CHAPTER 3
"Ice?" sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"I was just passing by when I see you. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Wala lang. Binibisita ko lang sina Mommy at Daddy. Wala rin naman kasi akong ginagawa sa bahay." Sagot ko.
"Are you often here?" tanong niya.
"Hmmm... 2 beses akong pumupunta dito sa 1 linggo." Sagot ko.
Tumango siya at hindi na agad niya akong tinanong pa.
"May sasabihin ka ba pa?" tanong ko.
"Hindi ka ba natatakot dito na mag-isa? You should bring with you Lexus." Tanong niya.
"Ayaw niya, kaya ako nalang dito mag-isang pumupunta at wala namang katatakutan dito." Sagot ko.
"Want me to join you?" tanong niya saka umupo katapat ko.
Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw? Sasamahan ako? Seryoso ka ba?" tanong ko.
"It's not impossible. Besides, mag-isa ka baka mapag-tripan ka pa dito ng iba kaya dapat may kasama ka." Sagot niya.
"By the way, bakit nagsinungaling ka sa akin kagabe?" tanong ko.
"About what?"
"Sinabi mong si Lexus ang nagsabi sayo na puntahan mo ako sa bahay nina Chloe para sunduin ako." Sagot ko.
"Ahh.. It was really Ken who asked help to me to find you." Sagot niya.
"Bakit ka pa nagsinungaling?"
"Well...—Gusto mo bang mag-jam tayo? May gitara ako sa sasakyan. Sandali. Kukunin ko." Sabi niya.
Kinuha niya naman at bumalik agad.
"Anong gusto mong kantahin natin?" tanong niya sa akin.
"Kahit ano." Sagot ko habang nakangiti.
May side rin pala siyang ganito.
"Latch, alam mo?" tanong niya.
"Oo." Sagot ko.
"Sige, yung Boyce Avenue version ang kakantahin natin. Ako muna yung mauuna." Sabi niya.
You lift my heart when the rest of me is down
You, you enchant me even when I'm not around
If they're boundaries, I will try to knock them down
I'm latching on babe even when you're not around
I feel we're close enough
Could I lock in your love
I feel we're close enough
Could I lock in your love
Now I got you here in my space
I won't let go of you
Got your shackled in my embrace
I'm latching on to you...
"Ang ganda ng boses mo." Sabi ko sa kanya. "Parang relax lang at kalmado."
"Maganda rin naman ang boses mo. Why are you hiding it?" tanong niya. "It's my first time to hear your voice. Akala ko si Lexus lang ang magaling kumanta, ikaw rin pala."
"Nahihiya kasi ako." Sagot ko.
"By the way, it was good." Napatingin naman ako sa kanya.
"Huh?"
"You sing very well earlier." Sagot niya.
"Salamat." Nginitian ko siya.
Nag-usap kami lang kami ni Ice. Hindi ko alam na may mabait rin pala siya na side. Parati niya na lang kasi ako sinusungitan at binabalewala pero ngayon, ibang Ice ang nakita ko. Ano kaya ang nakain nito?.
"Uy, umuulan." Sabi ko sa kanya.
Bad trip naman to! Sa kalagitnaan na kami ng moment tapos biglang uulan.
"Shit." Bulong niya. "Hurry. Pack up your things."
Kinuha ko naman ang mga gamit ko lahat. Tinulungan niya rin ako. Siya ang nagdala ng gitara ko.
Papagalitan talaga ako nito ni Lexus pag nalaman niyang nabasa ko yung gitara niya. Bakit ba namaan kasi umulan bigla at ang lakas pa. Nakakainis!.
Pumasok na kami sa sasakyan niya.
Medyo nabasa na rin yung damit ko. Ang dami ko kasing kinuha pang gamit.
ICE POV
"Are you okay?" tanong ko sa kanya.
"Oo." Sagot niya.
Tiningnan ko siya pero napa-iba agad ako ng tingin.
Ano ba namang babae to?! God, don't lead me to temptations please.
Bakit ba kasi nagsusuot ng manipis na damit, nakita ko tuloy yung b*a niya. Color pink na may drawing na strawberries. Fvck!
"Shit." Mahina kong bulong.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Yes, I'm okay." Sagot ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.
Kinuha ko yung bag ko at inabot sa kanya ang varsity jacket ko. Mabuti nalang at nadala ko to kanina baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Wear this." Sabi ko.
"Salamat." Sagot niya. "Iuuwi mo na ba ako?"
Tiningnan ko siya.
"Why not? Basang-basa ka baka ano pang mangyari sayo kapag hindi kita inuwi." Sagot ko.
Nalungkot naman ang mukha niya.
"Ayoko pang umuwi." Sabi niya.
"We should go home." Sagot ko.
Bigla naman siyang nagpout. Ughh.
"Please??" sabi niya.
"Bakit ba ayaw mong umuwi? Huh?" tanong ko.
"Naiinis kasi ako kay Lexus. Ayaw ko siyang makita." Sagot niya. "Nabi-bwisit ako sa mukha niya. Ang sarap niyang apakan ng tsinelas sa mukha hanggang sa pumanget siya."
Napangiti nalang ako sa kanya. Ang cute niya palang magalit. Namumula.
"Bakit ka ngumingita dyan?" tanong niya.
"Nothing." Sagot ko. "Dahil ba don sa sinabi niya kanina kaya ka nagalit?"
"Huh? Hindi ah." Sagot niya. "Wala na kasi siyang magawa sa buhay niya at parati niya nalang akong inaasar."
"Okay. Where do you want to go?" tanong ko.
"Hindi ko nga rin alam." Sagot niya.
"Then, we'll go—"
"Please, huwag mo muna akong iuwi." Putol niya sa sasabihin ko.
Ganyan ba talaga siya ka desperada para hindi lang umuwi. Tsk.
"I'm not finish yet." Sagot ko. "What I'm saying is, we'll go to my apartment."
"A-Apartment?"
"Yes. Why?" tanong ko.
"W-wala." Sagot niya. "A-anong gagawin natin don?"
"What do you think?" tanong ko.
I smiled sweetly. Nagsimula akong lumapit sa kanya. She's really cute.
"A-anong ginagawa mo?" tanong niya.
"What I'm doing?" I said with my husky voice. "I'm doing the right thing."
Mas linapitan ko pa siya kaya napapikit siya ng mata niya.
Magkalapit na ang mukha naming dalawa. Ang kinis ng mukha niya. She's so angelic and innocent.
Kinuha ko yung seatbelt at pinasuot sa kanya. Umupo na ako ng maayos.
Napadilat naman siya. May dismaya naman akong nakita sa mukha niya.
"Safety first. That's the right thing to do." Sagot ko.
Napangiti nalang ako. Nakakatawa ang mukha niya.
ALEXIS POV
Kakadating lang namin sa apartment niya. First time kong nakapunta dito. Ang linis at mukhang hindi lalake ang nakatira dito sa apartment niya.
"Don't be amaze." Sabi niya.
"Ang ganda ng apartment mo. Parang hindi lalake ang nakatira dito." Sagot ko.
"Whatever. Go wash up." Sabi niya.
Ang suplado naman nito.
"That's the bathroom." Turo niya. Tumango naman ako.
Umalis siya at iniwan ako sandali. Pupunta siguro sa kwarto niya.
"Wear this." Inabot niya sa akin ang damit na hawak niya.
"Salamat." Sagot ko.
Pumasok na ako sa banyo at naligo na.
Pati ang banyo niya ang linis rin.
Tumingin ako sa salamin at napatingin ako sa jacket niya. Hinubad ko na yung jacket. Napatingin naman ako sa damit ko na basang-basa. Nabigla naman ako nang makita ko yung b*a ko na halatang-halata sa damit ko kaya siguro parang naiilang siyang tumingin sa akin kanina.
"Ang tanga ko talaga." Mahina kong sabi at binatukan ang sarili ko.
Pagkatapos kong maligo lumabas na ako. Nadatnan ko si Ice na naghahain sa mesa. Ughh. Bakit ba ang hot niya, nakakainis.
"Let's eat." Sabi niya.
Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Magkatapat kaming kumakain. Ang awkward.
"S-sinong nagluto nito?" tanong ko. Tinuturo ko yung ulam na adobo.
"Ako." Sagot niya. "Bakit?"
"W-wala lang. Marunong ka pa lang magluto kaya pala masarap itong adobo." Sagot ko.
"Tinuruan ako ni Mama nung bata pa ako. Tandang-tanda ko pa yun, tinuturuan niya akong magluto ng pinakbet pero bigla siyang nahimatay kaya hanggang ngayon hindi ko makuha ang tamang lasa ng pinakbet." Sabi niya.
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Bakit sinasabi niya to sa akin?.
"Bakit mo ito sinasabi sa akin?" tanong ko.
"N-nothing." Sagot niya. "Baka kasi magtanong ka pa kaya kinompleto ko na ang sasagutin ko."
Tumayo na siya at lumakad paalis.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
Nilingon niya naman ako. Mabuti naman at hindi siya nagsnob sa akin.
"I'm done. Pagkatapos mong kumain, ligpitin mo at hugasan yung kinainan natin." Sabi niya.
Aba, hindi ako katulong para utosan niya lang ah.
"S-saan ako matutulog?" tanong ko. Nakakahiya naman yung tanong ko. Ano ba yan.
"Sa banyo." Sagot niya.
Ang kapal. Kung wala siyang utak, edi dun siya sa banyo tutal parang banyo naman yung ugali niya. Nakakainis!
Niligpit ko na yung kinainan namin at hinugasan.
Maya-maya pakiramdam ko parang mag-eexplode na yung ilong ko dahil sa kati kaya hindi ko na mapigilan.
"Achuuuuu!!!"
Pinunasan ko yung ilong ko agad. Ano ba naman to, nakakahiya.
Bigla ba naman kasing kumati habang naghuhugas ako ng pinggan.
Nilalamig na rin ako tuloy. Parang may hangin na dumadampi sa balat ko para tuloy manlamig ako. Ang creepy naman nito.
Pagkatapos kong maghugas, uminom ako ng tubig na malamig. Malapit ko na nga maubos yung isang pitsel. Nang-iinit bigla yung katawan ko.
Tiningnan ko yung pinto ng kwarto niya pero nakasirado naman at parang patay yung ilaw baka tulog na yon. Nahihiya naman akong tawagin pa siya.
Humiga ako sa couch at minasahe yung sentido ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
ICE POV
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng yabag sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko yung orasan. 12:20 AM na. Sa sobrang pagod ko hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Ano kaya ang ginagawa ni Alexi dun sa labas? Nakatulog na kaya ang babaeng yun?
Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko.
Paglabas ko, patay naman ang ilaw pero nakita kong nakabukas yung ref kaya pinuntahan ko.
"Alexi?" tawag ko pero hindi naman siya sumasagot.
Hinanap ko ang switch ng ilaw at pina-ilaw.
"ALEXI!"