5

1813 Words
ALEXI "Alexi?" nanlaki naman ang mata ko dahil may tumawag sa akin na babae. Napalingon naman ako don sa tumawag. Napahinga ako ng malalim nang malaman kong hindi pala ako yun. Akala ko si Khloe ang tumawag sa akin kun'di buking na talaga ako. Pati si Lexus napatingin rin. Mabilis pa sa kabayo naman akong tumakbo palabas nang makita ko siyang nakatingin sa babae na may tinatawag na Alexi. "Miss?" may tumawag sa akin. Boses yun ni Lexus ah. Shet. "Miss, yung panyo mo." Tawag niya ulit sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa kun'di dumiretso na akong tumakbo kahit saan ako mapunta. Habang tumatakbo lumingon ako sa likod ko kung hinahabol niya pa ako pero wala na hanggang sa nakabunggo ako. "Oh my gosh, I'm so sorry—Chloe?" sabi ko. "Ano ba! Hindi ka ba marunong—Lex?" sabi niya. Si Chloe lang pala. Ang bagal talaga nitong babaeng to. "Anong nangyare sayo—" "Mamaya na natin pag-usapan yan. Kailangan na nating umalis. Nandito si Lexus at hinahabol niya ako." Putol ko sa sasabihin niya. "Bakit ka ba niya—" "Huwag ka na munang tanong ng tanong. Tulungan mo muna ako." Sigaw ko sa kanya. Nakakainis tong babaeng to. "Oo na. Ano bang maitutulong ko sayo?huh?" sigaw niya rin sa akin pabalik. "May extrang damit ka ba dyan. Pahiram naman. Kailangan ko lang pumalit ng damit." Sabi ko. "Oo, meron ako dito." "Good. Tara na, doon ako magbibihis." Tinuro ko siya dun sa Storage room ng Road house & apartment at kinaladkad papasok. Pagkatapos kong magbihis. Sinuklay ko naman ng maayos yung buhok ko at nilagay na yung salamin ko at lumabas na. "Alexi? Chloe? Anong ginagawa niyo dito?" nagulat naman kaming dalawa ni Chloe sa biglang pagsulpot ni Lexus habang papasok kami sa Road house & apartment. Teka, anong ginagawa namin ni Chloe dito? Bakit kami pumunta dito? "Teka, ba't tayo nandito?" bulong ko kay Chloe. "Akala ko ba papasok tayo ulit dito." Sagot ni Chloe. "Wala akong sinabi na ganon." Sabi ko sa kanya. "Hello, nandito ako sa harap niyo?" napatingin naman kami kay Lexus. "Uh—Hello, Lexus." Bati ni Chloe. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Lexus. "Huh? Uhmm—Naghahanap kasi ako ng apartment at nagpasama ako kay Alexi. Diba, Lex?" siniko ako ni Chloe. "Huh? Oo." Sagot ko. "Bakit ka nga pala nandito?" "Hinihintay ko si Ice." Sagot ni Lexus. "Dito pala si Ice nakatira?" tanong ni Chloe. "Yes." Sagot ni Lexus. "Oh, ayan na pala siya." Sabi ni Lexus. Napatingin naman kami kay Ice. Napataas naman yung isa kong kilay. Ang hot niyang tingnan. "Hi, Ice." Bati ni Chloe kay Ice. "Hi." Walang ganang bati ni Ice kay Chloe. Napatingin naman sa akin si Ice, napayuko naman ako bigla. "Nandito na pala siya." Turo ni Ice sa akin kay Lexus. "Mabuti nga." Sabi naman ni Lexus. Inirapan ko naman si Lexus. Naiinis pa rin ako sa kanya. "I don't think I can accompany you, pare, since she's here. I still have something to do." Sabi niya. "Bakit naman?" tanong ni Lecus. "I have a date and she's waiting for me." Sagot niya. Napatingin naman siya sa akin kaya ibinaling ko ang tingin ko. Ang sakit. Teka, ba't naman ako masasaktan. Pustahan lang naman to kaya dapat hindi ako masasaktan. "Ah, ganon ba. Sige, pare." Napatango naman si Lexus. Nag-man hug silang dalawa. "Balitaan mo ako kapag naka-score ka ah." Napatingin naman sa akin si Chloe na para bang nadismaya. Tinapik niya ang likod ko. "I gotta go." At umalis na siya. Hindi man lang nagpaalam sa akin—sa amin pala. Hello, nandito kami ni Chloe oh. "Alexi, tara na. Umuwi na tayo." Hinili ako ni Lexus kay Chloe. "Ayoko. Umuwi ka mag-isa." Hinigit ko ang kamay ko sa kanya. "Huwag na matigas ang ulo. Uuwi na tayo." Pilit niya sa akin. "Ano ba! Bitawan mo nga ako dahil hindi ako sasama sayo. Uuwi ako kung kailan ko gusto." Sigaw ko sa kanya na pilit pa rin hinigit yung kamay ko. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo, huh? Uuwi na si Lola at kapag naabutan niyang wala tayo don sa bahay, malilintikan tayo." Sabi niya. "Guys, huwag kayong mag-eskandalo dito. Tinitingnan kayo ng mga tao." Sabi ni Chloe. "Wala akong pakealam." "Wala akong pakealam." Sigaw namin ni Lexus sa kanya. "Kambal nga." Napatango nalang siya. Kinaladkad ako ni Lexus palabas. "Bitawan mo nga kasi ako." Sigaw ko kaya binitawan niya ako. "Ano bang problema mo? Huh?" mahinahon niyang tanong. "Ikaw! Ikaw ang problema ko." Sigaw ko sa kanya. "Ilang ulit ko bang sabihin na ayokong umuwi pero pinipilit mo ako. Hindi na ako bata para pangaralan mo dahil matanda na ako. Alam ko ang tama at mali at alam ko kung ano ang gagawin ko sa buhay ko." "Oo nga, hindi ka na bata pero kung umakto ka naman para kang bata. Bakit kita parating pinapangaralan, dahil ang tigas ng ulo mo. You never listen to me. I'm worried about you because I'm your brother. Ayokong mapahamak ka at kapag nangyari yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dalawa lang tayo, Alexi, at ayokong isa sa atin ay mapahamak." Paliwanag niya. "Edi, huwag mo akong aalahanin para wala kang problema, as easy as that. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil sa akin." Sabi ko. "I will take the consequence later and don't ever represent yourself again. Let's go, Chloe." Umalis na kami ni Chloe. LEXUS POV It's 4PM and still Alexi is not here. Nandito na rin si Lola kanina pa at si Alexi nalang ang hinihintay namin. Tinatawagan ni Lola si Alexi habang hawak-hawak niya yung stick niya. Ganyan siya dumisiplina sa amin. "Letseng bata talaga yun. Saan na ba yun napunta. Makakatikim talaga yun sa akin." Sabi ni Lola. "Why don't you take a rest first, Grandma, you just got here baka mapano ka pa mamaya." Sabi ko. "Don't me, Raiver. Pinapa-init mo lang lalo ang ulo ko." Sabi ni Grandma. Yan ang Grandma namin. She's a warfreak, insensitive, sadist at higit sa lahat mainitin ang ulo. Hindi nga namin alam kung bakit siya ganya eh. Bata pa lang kami pinapalo na niya kami lalo na kapag late na kaming umuwi ng bahay galing school at kapag may nagawa kaming kasalanan sa kanya kaya siguro na immune na kami sa palo niya. Simula bata pa kami, ako parati ang sumasalo ng kasalanan ni Alexi kaya ako ang parating pinapalo at si Alexi naman umiiyak lang habang pinapalo ako. "Hindi niyo na talaga ako binibigyan ng kahihiyan." sabi niya. Sige lang, kausapin mo pa sarili mo, Grandma. Lahat ng pangaral niya sa amin, binabalewala lang namin. Pasok sa isang tenga, labas naman sa isang tenga. Ganyan kami ni Alexi. Napatingin kami ni Lola kay Alexi na kakarating lang. Nagulat ako nang makita ko yung mukha niya namumula. Fvck, she's drunk. "ALEXI!" sigaw ni Lola sa kanya. "Oh, Grandma. Nandito na pala kayo." Niyakap ni Alexi sa Grandma. "Hinintay mo pa talaga ako." "You're drunk. Ke bata-bata mo pa, umiinom ka na. Hindi ka na talaga nahiya." Sigaw ni Grandma sa kanya. "Bakit ikaw, hindi ka na nahiya, ang tanda na namin pero pinapalo mo pa rin kami." Sagot ni Alexi. Nagulat naman ako kay Alexi kaya pinuntahan ko siya agad at humarang sa pagitan nila ni Grandma. "Aba! Sinasagot-sagot mo na ako ngayon. Wala ka na talagang respeto sa akin." Hindi na nakapagpigil pa si Grandma kaya imbis na si Alexi yung papaluin niya, ako yung napalo niya. "Arayy!" sigaw ko dahil sa sakit. "Lexus, umalis ka nga dyan. Kaya ko siyang harapin mag-isa. Matanda na yan at kayang-kaya ko yan." Sabi ni Alexi at tinulak ako. "Hoy, ikaw na matanda ka." Nagulat naman ako sa sigaw ni Alexi kay Grandma. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Totoo ba to? "Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko dahil kung hindi dahil sa yaman ng mga magulang namin hindi ka magkakapera ngayon. Tama na yung p**********p mo sa amin ng ilang taon kaya kami naman ngayon ang masusunod dahil lahat ng gamit dito pati na yang damit mo pera namin ni Lexus yan na binigay ng magulan namin bago sila namatay at ni kahit isang kusing wala kang makukuha sa amin kahit ilibing ka pa namin." Hindi na napigilan ni Grandma ang sarili niya at sinampal niya ng malakas si Alexi. "Wala kang utang na loob. Ako pa rin ang Lola niyo at kahit ganito ako, inalagaan ko kayo ng ilang taon simula nong namatay ang magulang niyo kaya wala kayong karapatan na sumbatan ako. Total dapat sa akin mapunta lahat ng mga yaman niyo dahil ako naman ang naghirap para mapalaki kayo ng maayos." Sigaw ni Grandma sa kanya. "Edi, salamat sa pag-aalaga mo sa amin. Gusto mo bigyan ka pa namin ng thanksgiving party para dyan eh. Dapat nga hindi ka namin tinatawag na Grandma dahil sa totoo lang ay hindi ka namin kaano-ano dahil hindi ka naman totoong nanay ni Daddy kaya wala kang karapatan na sabihin na dapat sayo lahat mapunta ang lahat ng mga yaman namin dahil kahit isang dugo na dumadaloy sa amin, wala ka non. Pasalamat ka nga at pinatira ka pa namin dito at pinakain, kung hindi dyan baka saan ka na pupulutin, DONYA." Papaluin pa sana ni Grandma si Alexi pero kinuha agad ni Alexi yung stick at pinutol yun sa harap ni Grandma. "Ulitin mo pa kaming paluin dahil hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Sawang-sawa na ako sa mga kalokohan mo at lahat yun tinitiis ko lang dahil nagbabakasakali ako na magbago pero wala eh, ganyan ka parin. Kaya huwag mo nang ulitin na paluin pa kami dahil bukas ang bahay namin para lumayas ka. Tandaan mo yan at ipasok mo yan sa kokote mo, Rowena." "Tama na yan, Alexi." Awat ko kay Alexi. "Hoy, Lexus. Pagsabihan mo nga yang kapatid mo dahil baka hindi ako makatimpi at masampal ko ulit yan." Sabi ni Grandma sa akin. Sobra na siya! "Sige, gawin mo dahil ako ang makakalaban mo." Sigaw ko kay Grandma kaya napatahimik silang dalawa. "Kakalimutan ko na rin na Grandma ka namin." "Hindi mo magagawa yan sa akin Lexus." "Magagawa ko at kayang-kaya ko." Sabi ko. "Hindi na kayo nahiya. Wala kayong utang na loob. Mamatay na sana kayo." Sigaw niya sa aming dalawa at umalis sa bahay. Nilingon ko naman si Alexi na namumula na at inaantok na. "Alexi? Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Hiniga ko siya sa couch. "Lexus, salamat ah. Tinanggol mo ako dun sa sadistang matanda na yon. Kung hindi ko sana ginawa yun edi sana hanggang ngayon pinapalo niya pa rin tayo." Sabi ni Alexi. "Ano ka ba, dapat nga ako yung magpasalamat sayo dahil sa ginawa mo kaya ngayon, hindi na ako magpapa-uto sa matandang yon." Sabi ko. "Inaantok na ako." Sabi niya. "Tara, dadalhin kita sa kwarto mo." Tumango naman siya. Inalalayan ko siyang tumayo. "Ang sakit ng sampal ng matandang yun ah." Sabi niya pa. "Mas masakit yung palo niya sa akin." Sabi ko. "Hayaan mo, dahil hinding-hindi na niya ulit magagawa sa atin yon dahil simula ngayon kakalimutan na natin siya at ang mga masasakit na alaala natin sa kanya at magsisimula tayo ng bago at bubuo tayo ng magagandang alaala na tayong dalawa lang." Sabi niya. Pambihira talaga ang babaeng to. Lasing na nga, nakuha pang magsalita. Sa nga Alexi. Sana nga magkatotoo lahat ng mga sinasabi mo. Kahit anong mangayri hinding-hindi kita pababayaan at nandito lang ako sa tabi mo dahil ikaw lang ang nagsisilbing kaibigan, barkada at magulang sa akin kahit ang tigas ng ulo mo minsan. Kambal nga talaga tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD