TATUM'S POV
Sabay kaming apat na nagtungo sa cafeteria. Panay ang pagkukwento ni Simon dahil napakaraming tanong ni Flint rito, kami naman ni Toose ay tahimik lang.
Bumili muna kami ng pagkain bago nagtungo sa isang bakanteng mesa. Nakisawsaw narin ako sa usapan ng dalawa dahil bigla nalang akong sinisiraan ni Flint kay Simon.
Natigil naman kaming lahat maging ang mga kasama namin sa cafeteria ng umalingangaw ang malakas na paghampas ng palad sa mesa at pagtingin namin ay nakita namin si Tadeo.
"Hindi ba't sinabi ko na sayong layuan mo na ang girlfriend ko?" Seryoso nitong sambit habang diretsong nakatingin kay Toose.
"Malayo naman ako sakaniya." Kalmado namang sagot ni Toose at tinignan si Miles na malayo nga ang kinauupuan sa kinaroronan namin.
Napasinghap si Tadeo sa inis at kinwelyuhan si Toose sabay angat ng katawan nito kaya napatayo na si Toose.
"Pinipilosopo mo ba ako?" Inis niyang sambit at sinampal-sampal ang pisngi ni Toose.
Nandilim ang mukha ko at nagtiim ang bagang habang harap-harapang napapanood ang ginagawa nito kay Toose.
Hindi ako napagpigil kaya naman agaran akong napatayo. Hinila ko palayo si Toose kay Tadeo at malakas itong sinuntok sa mukha dahilan ng pagbagsak niya sa sahig at ikinatili naman ng mga estudyanteng malapit lang sa amin.
"Gago ka." Malutong kong pagmumura at akmang susugurin ulit ito pero mabilis naman akong naawat ni Flint. "Sino ka para magyabang sa eskwelahang ito? Pinapaalala ko lang sayo na galing sa pamamakla mo ang hawak mong pera at hindi mo yan ikauunlad. Tsaka ka na magyabang kung may laman ng utak yang ulo mong puno ng lumot! Isa pa, subukan mo pang saktan ang kapatid ko at hindi lang yan ang aabutin mo." Nagpupuyos sa galit kong sambit at sinugod siya.
Malakas kong sinipa ang sikmura nito na ikinaungol niya sa sakit.
"Ni minsan ay hindi namin siya sinasaktan, ni hindi lumapat ang palad namin sa pisngi niya o kamao namin sa mukha niya pero ikaw pa mismong walang kwenta ang gagawa nun sakaniya. Deputa kang hayop ka!"
Pinagtulong-tulungan ako ng mga kalalakihang estudyanteng inawat upang hindi ko na masaktan pa si Tadeo.
Ayoko sa lahat ay yung sinasaktan ang kapatid ko, lalo na kung harap-harapan.
•|||•
"Inaamin ko ang kasalanan ko." Buong tapang kong pag-amin sa guidance councillor at tinignan si Tadeo na may pasa sa mukha at nakahawak sakaniyang tiyan.
"Kulang ang pag-amin lang, sir. Ang nararapat sakaniya ay patalsikin sa eskwelahang ito. Oreo Academy didn't dessert that fuck." Inis niyang hayag habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Suminghal ako dahil sa sinabi nito habang si sir Aaron naman ay napailing-iling.
"Tadeo, manahimik ka nalang diyan. Ilang buwan nalang ay kolehiyo ka na pero bagsak ka parin sa English. Hanggang ngayon ay hindi mo parin Alam ang pinagkaiba ng don't sa didn't at dessert sa deserve." Pangangaral sakaniya ni sir Aaron na ikinakamot nito sakaniyang batok. "O siya, umalis ka na at kakausapin ko pa si Tatum sa kaparusahan niya."
Tumango naman si Tadeo at tumayo na. Pinanlisikan ko ito ng mata habang siya naman ay nginisian ako. Pinanood ko lang siyang maglakad hanggang sa makalabas na ito ng guidance office.
Narinig ko ang pagtawa ni sir Aaron kaya naman nilingon ko siya. Nakita ko itong sapo-sapo ang kaniyang noo habang umiiling at tumatawa.
"For the first time in the history, hindi ka nandito upang kausapin ako upang pagaanin ang parusa ng kapatid mo. Nandito ka ngayon dahil ikaw naman ngayon ang may sala. Ano bang nangyayari sayo, pamangkin?" Aniya na ikinabuntong hininga ko.
"Tito, hindi ko maatim na panoorin siyang sampal-sampalin ang kapatid ko at sa mismo pang harapan ko. Kaya ayun, inupakan ko." Pag-amin ko sakaniya at sinuklay paitaas ang aking buhok.
"Ang swerte ni Toose sayo." Bulalas nito habang nakapokus ang kaniyang paningin sakaniyang sinusulat.
"Sana nga ay nakikita niya iyon at mapatawad niya na ako sa kasalanan ko." Nakayuko kong sagot na tinango-tanguan naman nito.
"Oh heto na ang schedule mo para sa general cleaning. Pamangkin kita at sang-ayon ako sa ginawa mo pero hindi parin iyon tama sa mata ng iba kaya kailangan mong maparusahan. Wag ka namang mag-alala dahil tutulungan ka rin naman ng janitor natin." Aniya sabay lahad ng isang pirasong papel na agaran kong kinuha.
Binasa ko ang mga nakasulat rito at nakahinga ng maluwag ng makitang mababaw lang naman na trabaho ang mga ito.
"Siya nga pala, wag ka ng umasang hindi makakarating kay kuya ang balitang ito kaya maghanda ka na sa anumang sasabihin niya. Ewan ko lang kung kaya ka niyang sermunan, pero hula ko ay hindi niya magagawa iyon lalo na't—"
Napatingin ako sakaniya ng pinutol nito ang kaniyang sinasabi. Napaiwas naman ito ng tingin at nagtiim ang kaniyang bagang.
"Hindi bale na." Bulalas nito.
"Sige po. Salamat po tito Aaron, ingat ka po sa pag-uwi." Wika ko at kumaway muna sakaniya gamit ang dalawang kamay sabay lakad na palabas ng guidance office na siyang opisina niya.
Isinuksok ko sa aking bulsa ang papel na ibinigay ni tito Aaron at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Tatum!"
Muli nanaman akong napahinto at nilingon ang tumawag sa akin, agaran ko namang nakita sina Flint at Simon na puno ng pag-aalala ang mukha habang patakbong palapit sa akin.
"Totoo ba ang sinabi ni Tadeo na makikick-out ka sa eskwelahang ito?" Bungad na tanong ni Flint ng makalapit sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi nito at ginulo ang kaniyang buhok. "Syempre hindi." Sagot ko at inakbayan pa ito. "Nakakalimutan mo na bang tito ko ang guidance councillor ng eskwelahang ito? Kaya paano ako makikick-out ng dahil lang sa pagsuntok at pagsipa ko sa ugok na yun?" Taas noo kong hayag.
"Ayan tayo eh. Yan ang dahilan kung bakit kita kinaibigan, dahil malakas ang kapit mo sa eskwelahang ito. Napaka awesome." Turan naman ni Flint at nagthumbs up pa gamit ang kaniyang dalawang kamay kaya nagthumbs up rin ako at sabay kaming tumawa.
"Pero, Tatum." Singit ni Simon sa usapan kaya naman napatingin kaming dalawang ni Flint sakaniya at ibinaba ang aming kamay. "Sa hitsura palang ng lalaking iyon ay mukhang siya yung tipo ng tao na hindi papalagpasin ang nangyari kanina. Paano kung gumanti siya sa ginawa mo?" Aligaga nitong ani.
Tipid ko itong nginitian at tinapik ang kaniyang ulo. "Wag mo ng isipin ang bagay na iyon, okay?"
Tanging pagtango lang ang isinagot nito sa akin pero hindi parin nawawala ang pangamba sakaniyang mukha.
"Pero poprotektahan kita." Turan nito na sininghapan ko at hinayaan nalang siya.
Napatingin naman ako sa paligid. "Teka, nasaan si Toose?" Tanong ko sa mga ito ng mapansing wala siya sa paligid.
"Nasa auditorium at nag-eensayo para sa contest nila kasama ang iba pang kalahok. Bumalik na tayo sa classroom at paniguradong hinahanap ka na ng lahat." Sagot naman ni Flint na tinanguan ko.
Inakbayan ako ni Flint at gayundin si Simon kaya kinunotan ko sila ng noo pero pinabayaan ko nalang iyon at naglakad na paalis. Hinatid na muna namin si Simon sa classroom niya tutal ay madaraanan lang namin iyon bago nagtungo sa klasrum namin. Tama nga si Flint, hinahanap na nga nila ako.
Panay ang pagtatanong ng mga kaklase ko sa nangyari kanina, mabuti at narito si Flint upang maging narrator sa kaganapan kanina.
Habang abala ang lahat sa pakikinig kay Flint ay pumuslit muna ako, ilang minuto lang naman akong aalis kaya ayos lang siguro iyon. Sigurado naman akong pagbalik ko ay tapos ng magkuwento si Flint, madami pa namang pasikot-sikot kapag siya ang nagkukwento.
Nagtungo ako sa auditorium pero nakatago lang ako hanggang nga sa makasilip ako sa uwang ng pintuan at nakita ang nangyayari sa loob.
Mula rito ay tanaw ko ang mga kalahok na abala sa pag-eensayo kung saan tatayo, kasama nila ang isang bakla na hindi ko kilala.
"Hindi naman siguro pagnanasaan ng baklang yun ang kapatid ko." Bulalas ko habang nakatingin sa bakla na tutok na tutok ang mga mata sa mga binatang kalahok at kulang nalang ay maglaway na.
"At bakit niya naman ako pagnanasaan?"
Napatalon ako ng gulat ng bigla nalang sumulpot si Toose sa likuran ko kaya agaran akong napalayo sakaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang sambit at tumingin sa loob sabay balik ng tingin sa akin. "Bakit hindi ka pumasok sa loob at kausapin kung sino man ang pakay mo?" Dagdag pa nito na agaran kong ikinaiwas ng tingin sabay nguso.
"Hindi na kailangan dahil ikaw naman ang pakay ko." Sagot ko at napatingin sakaniya. "Nag-aalala ako na baka balikan ka ni Tadeo o di kaya'y nag cutting ka nanaman para makipagkarerahan ng kamatayan kay Andrius. Hindi ko akalain na matatagpuan kita rito at mukhang naabala ko ang pag-eensayo mo."
Akmang aalis na ako pero mahigpit nitong hinawakan ang damit ko at hinila ako pabalik sakaniya.
"Kung sa tingin mo ay mapapatawad na kita sa kasalanan mo dahil lang ipinagtanggol mo ako ay nagkakamali ka." Seryoso nitong sambit at binitawan ang damit ko sabay lakad na papasok.
Pinagpagan ko nalang ang damit ko ngunit natigilan ako ng marinig ang huli nitong sinabi.
"Pero, salamat."
Pagkatingin na pagkatingin ko sa direksyon niya ay wala na ito at saktong sumarado na ang pinto.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi at masayang nagtungo pabalik sa classroom namin. Nadatnan ko naman ang mga kaklase kong masamang nakatingin sa akin kaya nagpeace ako sa mga ito at sinimulan na ang trabaho namin.
Buong maghapon ay wala kaming ibang ginawa kundi ang pagplanuhan ang contest dahil wala namang pumasok na guro. Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa sumapit na ang uwian.