bc

The promise of forever

book_age18+
5.4K
FOLLOW
36.8K
READ
love-triangle
goodgirl
drama
bxg
icy
disappearance
first love
passionate
like
intro-logo
Blurb

The unworldly, innocent Rowy De Jesus has the willingness to risk everything she has including her body and heart for the sake of love. She is desperate to get close to him- Dylan Salvatiera, despite his intimidating and enigmatic personality.

Unable to resist Rowy's unique and innocent beauty, Dylan admits he wants her, too- the demons inside him desired her body. The two embarks on a lustful and intense physical affair. Until Rowy discovers something that left her devastated.

Will Dylan see her worth and fall for her? or will she remain as the woman's who only satisfy his desire?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nasa harapan ng kanilang gate noon ang dalagitang si ROWYNA DE JESUS habang nakaupo. Ganitong oras kase dumarating na ang kanyang ama at ina galing opisina at sasalubungin niya ang mga ito. Ngunit napatingin siya sa mamahaling kotse na tumigil sa matayog na gate ng kanilang kapit-bahay, ang mga SALVATIERA. Hindi niya alam bakit hindi niya maalis ang tingin sa kotseng iyon at lalo nang makita ang isang binatilyong bumaba doon. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at marahang mapatayo nang mapagmasdan ang pisikal na anyo nito. Matangkad, kayumangi, medyo brown ang kulay ng buhok, matangos ang ilong at maganda ang pangangatawan. Hindi kalayuan kaya kitang-kita niya ang napaka gwapo nitong mukha. Lalong tumibok nang mabilis ang puso niya nang makita niya itong ngumiti nang tumingin ito sa loob ng kotse na kung saan di naglaon bumaba ang isang dalagita na sa tantya niya ay matanda ng kaunti sa kanya. Napakaganda nito, parang dyosa at sobrang puti. Hinawakan ng binatilyo ang kamay ng kaharap na dalagita at nagtatakbo ang mga ito papasok sa mansion ng mga Salvatiera. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng tila may emosyon doon na gustong kumawala, bakit tila iba ang epekto ng estrangherong binata sa pagtibok ng kanyang puso? Ngayon lang niya ito naramdaman at naninibago ang mura niyang puso. ** "Hoy!" Tinapik siya sa balikat ng kanyang kaibigan na si TASIA MILANDRO na kagaya niya ay kinse-anyos pa lamang. Umupo ito sa kanyang tabi. "Ano ka ba Tasia! Kita mo nang nag-iisip ang tao eh." "Eh? Inutil. Anong iniisip mo? " Sabi nito, sanay na siya sa mga pinagsasabi ng kaibigan. "Kase tasia, doon sa kapit bahay--" "Kapit-mansion," pagtatama pa ng kaibigan sa kanya at inirapan siya. Napangiwi siya dahil hindi siya sanay ipangalandakan ang mansion nila, o ang kahit anong yaman nila. Hindi lang siya komportable, kahit totoong mayaman sila at isa siyang tagapagmana. Nag-iisang anak lamang siya. "Basta. May dumating na binatilyo doon, tingin ko nasa eighteen 'yung edad," sabi niya na nae-excite magkwento sa kaibigan. " Oh? Anong meron doon?" Usisa nito habang binubuklat ang kwaderno. Nasa loob sila ng kanilang room at wala pa ang guro. "Kasi, kasi...." "Kasi?" "N'ong makita ko siya biglang pumintig ng mabilis ang puso ko," nahihiyang tugon niya na kinagat kagat ang hinlalaki. " Yan, ang landi," sabi ni Tasia at sinapok siya. " Grabe ka naman. Malandi agad? " Mahinhin niyang sabi sa taklesang kaibigan. "O sige ode hindi. Ano crush mo iyon?" tanong ni Tasia. "Parang oo, parang love at first sight." Bakas pa rin sa boses niya ang hiya at sabay na nangalumbaba pa. Sinapok na naman siya nito. "Ako ay tigil tigilan mo sa kaharutan mo Rowyna ah? Di bagay," anito at tumayo, "punta lang akong canteen nagutom ako sa'yo," dugtong pa nito at nilisan siya. Napanguso siya, ah basta pag-ibig sa unang tingin ang naramdaman niya doon sa binatilyong nakita niya. At na eexcite na siyang umuwi at baka makita niya muli ito, baka malaman niya ang pangalan nito. *** "Dumating na pala ang isang anak ni Mr. Salvatiera honey," biglang sabi ng kanyang ama sa kanyang ina habang sila ay kumakain. "Oh? 'yung anak niyang nasa states?" tanong ng ina habang nilalagyan siya ng kanin sa kanyang plato. Tahimik lang siyang nakikinig. Kaibigan kase ng ama niya ang mga Salvatiera, "Yes. And I heard mag-aaral na din siya rito sa pilipinas. Sa school nila Rowy. " Bigla siyang napaubo dahil sa narinig. " You okay baby? " her mother asked. Napatango-tango siya at pilit sinusupil ang ngiti sa kanyang labi dahil sa nabalitaan. Nang matapos kumain nagpaalam siyang aakyat na sakanyang kwarto. Pagpasok sa kwarto nagtatalon siya sa tuwa dahil ang crush niya ay mag-aaral sa kanilang school. Malaki ang posibilidad na makita niya ito araw-araw. Tinungo niya ang bintana kung saan tanaw ang ang mansion ng mga salvatiera. Hindi talaga ganoon kalayo ang agwat ng kanilang mga mansion. Bigla siyang napatago sa kurtina ng mapagsino ang lumabas sa terrace. Yung binatilyong nakita niya. Luh. Napaka-gwapo talaga nito my gosh. Siguro kwarto niya ang tanaw mula sa kwarto ko?! Oh my! - - - "Rowy? Rowy come back to earth," Pukaw ni Tasia sa kanya kinabukasan sa eskwela. Nagde-day dream nanaman siya. "Ano kayang pangalan niya?" Bulong niya sa kawalan. "Ano? Iniisip mo na naman ba iyong lalaki? Oy! Talagang pinanindigan mo na ha?!"anito na natatawa. "Gusto kong malaman talaga ang pangalan niya Tasia," saabi niya sa kaibigan, "Bahala ka nga. Tara na mag-recess na tayo oras na," Aya ni Tasia tumayo na din siya at kumapit sa braso nito. Naghaharutan silang dalawa habang naglalakad sa hallway at may makabangga siya. Magkapanabay pa silang nag-sorry. "Sorry ulit ha?" Sabi ng malambing na tinig na iyon at ng makilala ito natigilan siya. Ito 'yung babaeng kasama nung crush niya. "H-ha? Ha.. okay lang," tugon niya na di maalis ang tingin sa mala dyosang ganda nito. "By the way I am Alexa Morgan," Pakilala nito at inilahad ang kamay sa kanya na tinangap naman niya. "Ako si Rowyna..." sabi niya at binawi na ang kamay. "Ako si tasia," sabat ni Tasia sa kanila. "Oh hello Tasia and Rowy. Actually it's great na may kakilala na ako sa school bukod kay Dylan. Dito na kase kami mag aaral eh," madaldal na sabi nito, napakabait ng anyo nito. "D-dylan? " Ulit niya. "Yep. My friend, by the way mauuna na ako sa inyo. I need to find my friend. Nice to meet you girls," sabi nito ng may pagmamadali. Dylan... Maybe ang Dylan na tinutukoy nito ay ang binatilyong gusto niya. Arrrh! What a day! :) Bulong ng dalaga sa isipan nang mawala sa paningin niya si Alexa. "Feeling ko 4th year high school na iyon," maya-maya ay sabi ni Tasia na nagpatuloy nang maglakad, sinundan niya ito. Baka nga, kase sila ay 3rd year pa lang. *** "Rowy? Is that you?" Biglang napalingon si Rowy nang marinig iyon. Nakita niya si Alexa na palapit sa kanya. Nasa harap kase siya ng bahay nila at nagdidilig ng halaman. "Yep. Small world," pagpapangap na lang niyang kunwari pangalawang beses pa lang niya itong nakita. "Oo nga, diyan ka pala nakatira. Oh by the way papakilala kita-' "Alexa," Isang tinig ng lalaki. "Speaking of the devil," bulong ni Alexa at nilingon ang tumawag dito. Nanlamig siya sa kinatatayuan nang makitang ang crush niya. "Hey buddy, come here may papakilala ako sa'yo," tawag ni Alexa. Lumapit naman ito sa kanila. Seryoso ang mukha nito at nakakatakot ang mga tingin sa kanya. "Siya si Rowy, new friend natin. Rowy si Dylan pala," Pagpapakilala nito. Tumingin siya kay Dylan na pinakatitigan siya. "I don't need new friends. You are enough Alexa," dire-diretsong sabi nito na ikinatanga niya. He was mean. "Dylan! Watch your words! " Sita ni Alexa na tila nahihiyang tumingin sa kanya. Umalis si Dylan at iniwan sila. "Umm. Maybe he's in the bad mood lang Rowy. Kakausapin ko siya. Bye," paalam nito at iniwan siyang hindi makapaniwala. Bakit tila nasaktan siya? Bakit tila disgusto ang nasa mukha ni Dylan nang makita siya. And at that very moment, she knew Dylan hated her sa hindi niya malamang dahilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Unwanted

read
511.2K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook