CHAPTER ONE

1132 Words
Three years later... Busy ang lahat sa paghahanda dahil mamaya ang party sa mansion ng mga De jesus. Debut ni Rowy. "And I love your gown, the color and all," daldal ni Alexa sa kanila ni Tasia habang nasa kwarto niya ang mga ito. Palakad-lakad ito sa kama at si Tasia naman ay nakahiga sa kanyang kama habang nagseselpon. At siya naman ay inaayusan at nakaharap sa vanity mirror. "Where's Dylan by the way?" Alangan niyang tanong kay Alexa. "Ewan ko ba sa lalaking iyon," tugon ni Alexa habang palakad-lakad pa rin e wala naman patutunguan. Kung inaakala niyong magkaibigan na sila ni Dylan, hindi. Iniiwasan siya nito at hindi pinapansin. Ramdam niyang kinakausap lang siya nito dahil na rin sa pakiusap ni Alexa. Masyado siyang nasasaktan sa dahilang bakit tila ayaw na ayaw sa kanya ni Dylan? It's been years pero cold pa din ito sa kanya. Samantalang kay Alexa, kay Tasia ay okay naman ito? May kumatok sa pintuan at mula doon iniluwa nun si LUCAS SALVATIERA ang kuya ni Dylan na kaibigan din nila. Sa loob ng tatlong taon marami ng nangyari at nagbago, pero iisang bagay lang ang hindi nagbago iyon ay ang pakikitungo ni Dylan sa kanya. "Hello girls, and to our beautiful birthday girl," bungad ni Lucas na isa isa silang nilapitan at bineso beso sila. Looking at him reminds her about Dylan. Dahil may hawig naman talaga sila, 'yun nga lang maputi si Lucas at palangiti. Samantalang si Dylan matangkad na kayumangi at laging seryoso ang mukha, ang dalang nga nitong ngumiti. Nakikita lamang nila itong ngumingiti kapag kausap si Alexa. Yep. Hindi siya bulag. Matagal na niyang alam at napansin na Dylan is in love with his bestfriend- he is in love with Alexa. The way he looks at her, speak at her, treat her and all. Saksi siya kung paano lumalamlam ang mga mata nito satwing tititigan si Alexa, kung paano mangislap sa saya ang mga mata kapag nagpapatawa si Alexa. At alam niyo ba gaano kasakit iyon? Gaano kasakit halos araw araw babalandra sa harapan niyo ang katotohanang hindi ka mahal o gusto ng taong ilang taon mo nang palihim na minamahal. It kills her everyday, "Hey Rowy," pukaw ni Lucas sa kanya. "A-hh... kanina kapa?" Biglang tanong niya. Nilapirot nito ang ilong niya. "Kanina pa po kita kausap," sabi ng binata sa kanya. "Sorry masyado yata akong na-e-excite." Liar, the truth is hindi naman. "It's natural my dear. Ganyan din ako noong debut ko eh," ani Alexa at hinaplos ang pisngi niya. Napatingin siya dito through the mirror, God, how can she hate someone like her? Someone who's genuine, sweet and a true friend? Kahit pa ito ang mahal ng taong mahal niya hindi niya ito kayang kamuhian. She love Alexa like a real sister. She's her friend and like Ate to her. "Na-e-excite 'yan kase isasayaw ni Kobe," sabat ni Tasia na nakadapa na sa kanyang kama. Si Kobe ay isa sa mga manliligaw niya. Pinaikot niya ang mga eyeballs niya. As if, Kung sanang si Dylan, eh talagang mae-excite pa siya. "Basta ako ang last dance," sabi ni Lucas at kinindatan siya. Napatawa na lamang siya rito. *** Hinithit niya nang sunod-sunod ang sigarilyo pagkaraan ay dinikdik sa sementong kinauupuan niya. Dylan was frustrated, pissed and all s**t. Nasa rooftop siya ng paborito niyang tambayan, naiinis siya sa nangyayari sa buhay niya. His Dad always treat him as if wala na siyang tamang nagawa. Lagi na lang si Lucas ang magaling, pinaparamdam ng mga ito na lagi siyang sablay sa lahat ng ginagawa niya. Tapos si Alexa ay hindi siya napapansin, his love. His life was a mess, hindi pa siya nakaka-graduate ng college dahil puro bagsak siya. Sa malalim na pag-iisip niya biglang tumunog ang kanyang cellphone. It's Alexa. "Yow," bungad niya sa dalaga. "Where are you? The party is about to start," anito na nasa maingay sa background. "Party? What party?" usisa niyang nangunot ang noo, wala siyang maalala. "Are you crazy? It's Rowy's birthday." Bakas sa tinig ni Alexa ang pagkainis sa kanya. Naiimagine niya ang mukha nito na nakabusangot. "Sorry hindi ko alam eh," walang ganang sabi niya. "Crazy sheep. She is our friend and-" "Your friend. Not mine," putol niya rito. "Dylan!" Sabi nito na galit na talaga. "Fine! Pupunta na ako." Atsaka na niya pinatay ang cellphone. Napabuntong-hininga siya, ayaw niya sa ano mang party and family gatherings, lalo na kilala ang pamilya nila and may mga business sila sa pilipinas at sa ibang bansa. Pinipilit lang lagi siya ni Alexa, sa mga ganitong party-party, at hindi niya ito matanggihan. He's been in love sa kanyang bestfriend since no one knows. Basta ang alam niya lang sa lahat ng nangyayaring hindi maganda sa buhay niya, si Alexa lang ang tanging naging magandang ganap sa buhay niya. When no one cares, she was always there, Hinuhusgahan siya ng mga nasa paligid niya including his family pero kapag si Alexa kaharap niya pakiramdam niya napakabuti niya. Kaya naman hindi niya napigilan mahulog sa kaibigan niya. Tumayo na siya at bumaba na para pumunta kina Rowy. That girl- Hindi niya ito gustong maging kaibigan, hindi naman sa hate niya ito, hindi lang niya ito gusto. Pinakikisamahan niya lang si Rowy dahil sa utos ni Alexa. Hindi siya komportable kay Rowy, because he knows better. May tama ito sa kanya, pansin na niya eversince na makilala nila ito. That's the real reason kung bakit cold siya rito dahil baka palalimin pa nito ang paghanga sa kanya and in the end masasaktan ito at magiging kasalanan pa niya. *** Sunud-sunod ang buntong-hininga ni Rowy habang malikot ang kanyang mga mata, hinahanap ang pamilyar na pigura ng lalaking gusto niya. "Nakaka offend," bulong ni Lucas sa kanya sa pabirong paraan. Kasayaw niya pala ito at ito na ang huling sayaw, akala niya isasayaw siya ni Dylan. Pero missing in action ito. Teka, bakit pa ba siya umaasa. "Sorry, I just..." "You are looking for him," Lucas told her. Napayuko siya. Kung may tao mang nakakaalam sa pagmamahal niya kay Dylan si Lucas iyon at Tasia. "Kahit sa huling sandali umaasa pa rin ako na darating siya at isasayaw ako. I know this is crazy, but umasa pa rin ako," malungkot niyang sabi. Iniangat ni Lucas ang kanyang mukha gamit ang daliri nito. "Don't be sad princess, don't expect too much to avoid disappointment, always remember that. I hope matuto ka na," sabi nito na tila naaawa sa kanya. Gusto niyang umiyak pero she's not a crying baby. Maybe, tama ito kailangan na niyang matutunang kalimutan ang nararamdaman para kay Dylan. Bumabalandra na nga sa pagmumukha niya na may mahal itong iba diba? Kaso hindi mapipigilan ang pusong nagsimulan ng magmahal. Darn! This is the saddest birthday of her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD