Chapter 3
Dasha
Bakit feeling ko tumigas ang unan ko? Sino’ng naglagay ng bato sa unan ko, ha? Nananatili pa rin akong nakapikit. Ang sarap talagang matulog. Mas komportable ako rito sa bago kong kwarto. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko. May nakapa akong walong bato. Hala grabe ito! Bakit tumigas ang unan ko?
"Tss stop molesting me, will you?" salita ng unan.
Hala! nagsasalita na ang unan ko?
"De-baterya ka na unan, ha!" pagsasalita ko habang nakapikit pa rin ako.
"What!?" salita ng unan. Aba! Englishero na rin pala ang mga unan ngayon?
"Hey," sabi pa ng unan.Tinampal ko nga. Nang-i-istorbo na talaga ang unan na`'to, eh.
O' edi tumahimik ka ring unan ka! Tampal lang pala need mo, eh.
Pero teka! May nagsasalita bang unan?! Napabalikwas naman ako sa aking higaan dahil na-realize ko ang kagagahan ko. Mergheed! Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tabi ni Greco mylabs.
"Hoy ikaw! magnanakaw ka ng virginity! Ibalik mo virginity ko! Huhuhu!" sigaw ko sa kanya. Wala pa rin itong imik at naka cross arms lang. Pinaghahampas ko si Grecomylabs! Hindi porque't stalker niya `ko, e, mag te-take advantage na siya! Hinintay ko ang sagot niya ngunit no comment pa rin siya.
"Pfttt... Hahaha." My ghaaad! Tumawa ba talaga siya? As in? Realtalk? Tbh?
"Tumawa ka ba Grecomylabs?" tanong ko sa kanya.
"Did I ?" balik tanong n'ya.
Tumango-tango naman ako na parang tanga.
"Don't mind that." Bumalik na sa pagka-seryoso ang mukha niya na parang walang nangyari. Anong don't mind that? Hindi ko na makakalimutan 'yon, 'noh! Nakatatak na iyon sa sexy brain cells ko.
"Bakit ka nandito? Sabi ni mommy ito ang kwarto ko," pagalit na tanong ko. Akala ko wala siyang itinatagong pagnanasa sa akin. Ngunit nagkamali ako! Pinasok niya pa talaga ako sa aking kwarto!
"This room is mine." Hala seryoso? Sa kanya ang kwarto na 'to? Naisahan yata ako ni Mom, ah.
"Ay! Hehehe sorry nemen. Maling kwarto pala napasok ko? Hehehe. Gorabels na 'ko? Babush my labs." lalabas na sana ako nang may nahagip ang aking beautiful eyes na isang picture frame.
May dalawang batang lalaki na magka akbay at parang masayang masaya talaga sila.
"Greco my labs, sino 'yang lalaking kasama mo sa picture?" tanong ko.
Nangunot lang yung noo niya at sinabing. " None of your business! Get out!" Wala naman 'yung picture kagabi, ah?
At saka bakit naman sya magagalit? Eh, nagtanong lang naman ako, ah!
Ang suplado talaga n'on. Lumabas na nga lang ako sa kwarto niya. Sino ba kasi 'yon? Nakaka-curious, ang gwapo kasi ng lalaki, eh! pero syemfree Greco Blaize Ferrer forever pa rin ako, `noh. Nasaan na kaya sila mommy?
Parang wala sila ngayon.
"They are not here, they're gone for business," biglang salita ni mylabs mula sa likuran ko. Nakababa na rin pala siya.
"Ibig sabihin solo natin ang bahay ngayon?"
Aba! Yeeeees! feeling ko tuloy parang mag-asawa na kami.
"I'll get going, Jazzy is waiting for me," pagpapaalam n'ya.
Napakunot naman ang noo ko.
Sino naman kaya ang Jazzy na itey?
"At sino 'yong Jazzy ha? babae mo ba 'yon?" pagtatanong ko.
"None of your business," pagsusuplado n'ya. Akmang lalabas na ito sa pintuan nang kumuha ako nang buwelo at sumampa ako sa likod n'ya.
"Damn! baba!"
"Ayoko! sama ako."
"No."
"Magseselos ako my labs!"
Hindi man lang ito nagsalita.
d'on na ako bumaba.
Ay, oo nga pala 'noh? Wala nga pala siyang pakialam sa akin. Ano nga lang ba ako sa kanya? Isang creepy stalker na sunod nang sunod lang naman sa kanya.
"Tss, sumama ka na."
"Huh? Anong sabi mo, mylabs?" shock na tanong ko. Tama naman ang rinig ko hindi ba? Pumayag siyang sumama ako sa kanya. Baka kasi nabingi lang ako kanina.
"I hate repeating myself, " supladong sabi niya.
Halata namang napipilitan lang siya, eh, pero keber lang!
( keber means 'okay' )
"Isama mo ako para makita mo kung paano ko ipapakita sa iba kung gaano ako ka-territorial pagdating sa `yo," pag- ii-speech ko.
"Let's see," sagot niya nang naka-smirk.