ICE
"ALEXI!" I shouted.
Nakita ko siyang nakahiga sa sahig. Pinuntahan ko siya at kinarga at nilagay sa kama ko.
Ang init niya.
"What happened to you?" tanong ko sa kanya.
"Kukuha sana ako ng tubig pero biglang—"
"Shhh. It's okay. You need to rest now."singit ko.
"But.."
"Kukuha lang ako ng bimpo." Sabi ko.
Tumango naman siya. Kinumotan ko siya bago lumabas ng kwarto papuntang kusina.
Nilinis ko muna yung mga bubog ng nabasag na baso. Ito siguro yung dahilan kung bakit ako naalimpungatan.
Pinuntahan ko na siya agad at nilagyan ng bimpo sa sentido niya.
"Nilalamig ka. Gusto mong patayin ko yung aircon?" tanong ko.
Tumango siya kaya pinatay ko yung aircon.
"I don't have any medicine here, but if you don't mind bibilhan kita. Malapit lang—"
"P-please stay. Natatakot ako." Sabi niya.
"But—"
"It's okay. Sinat lang naman to baka bukas mawawala rin naman to. Don't worry." Sabi niya.
"Okay."
"Magpahinga ka na rin alam kong pagod ka." Sabi niya.
"It's okay. Babantayan nalang kita baka kasi mapano ka pa." Sabi ko. "Do you need something else?"
"No, I'm okay." Sabi niya. "Dito ka lang, please? Huwag mo akong iwan."
"Dito lang ako, I promise. Sige na, matulog ka na. Babantayan lang kita." Sabi ko.
"Thank you." Mahina niyang sabi.
Nginitian ko lang siya.
Habang natutulog siya ng mahimbing tinitingnan ko lang siya. Kinuha ko yung eyeglasses niya at nilagay sa tabi. Tiningnan ko siya ng malapitan.
Ang ganda niya talaga. She's such an angelic and that's the reason I hate her of having me felt this way.
"Ice?"
Lumayo naman agad ako.
"Yes?"
"Nilalamig ako." Sagot niya.
"Huh? I turned off the aircon already. Nilalamig ka pa rin?"
"Oo eh." Sagot niya.
What am I going to do? Kasalanan ko rin naman to eh sana pina-una ko na siyang umuwi kanina bago pa bumuhos yung ulan.
Body heat?
Biglang sumagi sa isip ko. Gagawin ko ba to sa kanya pero... bahala na nga.
Umikot ako sa kabilang kama.
"Anong gagawin mo?" tanong niya.
"Body heat." Sagot ko.
Tinaas ko yung ulo niya at nilagay yung isa kong kamay para higaan ng ulo niya at yung isa ko naman kamay ay nilagay ko sa bewang niya.
I suddenly feel my heart pounding fast when I hug her. s**t.
"Hindi mo naman kailangan tong gawin eh." Sabi niya.
"I need to." Sagot ko. "Don't worry, I won't touch you and I don't have any intentions to touch you."
"Okay." Matipid niyang sagot.
This is awkward. This is not really my thing. Ice, what are you doing?
"Ice?"
"Yes?"
"Salamat." Sabi niya.
"You don't have to thank me. Just sleep." Sabi ko.
Ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib ko at natulog na ng mahimbing. I really hate this girl.
I hug her tight para mas lalo pa siyang mainitan.
ALEXI POV
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko yun at sinagot kahit yung mata ko ay hindi pa nakamulat.
"Hello?" walang gana kong sagot.
"Alexi, where the hell are you? I'd been calling you since yesterday." Napamulat naman ako bigla dahil sa sigaw ni Lexus. I know its hin.
Tiningnan ko yung buong paligid ko.
Nataranta ako nang makita ko si Ice na nakayakap sa akin. Totoo ba to?
"Alexi. Are you still there?" natauhan naman ako.
May kausap pala ako sa telepono.
"Bakit ba?" mahina kong tanong baka kasi magising si Ice. Nakakahiya.
"Tinatanong kita kung nasaan ka?" sagot niya.
"N-nasa bahay ako ng kaklase ko—oo tama. Gumawa kami ng project." Sagot ko.
"Sana nagtext o tumawag ka man lang para hindi na ako mag-alala sayo. Kagabe pa ako nag-alala sayo at uuwi ngayon si Lola kaya umuwi ka na." Bulyaw niya sa akin sa kabilang linya.
"Eh ano naman ngayon, hindi ko naman sinabi sayo na alalahanin mo ako. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko at uuwi ako kung kailan ko gusto." Pinutol ko na agad ang pag-uusap namin.
Nakakainis. Ke aga-aga, bubulyawan ako na parang ba akong bata.
Tiningnan ko naman ang tabi ko na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan kong kinuha yung kamay niya sa tiyan ko at tumayo at dahan-dahan na lumabas.
Kinuha ko yung mga gamit ko sa couch at pumasok sa banyo. Dalawa pala ang banyo niya. Mayroon dito sa labas at doon naman sa loob ng kwarto niya.
Kailangan ko nang umuwi dahil uuwi ngayon si Lola galing Japan baka ano na naman ang sasabihin ni Lexus kung wala pa ako don sa bahay.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Teka, parang may kulang sa mukha ko.
Salamin?
Teka, saan napunta yung salamin ko? Hindi pwedeng mawala yun. Hinalungkat ko yung bag ko pero wala rin naman. Lumabas ako ng banyo at hinanap sa kusina at couch pero wala rin don.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Ice baka nandoon yung salamin ko hindi ko lang napansin kanina. Ang tanga ko talaga.
Ayaw ko nang pumaosk don baka magising ko pa siya. Nakakahiya. Kailangan ko nang umuwi.
Bahala na yung salamin ko na yon. Sa kanya nalang yun. Bibili nalang ako ng bago.
Lumabas na ako ng apartment niya.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Lexus na umaakyat sa hagdan. Pupuntahan niya siguro si Ice. s**t. Anong gagawin ko?
ICE POV:
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko yun at sinagot.
"Yes?"
"Ice, pare, I was wondering kung alam mo ba kung nasaan si Alexi?" napa-bangon naman agad ako at tiningnan ko yung tabi ko.
Where is she?
Bumango ako at tiningnan siya sa banyo pero wala naman siya. Nakita ko yung salamin niya sa mesa kaya kinuha ko.
"Ice, still there?"
May kausap pala ako. Fvck.
"L-lexus?"
"Alam mo ba kung nasaan si Alexi? Ang sabi niya kasi sa akin na nasa bahay raw siya ng kaklase niya. I was wondering kung may alam ka na close niya sa room niyo since magkaklase naman kayo." Paliwanag ni Lexus.
Sinabi? Kailan lang?
"Tumawag siya sayo?" tanong ko.
"Ako yung tumawag sa kanya. Kani-kanina lang." Sagot ni Lexus.
"O-okay." Sagot ko. "Hindi ko rin alam kung nasaan siya pero kung may alam ako, sasabihan kita agad."
"Sige, pare. Salamat."
I hang-up the phone at lumabas.
Tiningnan ko yung banyo pero wala rin siya don pati na rin sa kusina.
Nabigla naman ako nung may pumasok bigla.
Napatingin naman ako. Alexi?
"I thought you already leave?" tanong ko sa kanya.
Ni-lock niya yung pinto at hinihingal pa siya. Ano kaya ang ginawa nito?
"Why are you locking the door?" tanong ko.
"Aalis na sana ako pero—"
"pero, ano?" tanong ko.
"Si Lexus, nandon sa labas. Nakita ko siyang papunta dito." Sagot niya.
Nanlaki naman agad ang mata namin nang makarinig kami ng katok sa pinto.
"Ice? Pare?" kay Lexus yung boses na yun.
"You need to hide." Sabi ko kay Alexi.
"Saan?" tanong niya.
"In my room. Sige na, dalian mo."
Tumakbo naman agad siya papunta sa kwarto ko.
Huminga ako ng malalim bago buksan yung pinto.
"Lexus? Pare? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at pumasok bigla at umupo sa couch.
"Bakit ba ang tagal mong buksan yung pinto? May kasama ka ba dito?" tanong niya.
"Huh? W-wala no. Ako lang mag-isa dito." Sagot ko. "Bakit ka pala nandito?"
Nakita ko yung bag ni Alexi na nasa sahig kaya pasimple kong kinuha at nilagay sa ilalim ng mesa.
"Hinahanap ko si Alexi. Kagabe ko pa kasi siya hinahanap at kinokontak yung mga kaibigan niya pero ang sabi nila hindi raw nila siya kasama. Mabuti nga at sinagot niya yung tawag ko kanina. Akala ko ano na ang nangyari sa kanya." Paliwanag niya.
"Yun naman pala. Eh, bakit ka pa pumunta dito?" tanong ko.
Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Pinapaalis mo ba ako?" tanong niya.
Tumayo siya at pumunta sa ref. Kumuha ng soda.
"Hindi sa ganon." Sagot ko.
"I need to find her. Tumawag kasi sa akin si Lola na pauwi na siya dito at kailangan kaming dalawa ay nasa bahay na." Sabi niya. "Matigas talaga ang ulo ng babaeng yun. Akala mo kung sinong mabait, eh ang sungit-sungit sa akin. Hindi ko nga alam eh, sa ibang tao ang bait niya pero sa akin, para siyang demonyo."
Napangiti naman ako agad.
Parati nalang talaga ni Lexus inaalala si Alexi, she really loved and care her kahit si Alexi hindi siya pinapahalagahan.
Parati nalang talang malaki ang problema niya kay Alexi at kapag may problema man siya sa kakambal niya pinupuntahan niya agad ako o minsan nagk-kwento siya sa aming mga barkada niya. Hindi ko talaga sila maintindihang dalawa.
"Teka, ano yang hawak-hawak mo?" turo niya sa hawak ko.
Shit. Salamin to ni Alexi. Nalimutan kong itago.
"Huh? S-salamin ko to." Sagot ko.
Kinuha niya sa kamay ko yung salamin at tiningnan.
"Ikaw? May salamin? Ngayon ko lang nalaman na nerd ka rin pala." At tumawa siya. "May ganito rin si Alexi eh, kamukhang-kamukha talaga nitong salamin mo."
Sa kanya yan eh. Tsk.
"Paminsan-minsan ko lang yan na ginagamit kapag nagbabasa ako." Sabi ko.
Tumango naman siya at binigay sa akin yung salamin.
Muntikan na ako don ah. Pahamak talaga ang babaeng yun sa akin.
"Patingin ng TV ah" sabi niya kaya hinarangan ko naman agad siya.
Nasa kwarto ko kasi yung TV at nandon si Alexi. Hindi pwede.
"Bakit?" tanong niya.
"Huwag ka nang pumasok dahil may maliligo lang ako sandali at may pupuntahan tayo. Hahanapin natin si Alexi. Dito ko nalang muna, hintayin mo ako." Sabi ko.
"Okay." Sagot niya.
Kung hihintayin niya ako, paano makaklabas si Alexi? Kailangan paalisin ko muna siya.
"Gusto mo, hintayin mo nalang ako sa ibaba?" tanong ko.
"Sige."
Lumabas na siya at ako naman pumasok na ng kwarto ko. Ni-lock ko naman agad yung kwarto ko.
"Alexi? Lumabas ka na. Ako to, si Ice." Sabi ko.
Lumabas naman siya sa banyo.
"Umalis na ba siya?" tanong niya.
"Hindi pa. Hihintayin niya ako sa ibaba." Sagot ko. "Pwede ka nang umalis pero talasan mo yung paningin mo dahil nasa baba si Lexus baka makita ka niya." Sabi ko.
"Okay." Sabi niya.
"Teka, yung salamin mo pala." Inabot ko sa kanya yung salamin niya.
"Salamat. Sige, aalis na ako. Salamat ulit." Sabi niya.
ALEXI POV
Paglabas ko ng apartment ni Ice ay tinawagan ko agad si Chloe.
"Lexi? Bakit napatawag ka?" tanong ni Khloe sa kabilang linya.
"Kailangan ko ng tulong mo. Nasaan ka?" tanong ko.
"Nandito ako sa Frostie cafe. Bakit? At anong tulong?" tanong niya.
"Pumunta ka dito sa Road house & Apartment ngayon din. Malapit lang naman yan dito. Lakarin mo nalang dahil baka traffic. Hintayin mo ako sa lobby." Sagot ko.
"Teka, anong ginagawa mo dyan? Diba dyan nakatira si Ice? Don't tell me—Holy s**t, Lexi!" sigaw ni Chloe.
"Mali ang iniisip mo. Basta, mamaya ko nalang sasabihin sayo kapag nagkita na tayo. Bye."
I hang-up the call at patuloy na lumakad.
Nandito na ako sa ibaba at dahan-dahan akong lumalakad dahil nandito si Lexus at kailan kong talasan ang mga mata ko para makalabas na ako.
Nakita ko siya na umuupo sa harap ng receptionist table. Malamang hinihintay ni si Ice.
Wala rin namang ibang daanan kun'di don ako dadaan sa harap niya. Busy rin naman siya sa cellphone niya.
Pagilid akong lumalakad at pasimpleng humarap sa receptionist na babae na kunware daw may itatanong ako.
"Hello po Ma'am, how may I help you po?" tanong ng receptionist.
"No, it's okay. Nevermind nalang. Aalis na rin naman ako. Salamat. "sabi ko sa receptionist.
"Alexi?"