CHAPTER TWO

1149 Words
Natapos ang party niya ng walang Dylan na pumunta, napaka-lungkot ng pakiramdam ni Rowy. As kaibigan man hindi ito pumunta? sabagay ano pa nga ba aasahan niya? Di nga kaibigan turing nito sa kanya. "He's unbelieveable," Alexa's reaction telling her she was really pissed about Dylan's absence noong debut niya. Nasa garden sila ng bahay nina Tasia noon, after school napagpasyahan nilang tumambay. "Hayaan mo na baka busy yung tao, huwag obligahin," sabi niya habang iniinom ang juice. Clap for her acting as if it is nothing. "Baka busy sa mga babae niya?" ani Alexa sa kanila. May kudlit na selos sa tinig nito. Halatang halata iyon. Hindi niya alam kung manhid si Alexa o ano, di ba nito napapansin ang paghanga rito ni Dylan? Samantalang sila pansin iyon. Lalo na siya. Inilapag ni Tasia ang hawak na cellphone sa mesang nasa harapan nila at binalingan si Alexa. "Maybe busy nga ang mokong na iyon sa mga babae niya," anito. "Sapalagay mo may babae ang lokong iyon?" sabi naman ni Alexa na napataas ang kilay. "Aba! Tignan niyo naman ang badboy ng dating at puro bulakbol malamang madaming babaeng madadaanan iyon." Tasia's voice is never changed. Taklesa pa rin. "That's unfair," bulong ni Alexa na narinig niya. "Unfair because?" usisa niya. "Huh? Did I said that?" patay malisyang tanong ni Alexa. Napailing siya. "Namali lang yata ako ng dinig," sabi niya pero deep in her mind parang nakakatunog siya na, Alexa must have the same feelings, na gusto din nito si Dylan. And it hurts her thinking about them being in a relationship. When that time comes, how she would handle it? "Hoy teka mga bruha, hindi ba bukas na ang flight ni Lucas? " biglang liko ni Tasia. Natigilan siya oo nga pala aalis na si Lucas, dahil papadala siya ng ama nito sa America para mangasiwa sa business nila doon, which is the clothing business. "Oo nga noh? Call him and papa despidida tayo," sabi ni Alexa while eating her cake. *** Tahimik lang si Rowy habang nakaupo sa pahabang sofa, katabi si Lucas sa kanan at kaliwa naman si Tasia. Sa isang sofa ay si Dylan at Alexa, nasa isang kilalang bar sila nun. Padespidida for Lucas, ang ingay ng paligid pero mas maingay ang t***k ng kanyang puso, ewan bakit ganito kalakas epekto ni Dylan sa kanya. "Cheers!" Sigaw ni Tasia at sabay sabay nilang itinaas ang mga kopita na may mga lamang alak. "Happy trip Lucas," sigaw din ni Alexa. "Thank you guys," natatawang sabi ni Lucas at pagkaraan ay tumingin sa kanya. "Ikaw wala kang sasabihin sa'kin?" usisa nito na nakangiti sa kanya. Bahagya siyang napangit habang nakatingin kay Lucas. She will going to miss his smile and l Lucas presence. "I will going to miss you king," sabi niya, "king" ang tawag niya rito at princess naman tawag nito sa kanya. Parang natigilan si Lucas at lumawak ang ngiti nito lalo. "That's more like it," sabi nito at inakbayan siya. Lucas was like a Kuya to her, brother na hindi siya nagkaroon. Natigilan siya ng mapadako ang tingin niya kay Dylan na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanya. Napaiwas siya agad sa titig niya rito, hindi niya kayang tignan sa mga mata ang binata kase nga may gusto siya. "Why are you blushing dear?" Asar sa kanya ni Tasia na sadyang pinadinig sa lahat. Pambihira dim na ang ilaw napansin pa nito? O dahil sa maputi siya? "Because of the alcohol maybe," Dipensa niya. "But you haven't drink yet," asar pa nito, "Did something- I mean did someone made you blush?" alaska pa ng bruhilda niyang kaibigan. "Oh shut up," sabi niya at hindi na lang ito pinansin. Nakainom na ito at malakas ng mang alaska. Kaya hindi na lamang niya ito pinansin at ibinaling ang paningin sa center stage ng bar. Pumailanlang ang sweet song at may mga pares na nagsisayawan. "Hey princess, let me have this dance." Biglang tumayo si Lucas at kinukuha ang kamay niya na agad niyang pinaunlakan. Pumunta sila sa gitna at sumayaw. "I will going to miss this little nose, your brown hair, your round eyes and that shy smile," Lucas telling her while they were dancing. She smiled and hug him. "Bumalik ka agad huh? Wala ng makikinig sa drama ko maliban pa kay Tasia. I will wait for you." Tsaka pa lang siya kumalas pagkasabi nun. "As soon as matapos ang problema roon babalikan kita," anito. Napatango tango siya pero pagkaraan ay natigilan nang makitang nagsasayaw si Dylan at Alexa na tila walang pakialam sa paligid. Magka ugpong ang mga mata ng mga ito at tila nag uusap sa pamamagitan nun. Dylan held her waist like no one's gonna steal her, why the hell he was able to be soft when it comes to Alexa? Her heart ached and it feels like she was suddenly want to cry her heart out. The scene was perfect for other's eyes but for her it was the most painful one. Nagkaka unawaan na ba ang mga ito? Nag aminan? "Stop that or you will break your own heart," pukaw ni Lucas sa kanya at hinila na siya papunta sa kanilang upuan. Parang lagi siyang pinoprotektahan ni Lucas. "Ah Lucas okay lang ba kung uuwi na ako?" Paalam niya sa binata, hindi niya kayang makitang ganoon ang dalawa. "What? Ang aga pa," Tutol naman ni Tasia na tila may tama na. "It's okay. Hahatid na kita?" alok ni Lucas. Tatanggi sana siya kaso naisip niya di pala niya dala ang kotse niya at nakisakay lang siya kay Tasia. "Yes please," sabi niyang pinipigilang tumingin sa dalawa na nasa dance floor. "Tasia ikaw na ang bahalang magsabi sa kanila na umalis na kami ha," She told Tasia and Tasia just smirk. "Sasabihin ko bang nasira nila ang gabi mo?" Biro nito, inirapan niya ito. "Stop that. Enjoy yourselves, bye!" sabi niya at tumayo. Tumayo na rin si Lucas. Thanks God, Lucas is always there. Pero simula bukas wala nang sasalo sa kanya kapag nasa ganitong sitwasyon, dahil pupunta na ito sa America at walang kasiguraduhan ang balik. *** "Oh nasaan na ang dalawa?" Tanong ni Alexa kay Tasia nang makabalik sila sa upuan matapos magsayaw. "Umuwi na eh, masakit ulo ni Rowy hindi na nagpaalam sainyo mukha kaseng busy kayo," sagot ni Tasia at tumingin sa kay Dylan. "Diba fafa Dylan?" Dagdag pa nito. Hindi na lang pinansin ni Dylan si Tasia. Pero napaisip ang binata, umuwi ba talaga ang dalawa o iba ang pinuntahan? Bigla siyang napailing sa naisip. The hell?! Bakit siya mag iisip ng ganoon sa kuya niya. Nakalimutan niyang goody goody pala ito unlike him. Damn, he doesn't want the fact na Lucas is better way than him. Always. Minasdan niya si Alexa na masayang nakikipag kwentuhan kay Tasia, ang sarap talagang titigan ng babaeng una niyang minahal. Babaeng hindi niya alam paano mapapasakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD