tamang sagot sa mga katanungan mo pero pag maging matatag ka at magpatuloy ka sa buhay mo mahahanap mo ang kasagutan sa mga tanong mo ngayon kasi alam ko na ikaw lang makakahanap yan” sagot ko sa kanya.
Umiyak ng umiyak at nagpapahayag si Celestia ng nararamdaman niya ngayon tapos sinamahan ko siya sa bahay nila. Nakita ko yung mama niya na nakatulala at yung kapatid niyang dalawa ay umiiyak. Nasa 7 at 10 gulang na ata ang mga kapatid ni Zia. Sinamahan ko siyang pakainin ang mga kapatid niya dahil wala pang kain simula umaga pero kahit anong pilit ay hindi pa din kumakain.
“Celestia ano bang paborito ng mga kapatid mo?” tanong ko.
“Pag umuuwi kasi ni Papa tapos sweldo niya ay nagdadala siya ng Jolibee kaya yun ata ang paborito nila.” sagot niya habang awa awa na tumingin sa kapatid niya.
“Sige, bibilhan ko nalang sila.” suggest ko.
“Wag na mahal yon nakakahiya. Tinulongan mo na nga ako tapos ikaw pa magbabayad sa pagkain namin.” sagot niya.
“Ako na bahala Zia, patahanin mo nalang sila.” sagot ko naman.
Malapit lang naman ang Jolibee dito kaya bumili na ako ng isang bucket na manok na may kasamang spaghetti tapos sinamahan ko nalang ng fries tsaka burger. Alam ko na magtatanong na naman si Mom kung bakit napakarami ang nakuha sa card ko pero alam naman niya na minsan lang ako gumastos.
Habang bitbit ko at papasok na ako sumigla ang mga mata ng kapatid ni Celestia sa wrapper ng Jolibee.
“Hala may Jolibee Mama!” sabi ni Bryan, ang bunsong kapatid ni Celestia.
“Bryan para sayo to dala ni Ate Zia pero bago mo to kakainin ipapangako mo na hindi ka na iiyak. Sabi kasi ng iba pag umiyak daw ang lalaki bakla daw kaya wag na wag kang iiyak dahil nakakapanget yan Bryan.” sabi ko sa kaniya.
“Opo, hindi na po ako iiyak” sagot ni Bryan habang pinupunasan ang luha niya.
“Ako din po hindi napo ako iiyak” sagot ni Sarah, ang pangalawang kapatid.
Gusto ko man sabihin sa kanila na pwede at valid magpakita ng emosyon pero kailangan din naman nila magiging matatag kasi kung maging mahina silang lahat sino ang aakay sa kanila pataas? Sana nga lalaban sila sa pagsubok na kinahaharap nila ngayon.
“Hija pasensya kana ha ikaw pa ang bumili ng pagkain ng mga bata.” sabi ng mama ni Celestia.
“Okay lang po Tita, wag po kayong mag-alala malalampasan niyo din po ito.” sabi ko kay Tita.
Umuwi na ako pagkatapos kumain doon. Sana nga malalampasan nila kasi napakahirap maranasan ang ganoon. Ang natutunan ko lang ngayon ay akala natin na naging pabaya ang tao sa mga resposibilidad niya pero lahat ng sitwasyon ay may dahilan. May mga bagay pala talagang hindi natin inaasahan at ang kaya mo lang gawin ay umiyak at maging matatag. Paano kaya kung mangyayari yan sa akin? Makakaya ko kaya? Sana.