Chapter 3

1513 Words
Astrid's Pov Nang magising ako ay napansin kong nandito na ako sa kwarto ko. Mukang inilipat ako ni Kervin ng makatulog ako sa tabi nito. Sobrang na miss ko yung mga yakap nya, yung bisig nya na kay titigas. Feeling ko ay sobrang safe ko sa tuwing niyayakap nya ko. Nag asikaso na ako ng sarili ko, pag labas ko ng kwarto ko ay nakaabang na ito sakin. "Good morning Miss Astrid, did you sleep well?" Nakangiting tanong nito sabay kuha sakin ng bag ko. "Oo, thank you." Nakangiting saad ko dito. - Pag dating namin sa classroom ay pinag bubulungan kami ng mga classmates namin. Iba yung tingin nila samin, kaya naman napayuko nalang ako. Maya-maya pa ay may lumapit sakin, dalawang babae. "Hi Astrid, ako nga pala si Lyzel, if you don't mind pwede ba kaming makipag kaibigan sayo?" Nakangiting tanong nito sakin. "Ako naman si Ailyn, mag bestfriend kami ni Lyzel. Kung okey lang sana sayo, baka pwedeng maging kaibigan ka din namin." Nakangiti ding saad nito. Napatingin ako kay Kervin, tumango ito sakin na para bang pinapayagan nya ako na makipag kaibigan. Isa ito sa mga pangarap ko, ang mag karoon ng kaibigan. "Hi Ailyn and Lyzel, natutuwa akong maging kaibigan kayong dalawa." Nakangiting saad ko at agad ko silang niyakap. Medyo nagulat sila sa ginawa ko, pero sa huli ay nakipag yakapan din ito sakin. Ganito pala yung feeling na maging part ka ng isang pag kakaibigan. Ang gaan sa pakiramdam. Hinila ako ni Ailyn at Lyzel sa upuan nila at doon kami nag kwentuhan. "By the way Astrid, anong relasyon nyo ni Kervin? Napansin kasi namin na parang close na close kayo sa isa't isa?" Tanong ni Lyzel sakin. Napalunok naman ako sa tanong nito, hindi nila pwedeng malaman kung ano ko si Kervin. Hindi nila pwedeng malaman na gangster ito at apo ako ng leader ng mga gangster, dahil baka iwasan din nila ako tulad ng mga schoolmates ko nung elementary at highschool. "Ah eh, kaibigan sya ng Lolo ko. Simula ng mamatáy ang parents ko, sya na ang palagi kong kasama." Nakangiting sagot ko sa kanila. "Ganun ba, buong akala namin ay mag jowa kayong dalawa. Usap usapan kasi dito sa classroom na mag kasintahan kayo." Saad naman ni Ailyn. "N-naku hindi nuh!" Nauutal na sagot ko sa kanila sabay tingin kay Kervin. "Pero bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo? Yung totoo Astrid, may gusto ka ba kay Kervin?" Nakakunot noo na tanong ni Ailyn sakin. "W-wala nuh, mag kaibigan lang talaga kami." Sagot ko dito pero mukang hindi sila kumbinsido sa naging sagot. "Babae din kami Astrid kaya alam namin kung may gusto ang isang babae sa isang lalaki. Pwede mo kaming pag katiwalaan lalo na ngayon at kaibigan mo na kami." Nakangiting saad ni Ailyn sakin. Hindi ako dapat basta-basta nag titiwala lalo na at kakikilala ko palang sa kanila. Pero ayuko naman na ma wala sila sakin at isipin na wala akong tiwala sa kanila. Ano bang dapat Kong gawin? "Baka napi-pressure ka namin. Hihintayin nalang namin na mag open up ka samin. By the way, add nalang kita sa f*******: para sa messenger nalang tayo mag usap usap." Nakangiting saad ni Ailyn sakin. Sa totoo lang ay hindi ako active sa mga social media, wala din naman akong friends doon. Si Kervin, Estoy at Maxi naman ay palagi ko ding kasama sa mansion, mga hindi din sila mahilig sa social media. Pag bigay ko sa kanila ng account ko ay inadd na nila ako sa sss. Agad din na gumawa ng group chat si Ailyn para saming tatlo. "Ayan okey na, labas tayo sa weekend ah!" Kinikilig na saad ni Lyzel. Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Ito ang unang beses na may magyaya sakin lumabas. Excited na ako sa mga gagawin namin. *Lunch Time* Kasama ko si Ailyn and Lyzel ngayon sa cafeteria. Hindi nag paalam si Kervin sakin kung san sya pupunta. Mukang pinag kakatiwalaan nya naman si Ailyn at Lyzel kaya okey lang sa kanya na makipag kaibigan ako dito. Habang kumakain kami ay may lumapit samin na lalaki na taga ibang department. Mukang a head samin ito ng ilang years, baka graduating na ito. "Hi Astrid, pwede bang makipag kilala?" Nakangiting tanong nito sakin. Cute din ito, and mukang okey naman sya. Bakit alam nya ang pangalan ko? "By the way I'm Yuan, 4th year architecture." Nakangiting pag papakilala nito. Siguro ito na ang chance para malibang ko ang sarili ko, para hindi puro si Kervin ang nasa isip ko. Kung bubuksan ko ang puso ko sa ibang lalaki, baka sakaling ma wala na din itong nararamdaman ko kay Kervin. "Hi, nice to meet you Yuan." Nakangiting saad ko at nakipag kamay dito. "Pwede ko bang makuha ang f*******: account mo?" Nakangiting tanong nito sabay abot sakin ng phone nya. Kinuha ko naman ito at tinype ang user name ko. "Thanks Astrid, see you around." Saad nito. Hindi pa ito nakakalayo ng biglang dumating si Kervin. "Sino yun?" Tanong nito sakin. Yung kilay nya kulang nalang mag dikit ito sa sobrang pagkakakunot ng noo nito. Napalunok ako sa reaksyon nito, si Ailyn at Lyzel patay malisya nalang. "Ah eh, si Yuan, nakikipag kaibigan lang." Sagot ko dito. Hindi na ito umimik, pero yung tingin nya ay hindi na naalis kung nasan si Yuan ngayon. Kinakabahan ako baka kung anong gawin ni Kervin dito. Bago kami bumalik ng classroom ay hinila ko ito papuntang rooftop. "May problema ba Miss Astrid?" Pag aalalang tanong nito. "Oo, Kervin! Alam ko ang iniisip mo, kaya huwag mo na itong ituloy. Kapag ginalaw mo si Yuan, hinding hindi kita mapapatawad!" Inis na saad ko dito kaya napabuntong hininga ito. Nagulat ako ng bigla nitong ipinatong ang noo nya sa ulo ko. "Yun ba talaga ang gusto mo Miss Astrid? Gusto mo ba ang Yuan na yun?" Tanong nito. Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi nya. Hindi ko naman gusto si Yuan dahil sya ang gusto ko. "Hahayaan kita kung yan ang gusto mo, kahit na labag ito sa kalooban ko." Saad nito at umayos na ito ng tayo. Humarap ito sakin at ngumiti, pero yung mga mata nya iba na naman ang sinasabi. Naguguluhan na talaga ako sa mga pinapakita ni Kervin sakin. "Mabuti kung ganun." Saad ko dito at akmang aalis na ng bigla nitong pigilan ang aking kamay. "Miss Astrid, pwede ba kitang yakapin kahit limang sigundo lang?" Tanong nito na syang ikinagulat ko. Yung puso ko sobrang lakas ng kabog. Ito ang unang beses na nag request sya sakin na yakapin ako. Hindi pa ako pumapayag pero niyakap na ako nito mula sa likod. Sinobsob nito ang muka nya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito na dumadampi sa leeg ko. Sh*t, bigla nalang uminit ang pakiramdam ko. Ibang iba sa pakiramdam yung mga yakap nya kesa sa yakap nya noon nung bata palang ako. Siguro dahil may nararamdaman na ako sa kanya ngayon at dahil na din sa may malisya na ito para sakin. "A-anong ginagawa mo Kervin!?" Kunyare ay inis na saad ko dito pero sa totoo lang ay gusto ko ang pwesto namin ngayon. Hinigpitan pa nito ang pag yakap sa bewang ko. Napalunok ako ng masanggi ng braso nito ang dibdib ko ng di sinasadya. "Hayaan mo lang ako Miss Astrid na gawin ito, pangako at hindi na ito mauulit." Saad nito at bahagyang lumuwang ang bisig nito sa katawan ko. Alam kong bibitaw na ito sa pag yakap sakin kaya ang sunod na ginawa ko ay hinawakan ko ang mga kamay nito at muling inilagay sa bewang ko. Ayuko nalang mag salita, pero sana ma gets nya ang gusto kong iparating. "Ikakagalit mo din ba kung sabihin ko sayo na gusto kitang halikan?" Tanong nito kaya nanglaki ang mga mata ko. Yung puso ko parang gusto ng kumawala dahil sa lakas ng t***k nito.Hinawi nito ang buhok ko at inilagay sa right side ng shoulder ko. "K-Kervin." Nauutal na tawag ko dito ng halikan nito ang batok ko. Sh*t, bakit ganito bigla nalang uminit ang buong katawan ko kahit na malakas at malamig naman ang simoy ng hangin dito sa rooftop. "Sorry Miss Astrid." Saad nito at tuluyan na itong bumitaw sa pag kakayakap sakin. Humarap ako dito at tiningnan ito ng masama. "Bakit ka tumigil? Sinabi ko bang tumigil ka?" Inis na tanong ko dito kaya tila nagulat ito sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay bitin na bitin ako sa ginawa nya. Bago pa ito mag salita ay tumakbo na ako paalis ng rooftop. Shuta, ano ba tong pinag sasabi ko! Ano nalang ang iisipin ni Kervin, na gustong gusto ko yung nangyare? Pero ang totoo naman talaga ay gustong gusto ko ito. Pero bakit bigla nalang naging ganun ang asta ni Kervin sakin. Hindi naman sya naka friend mood diba hindi din yun father or mother's mood. Nakakapanibago talaga ang ikinilos nito. Parang hindi sya yung Kervin na kilala ko, parang mas gusto ko yung version nya ngayon. Hays, ano ba tong pinag iisip ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD