Stalking My Vampire Crush 4

996 Words
Chapter 4 Dasha Yeheeey! Ang feeling na hindi ko na siya kailangang i-stalk dahil isasama niya na `ko sa pupuntahan n'ya. "Sino ba kasi si Jazzy?" tanong ko sa kanya. Tiningnan n'ya lang ako gamit ang cold glare n'ya. Nakakatakot siya promise! "None of your business," cold na pagkakasabi niya. Hay naku, Kuya Cardo! Bakit ba ang cold nitong crush ko na `to? at hot at the same time? Pwedi pala `yon `noh? "Mas maganda ba sa `kin `yang Jazzy mo na `yan? Kung hindi, aba'y sa `kin ka na lang, kras! How to be yours po?" nakapout kong tanong. Kinunotan niya lang ako  ng kanyang noo. "You're noisy," pagsasalita niya. `Di pa siya nasanay ,eh, `noh? Sa ganda kong `to? Pero etchoss lang `yon! Wala talagang connect ang beauty ko sa noisy. "Aahhm, my laabs! date tayo ah! hindi `yon tanong, sa gusto at gusto mo, magde-date tayo," nakangiting sabi ko. Asus! kina-career ko na talaga ang panliligaw sa my labs ko. Lulubos-lubusin ko na tutal kasama ko na rin naman siya `di ba? "I won't go out with you." Napa-sad face naman akez. Huhuhu. Ni-rereject niya ako, mga bezz. Masakit sa bangz. Huhuhu. Ay este--masakit sa heart.  "Bakit naman, my labs? Ikaw na nga `tong inaaya, eh, pabebe pa `to, oh. Sige ka kakaladkarin talaga kita, SWEAR," seryosong saad ko. Totoo pa `yon sa TBH at realtalk ng mga friends ko sa sss.  Kakaladkarin ko talaga siya. "Tss," ang tanging naisagot niya. Feeling ko may pinag-iiponang salita 'tong si Mylabs, eh. Ang tipid, eh. May alkansya yata sa bibig.  "My labs, MASSKARA ka ba?" Try ko nga’ng pakiligin to gamit ang banat powers ko. "I'm not, do I look like a f*****g mask?" sagot niya. Boooom basaaag! Huhuhu kainis `tong si my labs. Promise!  "Why?" tanong niya. "Anong why?" tanong ko rin sa kanya. "You're giving me a pick up lines right?" Ay! oo nga pala! Hehehe. “Kasi alam kong ikaw ang MASSKARApat dapat para sa `kin. Boooom panes!” Ayieee. Feeling ko kinilig siya do'n! "Tss. Are you stupid?" Hala mag-pi-pick up lines rin s'ya sa `kin? "Bakit, my labs?" ngiting-ngiting tanong ko. "Tss. It's not a pick up line, I'm just stating a fact," sagot niya, at saka pinihit na ang doorknob ng pintuan. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya. Pumasok na siya sa kotse niyang Lamborghini. Huhuhu. Kainggit siya. Taxikel lang ang sa sinasakyan ko,eh.Taxi minsan at traysikel palagi. Pero okay na iyon kaysa sa mga naglalakad lang. Nag-umpisa na siyang magmaneho. Siyempre nagnanakaw tingin ako, `noh! "Staring is rude," biglang sabi niya habang nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa daan. "Hahahaha, Anong staring is RUDE? Paano naman naging DAAN ang staring aber?" pagtatanong ko rito. "I SAID RUDE. NOT. ROAD." May diin sa bawat bigkas n'ya.  “Palagi na lang akong mali.” May patingin-tingin pa ako sa labas ng bintana. Pero aminin ko man o sa hindi. Kinikilig talaga ako dahil kasama ko siya ngayon, kahit hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin. Hindi naman ako umaasang magiging okay kami kaagad.  "You're not a good actress," biglang komento niya. Panira talaga siya palagi,`noh?  "Alam ko, ni-remind pa, eh," pagsusungit ko pa. "Tss. We're here," anunsiyo niya tapos kinalas niya na ang seatbelt niya. Syemfree! hinihintay ko ring kalasin niya ang seatbelt ko, `noh. Pero wala! Kainis na talaga `tong my labs ko, e. Pasalamat siya at crush ko siya. "What are you waiting for?" tanong niya. "Kalasin mo seatbelt ko," pagpapacute ko sa kanya. "Tss," sagot niya na lang `tapos lumalapit na siya para kalasin ang seatbelt ko. Super lapit niya na, mga bez! Ewan ko ba kung anong sumapi sa akin at bigla ko siyang ninakawan ng halik sa kanyang kaliwang pisnge.  Hala! Ano'ng ginawa ko? Mergheeed! Tatakbo na sana ako para makaiwas sa nakakahiyang pangyayaring ito, ngunit sa kasamaang-palad hindi pa pala niya nakalas ang seatbelt sa `kin kaya nu'ng akmang lalabas na ako sa kotse niya, eh, napaupo lang ulit ako. Pumikit na lang ako nang mariin. Pahamak rin `tong seatbelt niya, eh. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari. Paano ba naman kasi, biglang hinalikan niya rin ako sa left cheek ko! "Now we're quits," aniya na naging dahilan para mapabalik ako sa aking ulirat. Lumabas naman agad siya sa sasakyan. Sumunod na lang ako sa kanya.  Makapagsplit nga mamaya!  Hinabol ko siya am'bilis kasi niyang lumakad, eh. Excited ba talaga siyang makita ang Jazzy niya?  Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib. Binalewala ko na lang `yon. "My labs!" tawag ko sa kanya. Napatigil naman ito. Tumakbo agad ako palapit sa kanya at saka  kumapit sa braso niya. "Possessive, are we?" sabi niya na para bang pinipigil niya ang kanyang pag-ngiti. "Oo, lalo na kung ang pinag-uusapan ay... ikaw," sagot ko naman. Asus! Hulaan ko, kinikilig `to, eh. Pinipigilan n'ya lang. Hahaha. Pumasok na kami sa isang clinic. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakapit ko kay Greco my labs para makita ng Jazzy na `yun ang totoong nagmamay-ari sa isang Greco Blaize Ferrer.   "How’s Jazzy?" tanong niya sa babaeng nurse o doctora? Ewan! Basta `yon na `yon. "Okay nap o si Jazzy," nakangiting sagot nito. Nasa 50 plus na ang edad ng kinakausap ni Greco my labs kaya `di ako nagseselos. "I want to see Jazzy." Aray… masakit, bez. Bakit parang ang saya ng mga mata ni Greco kapag binabanggit niya ang pangalang Jazzy? Hindi ko alam, pero biglang sumikip ang dibdib ko. Wala akong laban, mga bez.  Kinalas ko na ang pagkakapulupot ko sa braso niya at saka tumakbo palabas ng clinic. Ang hina-hina ko. Ang tanga-tanga ko talaga.  Alam ko namang umpisa pa lang talo na `ko, eh. Lumaban pa kasi, nag-stalk pa kasi, eh. Anong napala ko? Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Nag-uunahang lumabas ang mga luha ko. Masakit kasi, kung sino ka mang Jazzy ka. Sana alagaan at mahalin mo ang my labs ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD