2

1997 Words
ALEXI  "Ice?" gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo dito?" Tinulungan ko siyang tumayo. "I was waiting for you." Sagot niya habang hawak niya yung likod niya. Napalakas siguro yung tulak ko ng pinto. "Naku, sorry talaga, Ice. Hindi ko naman kasi alam na nasa pinto ka pala. Sorry talaga." Nag-aalala kong sabi. Bakit ba kasi siya nandito? At anong ginagawa niya dito? "Bakit ka ba nandito?" tanong ko. "Huh? Ano? P-Pinapasundo ka sa akin ng kapatid mo." Sagot niya. "Sana hindi ka na nag-abala. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Salamat nalang, atsaka baka pagod ka na. Mauna ka na baka may pupuntahan ka pa. Marami pa namang taxi dyan." Sabi ko. Nakakahiya talaga. "It's okay." Sagot niya. "Okay lang, kung napipilitan ka huwag nalang. Pasensya ka na duo sa kapatid ko, ganon talaga yon." Sabi ko. "No. I'll take you home. Let's go." Seryosong sabi niya. Nauna na siyang naglakad at sinundan ko nalang siya hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya. Ano ba naman yan, awkward naman to. Ngayon lang ako nakasakay sa kotse niya at ang bango ng kotse niya. Manly scented talaga. Ang bango. Habang bumabyahe kami, wala kaming imikan. Ang awkward ng atmosphere namin. "I'm sorry." "Sorry..." Sabay naming sabi. Nagkatinginan naman kaming dalawa ng sandali. "Ikaw na mauna." Sabi ko. "I'm sorry about what I said earlier." "Okay lang yon." Sagot ko. "Hindi mo naman kasalanan, kasalanan ko naman. Marami akong mga tinatanong sayo. Pasensya ka na talaga. Huwag kang mag-alala dahil hindi na ako mangungulit sayo." "O-Okay." After ng maliit na pag-uusap namin ay ni isa ay wala nang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay.  "Salamat sa paghatid." Sabi ko. "Sige." "Alexi?" tawag niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya agad. "Bakit?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot pero lumapit siya sa akin. Oh My, what is this? Hahalikan niya ba ako. "I-Ice? Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko. Hahalikan niya ba talaga ako?! Seryoso? "Done." Sabi niya. Napamulat naman ako at tiningnan siya. "Huh?" "Ang tanga mo talaga. Bababa ka na nga lang, nalimutan mo pang i-unhook yung seatbelt mo." Sabi niya. "Sorry." Sabi ko at nag-peace sign sa kanya. "Akala ko kasi kung hahalikan mo ako." "Asa ka naman." Sagot niya. Na-dismaya naman ako sa sinabi niya. Sayang! "Joke lang. Eto naman. Sige, salamat ulit." Sabi ko at bumaba na ng kotse niya. Pumasok na ako sa bahay na abot tenga ang ngiti. "Ang saya mo ata, ah?" salubong sa akin ni Lexus, ang epal niya talaga. "Hindi ba halata." Sagot ko at inirapan siya. "Bakit ngayon ka lang? Sinong naghatid sayo? Ha?" tanong niya. Nakakainis talaga ang lalakeng to, akala mo naman parang anak niya ako na sigaw-sigawan niya lang.  "Pakealam mo ba kung ngayon lang ako. Eh diba, sinabihan mo si Ice na sunduin ako sa bahay ni Chloe, edi sinundo niya ako at hinatid dito sa bahay. Shunga lang." Sagot ko. "Huh? Pinagsasabi mo?" tanong niya. "Hindi ko inutusan si Ice na sunduin ka at ihatid ka dito ah. Ano bang sinabi niya sayo?" Nagulat naman ako. Teka, nalilito ako. Sino ba sa kanila ang totoo? "Huh?" nalilito na ako. "Ang sabi kasi sa akin ni Ice, pinapunta mo daw siya sa bahay nina Chloe para sunduin ako at ihatid dito sa bahay." "Loko-loko talaga ang lalakeng yun. Wala akong sinabi sa kanya ah." Sabi niya. "So, siya ang naghatid sayo dito? Kaya pala ang saya-saya mo." "Pakealam mo ba. Duhh." Sagot ko at nilampasan siya. Kinabukasan, hiniram ko ang gitara ni Lexus para sa activity namin. Nakakakainis nga dahil individual magperform. Naisipan ko nalang na mag-gitara habang kumakanta dahil yun lang naman ang alam ko. "Alexi Loraine Mendez?" tawag ng teacher. Oh my, ito na talaga. Magpe-perform na ako sa harap ng mga kaklase ko. Nahihiya ako. Gusto ko tuloy magback-out. Magkaklase pa naman kami ng mga kaibigan ni Lexus maliban lang sa kanya at si Reid. "Alexi Loraine Mendez?" tawag ulit ng teacher kaya tumayo naman ako agad. Kinuha ko yung gitara at pumunta sa harapan. "What are you gonna do?" tanong ng teacher. "Mag-gigitara pa ako habang kumakanta, sir." Sagot ko. Nanginginig na ako sa kaba. "Okay. You may start now." Umupo ako sa upuan at tiningnan ang mga kaklase ko kasali na si Ice na diretso ang tingin sa akin. Awkward naman nito. Lahat sila nakatingin sa akin. Sinenyasan ako ni Chloe at ni Steffi ng "goodluck". Huminga ako ng malalim. Kaya ko to. Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdurugtong Damang-dama na ang ugong nito Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding-hindi ko ipararanas sayo Ibinubunyag ka ng iyong mata Sumisigaw ng pagsinta... Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang Tayong umaasang hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sayo... Ohhhhh... Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin Ipauubaya nalang ba to sa hangin Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo Narito ako makikinig sayo Ohhhhh... Ohhhhh... Ohhhhh... Nagulat naman ako dahil lahat sila nagpalak-pakan lalo na yung dalawa kong kaibigan. "Bestfriend namin yan!" sigaw ni Chloe. Sinamaan naman siya ng tingin ng teacher namin. "Well done, Alexi." Sabi ng teacher namin. "Magaling ka palang kumanta at gumitara pa. Why don't you join in your brother's group? What do you think Ken? Ice? Kenny? Drei? Reid?" Napatingin naman ako sa kanilang apat na nakatingin rin sa akin. Nahihiya ako. "It's okay for me at least double purpose siya sa banda namin. She can be a guitarist and a vocalist at the same time." Sabi ni Ken. "We can't decide easily. We should talk to her brother first before we can let her in." Walang ganang sagot ni Ice. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nakakainis. "It's okay for me." Sagot ni Kenny. "For me, she's seems good and has a good quality of voice. Well, its okay for me to let her in. What do you think, Reid?" Sabi ni Drei. "It's okay for me also." Sagot ni Reid. Natuwa naman ako sa sinabi nila. At last. "I think you should join in your brother's band because you have a perfect quality of voice and you're better than your brother." Sabi ng teacher namin. "I will talk to your brother later." Totoo ba to? Papasalihin nila ako sa banda nila? Oh My God. I can't believe this is happening. Pagkatapos ng klase, nilibre ko sina Chloe at Steffi sa Jollibee. "Abot tenga na naman ang ngiti mo dyan." Sabi sa akin ni Chloe. "Sino ba naman ang hindi ngingiti ng ganyan kung ang matagal niya nang gusto ay naabot niya na. Duhh." Sagot naman ni Steffi. Inggitera talaga tong dalawang to. "Natutuwa lang kasi talaga ako." Sagot ko. "Teka, matanong nga kita. Yung totoo, huh." Sabi ni Chloe. "May gusto ka ba Ice?" "Huh? Anong tanong ba yan?" tanong ko. "Syempre, hindi. Masaya lang ako kasi..." "Kasi makakasama mo na siya parati." Dugtong ni Steffi. "Hindi ah!" sagot ko. "Syempre masaya lang ako dahil may mabubuo nang closure sa amin ng mga kaibigan ni Lexus." "Closure? Sa kanila o kay Ice?" tanong ni Steffi. "Kakasabi ko nga lang diba. Sa kanilang lahat." Sagot ko. "Pwede bang huwag na natin silang pag-usapan dahil baka ano pa ang masabi ko." "Ano nga ba ang masasabi mo?" sabi ni Chloe at ngumuso. Napalingon naman ako. Nakita sina Lexus kasama ang mga kaibigan niya na papasok. Nakita naman nila kami. "Hi, Chloe." "Hi, Steff." Bati nilang lahat. Ba't ako wala. "Hi there, sis." Bati sa akin ni Lexus. Mabuti pa siya binati ako. Bwisit talaga yang mga kaibigan niya. "Nandito rin pala ang proxy vocalist s***h guitarist ng banda natin." Napatingin naman ako kay Drei. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Totoo? Seryoso siya? "Huh?" "Yes. Proxy. Ayaw mo ba non?" sabi ni Lexus. "Huh? Proxy lang? Diba ang sabi ni—" "Hindi naman talaga kita papasalihin kaso pinilit lang ako ni Sir. Pasensya na, proxy lang ang maibibigay ko sayo." Nginitan ako ni Lexus at linampasan na kami. Disappointed? Yun yung feeling ko ngayon. Bakit ba kasi ako umasa, yan tuloy disappointed ako. "Alexi, okay lang yan at least kapag may umabsent sa kanila pwede kang magsub." Sabi ni Steffi. "Ang susungit talaga ng mga yan. Akala mo naman kung sinong magaling." Sabi ni Chloe. "Guys tama na." Awat ko sa kanilang dalawa. "Sige, aalis na ako." Hindi ko na hinantay ang sasabihin nila at kinuha ko na ang bag ko at umalis na agad. LEXUS "Pare, ang saklap naman ng sinabi mo sa kapatid mo." Sabi ni Drei. "Eh, diba ang sabi mo kay Sir kanina isasali mo siya full-time hindi bilang proxy lang." Sabi ni Ken. "Ayoko siyang sumali. Ganon. Ano sa tingin mo, Ice?" sagot ko. Tiningnan ako ni Ice. "It's up to you." Sagot niya. Umupo na kami sa table namin pagkatapos naming mag-order. "Ang ganda talaga ng boses ni Alexi, hindi nga ako makapaniwala na may ganon pala siyang tinatagong boses." Sabi ni Reid. "Sinabi mo pa. She looks beautiful when she's singing." Sabi naman nitong si Ken. "First time ko siyang narinig kumanta kahit minsan nasa bahay niyo kami never." Sabi ni Kenny. "Kung pwede ko lang ligawan yung kapatid niya sana noon ko pa ginawa..." sabi naman ni Drei. "Kaso?" tanong ni Reid. "Ang weird niya kasing manamit." Sagot ni Drei. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Chillax, pare." Sabi ni Drei. "May itsura naman siya, height, katawan at higit sa lahat talented." "The way she dress is not what I like also. Diba Ice?" Sabi ni Ken. "Yeah." Walang ganang sagot ni Ice. "Hoy mga ulol, huwag na huwag niyong papakealaman ang kapatid ko kun'di papatayin ko talaga kayo. Pag nalaman ko lang na nililigawan niyo siya, humanda kayo sa akin dahil parang nililigawan niyo na rin ako." Sigaw ko sa pagmumukha nila. "Lalo ka na Ice, parang may pagtingin pa naman sayo si Alexi." "Don't worry. I don't have any intentions." Sagot niya "Good." Sagot ko. "By the way, bakit ka nagsinungaling kay Alexi na ako ang nagsabi sayo na sunduin mo siya sa bahay nina Chloe?" "Teka, I smell something fishy." Sabi ni Kenny. "Nothing. Ken was asking for my help to find her and I wasn't expecting that she's really in Chloe's house. Diba, Ken?" sagot ni Ice. "Huh? Aray! O-Oo." Sagot ni Ken. "Anong nangyari sayo, dude?" tanong ni Drei. "Huh? N-Nakagat ako ng lamok sa paa ko. Ang sakit." Sagot ni Ken. "Baliw talaga kayo." Sabi ko. "By the way, bakit ba ayaw mong pasalihin si Alexi sa banda natin? Okay naman siya." Tanong ni Kenny. "Nothing." Sagot ko. "Siguro naiinggit ka sa kanya dahil mas maganda ang boses niya kaysa sayo noh?" tanong ni Drei. "Ba't naman ako maiinggit. Tch." Sagot ko. "Eh, ano nga?" pilit ni Kenny. "Kasi alam ko naman na mahiyain siya baka mapalya pa tayo kapag pinasali natin siya." Sagot ko. Ang totoo, gusto ko talaga si Alexi pasalihin kaso para kasing may gusto siya kay Ice kaya mas mabuti nang hindi ko siya papasalihin dahil baka masasaktan lang siya dahil alam ko naman na walang gusto si Ice sa kanya. Mahal ko si Alexi at ayokong nakikita siyang nasasaktan. "Hindi ka talaga naaawa sa kapatid mo. Nakita mo ba yung mukha niya kanina. Disappointed siya." Sabi ni Ken. "I know, pero mabait naman si Alexi kaya mapapatawad rin ako non." Sagot ko. "I have to go." Napatingin naman kaming lahat kay Ice. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "May pupuntahan lang ako." Sagot niya at umalis na agad. Problema nun? ALEXI POV Hindi muna ako umuwi ng bahay at pumunta muna ako sa puntod nina Mommy at Daddy pagkatapos kong iwan sina Chloe at Steffi. Its a long story kung bakit nila kami iniwan. We we're just 12 when they left us because of plane crash and afterwards, si Lolo at Lola na ang kumupkop sa aming dalawa. "Hi Mom. Hi Dad." Bati ko. "Siguro na-miss niyo ako. Na-miss ko rin kayo." Hinalikan ko ang lapida nilang dalawa. Kinwentuhan ko agad sila sa mga nangyayari sa akin kasali na don ang paghatid sa akin Ice sa bahay pati na rin yung kanina. "Gusto niyo po bang kantahan ko kayo? Matagal-tagal na rin na hindi ko kaya kinakantahan." Sabi ko. Para akong tanga na kinakausap ang puntod nilang dalawa. Kinuha ko yung gitara sa gilid ko at pumwesto na. You shot it out But I can't hear a word you say I'm talking loud, not sayin' much Im critizise, but all your bullet ricochet You shoot me down but I get up Im bulletproof nothing to lose Far away, far away Ricochet you take you aim Far away, far away You shoot me down but I get up I'm titanium Cut me down But it's you would have further to fall Ghost town and haunted love Raise your voice Sticks and stones may break my bones Im talking loud, not saying much Stone hard, machine gun Firing the ones who run Stone hard with a bulletproof glass... Im bulletproof, nothing to lose Far away, far away—Ice?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD