Stalking My Vampire Crush 5

2216 Words
Chapter 5 Dasha Masama ang loob ko ngayon, mga bes! Tumakbo kasi ako palabas, pero `di man lang ako sinundan ni mylabs. Kahit ang pagtawag man lang ng beautiful name ko na Dasha ay hindi man lang niya nagawa. Gano'n ba talaga ka-importante sa kanya si Jazzy? Sino ba kasi ang Jazzy na iyon nang makalbo ko! Ako na talaga ay nanggigigil diyan sa Jazzy na `yan, e. Pagdating sa puso ni mylabs wala akong pambato. Bato kasi `yon. Ang hirap niyang suyuin, ligawan at pilitin! Kahit siguro lumuhod ako sa harapan  n'on ay wala akong mapapala. So `yon nga, nag-mo-moment ako rito sa may gilid ng  kalsada. `Di pa pala ako nakakain! Gutom na `ko! Huhuhu. Pinabayaan na talaga ako ni mylabs! Sumbong ko siya kay mom, eh! Okay lang yata sa kanyang magutom ako. Kunsabagay, wala namang 'pake' sa akin ang bwiseterns na `yon.  Dejuklang. Hindi siya bwiseterns. "Shesheshesheaburikizshe she she afiriguridisi jejeke heswshe hesge."  Nagulat ako dahil may sira-ulong nag-si-sing and dance sa harapan ko. Marungis ito at halatang baliw. Ano kaya ang nahithit ng baliw na 'to?  Third class na utot? Dito pa talaga napiling magpasikat sa harapan ko.  Lumapit nang lumapit sa akin ang lalaking baliw. Inamoy-amoy niya pa ako. Nilibutan niya pa ako na para bang sinusuri ako nang mabuti. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Anong trip ng baliw na `to? Akmang hahawakan niya na ako. Nang "Waaaaaaah!" sigaw ko sabay takbo nang mabilis. Natatakot na kasi talaga ako sa lalaking baliw na `yon! Masyadong nasa panganib ang aking kagandahan! Hindi ko namamalayang napalayo na pala ako. `Di ko akalaing may pagka The Flash pala akez pag nag a-adrenaline rush! Nasa masukal na parte na ako ng kagubatan.  `Ala Bella na `ko sa twilight pero walang Edward kasi busy `yon sa pangangaswang. Leche siya! Magsama sila ng Jazzy niyang mukhang butiki!     Mukhang butiki nga ba?       Naglakad-lakad lang ako. Naririnig ko  na rin ang mga bulate ko sa tiyan  na nagra-rumble na. Nagugutom na  talaga ako! Huhuhu.       "Who are you?" Nanindig ang balahibo ko nang dahil sa boses na `yon. Nararamdaman kong nasa likod ko lang siya at saka parang pabulong ang way niya sa pagtatanong ng name ko. Waaah! Baka r****t itu!         Tatakbo na sana ako nang-- "Easy come, easy go. That's how you leave, oh!" Nagulat naman ako dahil bigla syang kumanta ng Grenade ni Bruno Mars. Feeling ko mas masahol pa `to sa baliw na na-meet ko kanina, eh. `Pag ako naging coach sa The Voice iikutan ko 'to with matching hiphop dance sa silya ko. Ang ganda rin kasi ng boses ni koya. Wagi! Lumingon naman ako nang dahan-dahan. Wala lang pampa-suspense kunyare. ano kaya ang fes niya? Conjuring ba o Mingyu? Waaah! si Greco mylabs pala ang ka-look-alike ni Mingyu! Napanganga na lamang ako dahil nasa harapan ko ngayon ang lalaking may anim na packs ng abs! Hotness overload! Oh my gullyness na maliness! Hot siya at gwapo! Naku! mapapa-ulalam ka talaga kapag nasilayan mo ang body niya, Kaloka! P'weding tumili one time lang? "Kyaaaah!"  impit na tili ko. Pero syemfree! Tago lang `yon, `noh!  Waaah! Grecomylabs, patawarin mo ako kung nagtaksil man ako sa `yo ng mga 1 minute. `Di ko talaga gusto `yung abs niyang nakakalaway. Hindi talaga promise! Mamatay man ang  mga nasa hukay! "I said, who the f**k are you?!" beastmode na tanong niya. "Makasigaw, `teh?! `Di ako bingi!" sagot ko naman kay kuyang gwapo. "Sino ka?" tanong niya ulit sa `kin. "Ngayon naman sinuka? In-ire ako In-ire ng nanay ko. Ikaw, sino ka ba?" pamimilosopo ko. "In-ire din ako, hindi sinuka!" sagot niya rin.  Aba! pinipilosopo niya ako, mga bez! banatan na ba natin? "Ako si Dasha ang babaeng Diyosha!" pagpapakilala ko na lang. Syemfree, totoo ang Diyosha na part. Maganda naman daw ako sabi ni bes Jenissa, kaya naniniwala ako. `Di pa nagsinungaling sa akin ang babaeng `yon, ano! Nakita ko kung pano  pinipigilan ni kuya ang kanyang pagngiti. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Confirm! Baliw nga si kuya! Huhuhu! Sayang ang guwapo pa naman sana niya. "I am Blade. The one who wants your blood..." aniya. Joker siya mga, bezz, hahaha. Ano naman ang gagawin niya sa dugo ko? Ido-donate sa mga nangangailangan? Nag-aala Edward Cullen siya. "Talaga? You want my blood? Ako naman I want your abs! Choss! Hahaha," pagsakay ko sa jokeness niyang super funny. Kahit hindi.  May-pa I want your blood pang nalalaman ang isang `to.   "I'm not kidding around," seryosong sabi niya. Hala! Kin'areer ni koya! Hahahaha. "Kuya, naiintindihan ko kung fan ka nga ng twilight, pero`'wag mo naman silang gayahin na sumisipsip ng dugo," pagpapakalma ko sa kanya. "What makes you think that I am just joking?" tanong niya.  Sa panahon ngayon naniniwala pa rin siya sa mga vampire? Wala ngang poribir, eh! Malamang wala ring bampira. "Kuya, napaniwala ka ba ng mga ninuno mong may mga bampira talaga? Sinasabi ko sa `yo, walang bampira ocakes?" pagpapaliwanag ko. Hindi ako naniniwala sa mga vampire, kasi isa lamang silang kathang-isip o haka-haka ng ating mga ninuno. Kung totoong may bampira nga, bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakakita? "I am a vampire, Miss Dasha. I want your f*cking blood..."  Hindi ko alam kung bakit ang hot ng boses niya do'n.  Sauce me! Greco mylabs, inaakit niya ako. Konti na lang malapit na akong madala.  Nanindig pa ang aking mga balahibo. Grecomylabs! Hanapin mo naman ako, please! Natatakot na ako rito.   Pero teka! `Di ba bampira siya? Eh, bakit hindi siya nasusunog sa araw? Base sa mga nababasa kong libro about vampires, hindi raw sila lumalabas tuwing umaga, tanghali at hapon. Tuwing gabi lang raw sila naghahasik ng lagim! Nambibiktima sila ng  mga babae. Minsan ay nakikipag-s*x pa raw muna sila bago nila sipsipin ang dugo ng kanilang biktima. Nabasa ko rin na mahilig sa mga virgin ang pinuno ng mga bampira. At ibig sabihin, delikado ang 'puri' ko?! Ayon din sa librong nabasa ko pa, magpapatuloy ang paghahasik ng lagim ni Dracula, ngunit sa bago nitong kaanyuan, reincarnation kumbaga. Sa halos 200 taon na pagkakatulog ng bagong Dracula, magigising ito sa kabaong at saka pamumunuan nito ang lahat ng  mga bampira. Ang O.A ng libro na nabasa ko, `noh? Ay! Ano nga pala ang title ng story na iyon? Nakalimutan ko pa yata. Matagal ko na rin kasing hindi nababasa `yon. Baka nga nawala ko "Kuya, kung bampira ka nga bakit hindi ka nasu--"  Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang ipakita niya sa akin ang pangil niya. Bampira talaga siya!? Meron pa ba n'on? "Ay! kuyabels hindi mo ako maloloko, fake  `yang pangil mo, `noh? sige sabihin mo na sa `kin secret lang natin. Promise!"   Nagtaas pa ako ng kamay, tanda ng aking pangangako . Nahihiya lang yata siyang aminin sa akin na tag-pi-piso lang ang fake fangs niya. "Do you think I am just fooling around?" seryosong tanong niya.  Ay. Bonggang turn on itey! Pak na pak ang english, e. "Kuya meron ako n'yan no'ng bata pa ako, eh. Tag-pipiso lang bili mo d'yan, `noh? Uso kaya `yan dati." Napangisi naman siya kaya kitang-kita ko na ang kanyang pangil. Bakit? Totoo naman, ah. Bumibili nga ako ng pekeng pangil noong bata pa ako. `Tapos naglalaro kami ng bampira-bampira. "You want proof do you?" tanong niya. "Ano ka teacher? Ayoko nang proof dahil hindi ka naman professor!" "You're good at making me very pissed, lady," naiinis niyang sabi. "Same to you fake vampire!" sigaw ko sa kanya with matching talsik laway. "I told you! I'm not a fake vampire!" sigaw niya pabalik with matching talsik laway din. Aba! Gantihan ba ito? Aaminin kong mabango ang laway niya, pero hindi niya ako madadala do’n! Ang saya namang inisin ni koya. Nabe-beastmode, eh. Nawala tuloy gutom ko.  "Kung bampira ka, bakit hindi ka nasusunog? Ha! Aber?" sabi ko. Nameywang pa ako na para bang isa akong nanay na hinihingan ng eksplanasyon ang kanyang anak. "Hindi pweding sabihin, sekreto ito ng mga bampira." "Etchos mo, kuya! Palusot ka pa, eh!" "I am Blade, tandaan mo ang pangalang `yan," sabi  niya. At ano daw? tandaan ko? Anong akala niya sa akin uliyanin? "Wala akong time maglaro ng memorization sa iyo, Mr. Blade," naiinis na sabi ko. `Pag ako gutom huwag na huwag niya akong pagtitripan! "Dashaaa!" rinig kong sigaw ni Grecomylabs! Emegheerd! hinahanap niya ba akez? Haba ng hair nag-rejoice ka ba girl? Napapakanta ako eh, `noh? Boses pa lang ni Greco ulam na. Pag nag-coach talaga ako sa The Voice mapapatrampuling ako sa kilig. "Mylaabs!" sigaw ko para naman malaman niyang nandito ako. Nagpalinga-linga rin ako sa paligid. Mabuti naman at naisipan niya rin akong hanapin. Akala ko talaga mamatay na akong virgin sa mismong gubat na ito. Paglingon ko biglang nawala na si Mr. Blade. Nasaan na iyon? Am'bastos niya, mga bezz, sarap niyang hambalusin ng hollowblocks.  "Dasha!" Nagulat ako dahil bigla ko na lamang naramdaman ang yakap ni Mylabs sa aking likuran. Teka, bakit nangingisay ako? Paki-explain. Lab yu! Sheeeyt! pigilan niyo ako! baka makalimutan kong huminga. Susmee, my labs! "You make me so damn worried, Dash..." Nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Anyare? Bakit naging ganito si mylabs? First time ko siyang marinig at makitang ganito. Bampira siya hindi ba? Dapat hindi tumitibok ang kanyang puso. Pero bakit ganito? Naririnig ko ang t***k ng kanyang puso? O baka naman t***k ng puso ko ang aking naririnig. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Takte! Greco naman! dahan-dahan lang sa pagpapakilig sa akin p'wedi? "Okay  lang ako.  Bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na ng Jazzy mo." Kunyare suplada mode muna si akez.  Keri ko pa namang magpa-bebe.   "Let's go. I want you to meet her," seryosong sabi niya at agad na hinawakan niya ang kamay ko. Parang ayo'kong sumama sa kanya. Ready na ba akong harapin ang babaeng nagmamay-ari ng puso ni mylabs? Hinawakan niya ang kamay ko. Pero iwinakli ko ito. Ayoko! Ayokong makita si Jazzy na haggard ang fes ko! Huhuhu. Baka ma-insecure lang ako. Paano kung napakaganda niya? "Why?" tanong ni mylabs.  Sasabihin ko bang... Nagseselos ako? "Wala naman, mylabs." Pilit akong ngumiti. "Let's go?" yaya niya. "Tara." Kumapit naman ako sa braso niya. Naglakad lang kami paalis sa masukal na gubat. Sasabihin ko ba sa kanya na may na meet akong bampira doon? Paano kung magselos siya? Ay! `Wag na lang pala. Ayokong pagselosan niya si Mr. Fake Vampire. Namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa labas ng clinic. Mabilis pala talaga akong maglakad. Naisip ko lang, kaya ba siya um-absent kahapon ay dahil kay Jazyy?  Jazzy must be very important to him. Nakaramdam na naman ako ng selos. Wala na talaga akong pag-asa kay mylabs. Bumalik kami sa clinic. Parang ayaw ko pa sanang pumasok sa loob. Hindi ko kayang makita ang babaeng kakalbuhin ko. At baka ang pagkikita pa namin ang magiging simula ng World War 2.5. Nasa pintuan pa lang kami ng mismong kwarto ay parang gusto ko na namang tumakbo. Pagpasok namin wala namang babae. Tanging aso lamang na nakabukaka ang paa at kamay ang bumungad sa amin. Na-shock naman ako sa naabutan naming posisyon niya. "Arf! Arf!" tahol ng aso na nakabukaka. Feel at home si doggie, ah. "Dasha, meet Jazzy, my pet."  Oh my gullynessss! Aso lang pala si Jazzy? Nagselos ako sa isang aso? "Talk to her if you want," say ni mylabs. Gagawin pa talaga akong baliw ni mylabs. Pero keri!  Agad akong lumapit kay Jazzy at nakipag-shake hands ako sa kanya. Magiging feeling close na lang muna ako sa kanya. Dagdag pogi points `to para mapalapit ako kay mylabs. "Arf ! Arf! Arf! " kausap ko kay Jazzy. Translation: Sorry nagselos ako sayo, friends na tayo? "Arf! Arf! Arf! " sagot naman niya. Translation: Hahaha baliw ka na! magiging friend tayo kapag naging pink ka na rin tulad ko. Huhuhu. Ang hirap kaibiganin ng pet ni mylabs! nakakalurkey, to the power of ten! "Hahaha! You look stupid, Dash," tawang-tawa na sabi ni mylabs. "Pasalamat ka at crush kita!" ingos ko sa kanya. "Thank you," pamimilosopo niya. Takteness, mga bezz, pinilosopo akez ni mylabs banatan na natin? Sino’ng sasama sa akin sa pagreresbak? Tumunog ang cellphone ni mylabs. Agad naman niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.  "Wait, I'll just answer this call," pag-e-excuse ni mylabs. Tumango naman ako agad naman siyang lumayo nang konti. "F*ck!" "Paanong?" "The Flairejj are there?" "Okay. I'm coming." `Yan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Greco mylabs. "Dash, just stay here okay? I'll be back," paalam ni mylabs. "Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ko. Bakit ba siya nagmamadali? Ano ba ang nangyari? Sino ba ang tumawag sa kanya? "Basta, just stay here and wait for me. Got me?" Tumango naman ako. Bakit ayaw niya akong pasamahin? Don't tell me, pupuntahan niya ang totoong girlfriend niya? At anong Flairejj? Pangalan din ba ng aso niya `yon? Nagmamadaling lumabas si Grecomylabs. As in, patakbo talaga! Anong meron sa pupuntahan niya? Alam ko na! It's time to... Stalk him! Ang aking dating gawi! Kailangan ko siyang sundan,  para malaman ko kung may babae siya at kung ano ang sekreto niya. Ang talino mo talaga, Dash! Hintayin mo si DASHA ang Diyosa na dakilang stalker mo pa! Saan ka pa? Dito ka na! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD