bc

Her Seduction Plan

book_age12+
126
FOLLOW
1.2K
READ
friends to lovers
goodgirl
dare to love and hate
student
sweet
humorous
campus
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

A dare to love game of an shy and timid girl to a ignorant boy. Would the two of them develop feelings to each other?

chap-preview
Free preview
1
ALEXI Ano pa ba ang kailangan kong gagawin para magustuhan niya rin ako dahil nahihirapan na ako. Ang sakit sa ego ko na ako pa talaga ang humahabol sa kanya kun'di lang sana ako natalo sa pustahan naming magkakaibigan sana hindi ako naghihirap ng ganito ngayon. "Alexi?" "Alexi!" Natauhan naman ako sa sigaw ng mga kaibigan ko sa akin. "Huh?" "Nakikinig ka ba sa amin?" tanong sa akin ni Steffi, kaibigan ko. "Huh? Ano ba yung sinasabi niyong dalawa?" tanong ko. "Kita mo na." Sagot ni Chloe at napailing. "Kanina pa kami nagkwe-kwentuhan ditong dalawa tapos ikaw naman nasa ibang planeta." "Sorry naman." Sigaw ko. "Napaisip lang kasi ako." "Ano naman yang iniisip mo?" tanong ni Steffi. "Tungkol ba yon sa pustahan natin? Tanong ni Chloe. "Naku Alexi, kapag ikaw hindi tumupad sa pustahan natin hindi talaga kita iimbitahan sa debut ko. Tandaan mo yan!" "Yon na nga eh." Napahinga ako. "Iniisip kong hindi nalang ako pupunta sa debut mo para naman hindi ko na ipapatuloy yung pustahan natin. Nahihirapan na ako." "Hoy Alexi, huwag mo kong ma-ano dyan ah kun'di sisipain talaga kita side by side going to other planet." Banta ni Chloe. "Bakit niyo ba kasi naisipan na yun ang ipagawa niyo sa akin alam niyo naman na hirap na hirap na nga ako don." Reklamo ko. "Ayaw mo ba non, challenging." Sabi ni Steffi at nag-apiran dila ni Chloe. "Oo nga, challenging, pero nakakahiya na yong ginagawa ko." Sabi ko. "Patulong ka kasi kay Lexus para hindi ka na mahihirapan." Sabi ni Chloe. "Close naman kayo, diba?" "Sinabi mo pa. Close na close nga talaga sila." Sagot ni Steffi. "Yon naman pala eh, kaya wala ka nang problema pa." Sabi ni Chloe na abot tenga ang saya. Sapakin ko tong dalawang to, eh. "Oh siya, mauuna na ako." Sabi ko at nilayasan na sila. Tapos na ang klase ko at kailangan ko nang umuwi. "Oh Lex, baby, bakit ang aga mo ata?" tanong sa akin ni Lexus pagkadating ko ng bahay. "Huwag mo 'kong ma-baby dyan. Hindi mo ako anak." Sagot ko. Padabog akong umupo sa sofa. "May gagawin ka ba? Tara, gala tayo." Aya niya. As far as I know, pupunta naman siya sa parating lugar nila. Ano pa bang bago? "Sige na, sama ka na. Huh?Bihis lang ako." Pilit niya sa akin at umakyat na sa taas. "By the way, nandon si Ice kaya sumama ka na." Naliwanagan naman ang mukha pagkarinig ko ng pangalan niya. Talaga? Nandon siya? Umakyat na rin ako sa taas at nagbihis na. Sinuot ko yung lucky shirt ko na parati kong ginagamit at nagsuot ng jeans at sneakers. Ganon ako kabadoy manamit. Paglabas ko nagka-salubong kami ni Lexus. "Yan ang susuotin mo?...Again." tanong niya sa akin. Tiningnan naman ako mula ulo hanggang paa. "Ano pa ba? Tara na nga." Sabi ko. "Pwede bang magbihis ka? Marami ka namang ibang damit don. Yung mga pinamili ko pala sayo, yun ang suotin mo huwag yan." Turo niya sa damit ko. "Ang badoy." "Ayoko nga. Ang laswa kaya ng mga yon at hindi ako sanay sa mga over-revealing na mga damit." Sabi ko. "Okay na to atsaka komportable ako sa suot ko na to." "Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya at nilampasan ako. Nakarating na kami dito sa bar na pinagmamay-arian ng pamilya ni Ken, kaibigan ni Lexus. "Nandon pala sila." Hinila agad ako ni Lexus papunta sa mga kaibigan niya. "Good to see you here, pare." Bati ni Ken. "Mabuti naman at dinala mo dito si Alexi." Sabi ni Drei. "As always late ka parati." Sabi ni Kenny. "Ang daming chicks dito, pre. " sabi ni Reid. "What's up, Lex." Sabi ni Ice. Nakakainis, hindi man lang nila ako binati. Hello, nandito kaya ako. Isang banda sila sa skwelahan namin at lahat sila sikat dahil sa kanilang angking taglay. Gifted daw, sabi ng iba. "Hi, Ice." Bati ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at umiwas din. "Huy Ice, Hi daw sabi ni Alexi." Siniko siya ni Drei. "Hi." Malamig niyang sagot. Hindi man lang ako tiningnan. "Ano ba naman yan, inaaway niyo nalang parati itong kakambal ko." Inakbyan ako ni Lexus. "Pumunta siya dito para magpakasaya, okay?" "Alexi, anong gusto mong inumin? Libre kita." Sabi ni Ken. "Cocktail juice lang sa akin." Sagot ko at umupo na ako katabi ni Lexus. Inorderan na ako ni Ken sa bar counter at dinala niya sa akin. "Ito na, oh." Inabot niya sa akin yung cocktail juice. "Salamat." "Alexi, don lang kami." Sabi ni Drei habang tinuturo niya yung mesa na may mga nakaupo na mga babae. "Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang kami at kapag gusto mong umorder pumunta ka lang ng bar counter." "Sige." Tumango ako. "Ice, sama ka sa amin?" tanong ni Ken sa kanya. "Dito lang ako." Sagot niya. "Bahala ka. Ikaw na bahala kay Alexi." Sabi ni Ken. Umalis na sila Lexus, Kenny, Ken at Drei at naiwan nalang kaming dalawa. Ano ba naman to. Ang awkward. "Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ko sa kanya. "It's none of your business." Sagot niya. "Nagtatanong lang. Ang sungit." Bulong ko. "Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin?" "I'm not in the mood to answer your questions." Sagot niya. "Bakit ba ayaw mo sa akin?" tanong ko. "Gusto ko lang naman na maging kaibigan ka." "Marami na akong kaibigan." Sagot niya. "Bakit mo ba ako ginaganito? Mabait naman ako sayo. May ginawa ba akong mali?" tanong ko. Padabog niyang ibinaba yung cellphone niya na kanina niya pang pinagkakaabalahan at hinarap ako. "Why do you keep asking questions? Huh? It's irritating." Sabi niya. "I don't have time to play games with you Alexi and to tell your frankly, I don't like you and I don't have intentions to flirt with you." Tumayo siya at iniwan niya akong mag-isa sa mesa. Grabe naman siya kung makapagsalita akala mo naman kung sinong gwapo. Kung hindi lang to sa pusta namin eh, hindi ko naman to gagawin. Napakasuplado talaga ng lalakeng yun mabuti pa yung iba niyang mga kaibigan. "Uy, anong nangyari don? Bakit nag-walkout yun?" tanong sa akin ni Kenny. "Ewan ko sa kanya. Tinanong ko lang naman." Sagot ko. "Red days niya ba?" "Siguro." Tawang sagot naman si Kenny. "Hayaan mo na yun, ganon talaga si Ice." "Okay." Sagot ko. "Pakisabi nalang kay Lexus na mauna na akong umuwi. Salamat." Tumayo na ako. "Huh?Bakit naman? Kakarating niyo nga lang." "Nalimutan ko kasi na may gagawin pa ako kaya mauna nalang ako." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. "Gusto mo bang ihatid kita sa labas?" "H-Hindi na, Kenny. Nakakahiya naman sayo." Tanggi ko. "No, it's okay." "Hindi na talaga. Kaya ko naman maglakad at marami namang taxi dyan sa labas. Pakisabi nalang kay Lexus na mauna na ako. Salamat." Nginitian ko siya at umalis na. "Mag-ingat ka." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Sumakay na ako ng taxi at pumunta sa bahay ni Chloe. Ayoko na munang umuwi ng bahay. "Chloe! Steffi! Ano nang gagawin ko nito? Hindi ko talaga mapapa-amo si Ice." Reklamo ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kailangan ko ng may makakausap kaya pumunta ako sa bahay ni Chloe at tinawagan si Steffi na pumunta sa bahay nila Chloe. Wala naman talaga akong gagawin sa bahay, sinabi ko lang yun para may excuse ako at para makaalis na rin ako sa lugar na yon dahil hindi ako sanay sa mga lugar na ganon. "Huy Chloe, hindi ka ba naaawa dito kay Alexi?" tanong ni Steffi kay Chloe na kumakain ng ice cream. "Hindi." Sagot niya at tingnan ako. "Kayang-kaya mo yan, ikaw pa." "Chloe naman eh. Nakakainis ka!" tinapunan ko siya ng unan, nasalo niya naman agad. "Narinig mo naman diba ang sinabi niya sa akin kanina. 'I don't have time to play games with you achecheche'." "Pakipot lang yan." Sagot ni Chloe. "Bakit ba kasi ibahin mo yung style mo. Ikaw lang yung iba sa aming dalawa ni Chloe." Sabi naman nitong si Steffi. "May height ka naman, may katawan ka naman, makinis ka naman at maputi pa at higit sa lahat may itsura ka kaya gamitin mo yan pang-akit kay Ice. Malay mo naman bumigay rin siya." "Gaga!" sigaw ko kay Steffi. "Hindi ako ganong babae noh at wala akong balak gawin yan. Kontento na ako sa style kong to at hindi naman solusyon ang pagpapaganda para makuha ko siya dahil lahat naman ng ito pustahan lang at pagkatapos nito babalik rin naman tayo sa umpisa." "Malay mo ma-inlove ka sa kanya o di kaya ma-inlove siya sayo. Ayaw mo ba non?" sabi ni Chloe. "Hinding-hindi mangyayari na ma-inlove ako sa kanya at hinding-hindi rin mangyayari na ma-inlove siya sa akin dahil hindi niya naman type ang mga katulad ko." Sagot ko. "Huwag ka ngang nega dyan, gaga ka talaga." Sabi ni Chloe. "Bakit yun ang naisip kong i-pusta dahil unang-una pa lang may chemistry na kayong dalawa at may similarities kayo at sabi nga nila diba, 'Opossite attracts'. Duhh." "Pwede bang iba nalang? Huwag lang siya." Reklamo ko. "No." Sagot ni Chloe. "Pwede ba Alexi, bawas-bawasan mo rin yang pagiging mabait mo minsan dahil nakakasakal na. Okay." Sabi ni Steffi. "Eh..." "Ah, basta. Final na yan." Napa-pout nalang ako. Nakakainis talaga tong dalawa kong kaibigan. Natigil naman kami sa pag-uusap nang ruminig yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumawag. Si Lexus. "Hello?" sagot ko. "Nasaan ka?Kanina pa kita tinatawagan? Bakit ngayon mo lang sinagot? Huh?" tanong niya sa kabilang linya. Halatang alang-ala siya sa akin. "Pwede ba, isa-isa lang sa mga tanong." Sagot ko. "Unang-una, low bat ako at ngayon ko lang na-charge ang phone ko at pangalawa, nandito ako sa bahay ni Chloe dahil kailangan ko ng makakausap at wala naman akong gagawin sa bahay." "Ang sabi mo kay Kenny, uuwi ka na pero bakit nandyan ka sa bahay ni Chloe?" "Pwede ba, huwag ng daming tanong dahil nakakaloka ka." Bulyaw ko rin sa kanya. "Uuwi rin naman ako dyan maya-maya." "Hindi mo ba alam na nag-aalala ako sayo dahil ang sabi mo nandito ka na sa bahay pero wala ka. Sinisi ko tuloy si Kenny dahil hindi ka niya hinatid." "Ano ba Lexus, tumawag ka lang ba sa akin para bulyawan ako dahil hindi ka nakakatulong. Nakakainis ka. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko." Bulyaw ko sa kanya. "Paano pag may nangyari sayo, sinong malalagot kun'di ako rin. Sakit ka talaga sa ulong babae ka." "Yun naman pala, edi huwag mo na akong alalahanin. Hindi naman problema yun, eh. Bwisit." Binabaan ko siya agad. Sakit sa ulo talaga yung lalakeng yun. Ginagawa niya akong bata, ughh. "Ganyan dapat, Lex." Napatingin naman ako kay Chloe. "Huh?" "Gamitin mo rin kaya yang ka-malditahan mo sa iba hindi lang sa kakambal mo para naman may thrill yang buhay mo." Sagot ni Chloe. "Ayoko no. Ayoko ng maraming intriga at gusto ko mapayapa yung buhay ko." Sagot ko. "Hay naku, bahala ka sa buhay mo Alexi." Napahilamos ng mukha si Chloe. Maya-maya may narinig kaming katok sa pintuan. "Ms. Chloe?" katulong ata nila. "Pasok lang." Sagot ni Chloe. "Bakit?" "May naghahanap po kay Ms. Alexi sa ibaba." Sagot ng katulong. "Sino daw?" tanong ko. "Hindi ko po alam. Hindi ko po natanong." "Lalake o babae?" tanong ni Steffi. "Lalake po." Sagot ng katulong. "Baka si Lexus yun." Sagot ni Chloe. "Hindi ko alam." Nagkibit-balikat nalang ako. "Salamat po Manang. Pakisabi baba na ako. Salamat." "Yaya, sandali." Sabi ni Chloe. "Bakit, Ms. Chloe?" "Ipa-uwi mo kay Alexi yung pinadala ni Daddy na mga baked macaroons, lahat yun. Salamat." Sagot ni Chloe. Mahal talaga ako ng kaibigan ko. Sinirado naman ng katulong ang pintuan. "Imposible namang si Lexus yun, eh, ang sabi niya kasi sa akin kanina nasa bahay siya." Sabi ko. "Baka si Kenny?" tanong ni Steffi. "Siguro. Ang sabi kasi sa akin ni Lexus, pinagalitan niya si Kenny dahil hindi niya daw ako hinatid baka hinanap ako ni Kenny dahil nakonsensya siya. Nakakahiya." Sabi ko. "Sige, mauna na ako. Nakakahiya naman kasi dun sa tao. Salamat talaga." Niyakap ko silang dalawa. "It's okay. You're always welcome." Sabi ni Chloe. "Goodbye. Take care." Sabi naman ni Steffi. "Bye." Sagot ko at umalis na. Nakasalubong ko naman si Manang paglabas ko. "Ito na po Ms. Alexi." Inabot sa akin ni Manang yung paperbag. "Alexi nalang po, manang." Sabi ko. Inabot ko yung paper bag. "Salamat po." Umalis na siya at bumaba na ako sa hagdan. "Manang, sino daw po yung naghahanap sa akin?" tanong ko. "Pasensya na, Alexi. Hindi ko natanong." Sagot ni Manang. "Salamat nalang po. Nasaan po siya?" "Nasa labas, Alexi." "Salamat po ulit, Manang. Una na po ako." Tinapik ko siya at lumabas na. "Arayy!" nagulat naman ako sa sumigaw. "What the heck?!" "Ice?" ICEN LLOYD CASTILLO STEFFI UY CHLOE RETTE TAN KENNY SY KENNETH ITALIA ANDREI MONDRAGON REIDSON MONTEMAYOR

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.6K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

NINONG III

read
417.0K
bc

OSCAR

read
248.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.7K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook