"Are you crying?" untag sa kanya ni Hermes nang siya ay suminghot-singhot. "Hindi. Sumisinghot lang ako dahil may bara sa ilong ko at kailangan ko ng i-flash," sagot niya pero ang totoo ay umiiyak naman talaga siya. "Humarap ka nga sa akin," sambit ng lalaking amo na hinawakan ang kanyang mukha dahil nakatagilid siya rito. "Bakit, nakatalikod ba ko, sa ʼyo? Itulog mo muna at magmumuni-muni muna ako," aniya na pasimpleng pinunasan ang basang mga mata, sabay singa nang malakas sa kanyang panyo. "Donʼt cry, because you look ugly." "Nakikita mo ba na umiiyak ako, ha!" "No, but it's obvious you're crying," wika ni Hermes. "Look at me, Ms. Montes," utos pa nito pero ayaw tumingin sa kanya ni Luna. "I said, look at me!" maawtoridad niyang sambit sabay hila sa buhok ng babaeng katulong.

