Kervin's Pov
"Sh*t, bakit ko ginawa yun?!" Inis na saad ko sa sarili ko. Sinundan ko na si Miss Astrid, pero hindi ko maunawaan yung sinabi nya na bakit ko daw ito itinigil? Hindi kaya nagustuhan nya din yung ginawa ko? Pero gusto nya yung Yuan na yun diba? Baka hindi lang din alam ni Miss Astrid ang sinasabi nya kaya bigla nalang itong umalis.
Pag dating ko sa classroom namin ay agad itong umiwas ng tingin sakin. Pag upo ko sa silya ko ay hiniga ko ang ulo ko sa desk pero naka side view ako pa harap kay Miss Astrid. Napaka ganda nya talaga kahit naka side view ito. Mukang iniiwasan nya ako kaya hindi ito makatingin sakin.
Napatingin ako sa leeg nito, napalunok ako ng bigla kong naalala yung ginawa kong pag balik sa batok nito kanina. Parang gusto ko tuloy halikan ang leeg nya. Pero ayuko naman na magalit ito sakin ng tuluyan dahil tiyak kong sobra sobra na yung ginawa ko sa kanya kanina. Bakit kasi hindi ko napigilan ang aking sarili.
"Miss Astrid." Mahinang tawag ko dito pero tila hindi ako nito naririnig. Ayaw nga talaga akong pansinin, naiinis ako sa sarili ko dahil baka nga galit ito dahil sa ginawa ko kanina. Ni hindi mo manlang kasi hininge ang pahintulot nya bago ko to gawin.
"Miss Astrid, galit ka ba sakin?" Muling tanong ko at kinalabit ko na ito. This time ay tumingin na ito sakin pero agad din na umiwas. Napabuntong hininga ako at sinobsob nalang ang aking muka sa desk. Mas mabuti pang itulog ko nalang ito, baka pag gising ko ay hindi na ito galit sakin.
--
Nagising ako ng may yumogyog sa braso ko. Pag tingin ko ay nakatingin sakin ng masama si Miss Astrid kaya naman umayos ako ng upo at tiningnan ito ng may pag aalala. Ngumuso ito sakin kaya napakunot ang noo ko. Gusto nya bang halikan ko sya? Napailing ako dahil sa iniisip ko.
"Mr Acosta!" Tawag ni Mrs Madrigal sakin. Doon ko na naunawaan kung ano yung nginunguso ni Miss Astrid sakin.
"Yes Mam!" Masiglang sagot ko dito.
"Nakikinig ka ba sa discussion or natutulog ka?" Inis na tanong sakin nito.
"Nakikinig po Mam!" Sagot ko dito.
"Kung ganun, pumunta ka dito sa unahan at isa isa mong ipaliwanag kong saan ginagamit ang mga kutsilyo na ito." Saad ni Mrs Madrigal sakin. Bago ako tumayo ay kinindatan ko muna si Miss Astrid. Bakas kasi sa muka nito ang pag aalala sakin.
**Astrid's Pov**
Alam ko naman na pumasok lang si Kervin sa paaralan na ito upang bantayan ako. Wala naman talaga itong interest pag dating sa pag aaral kaya hindi na ako mag tataka kung hindi ito mag seseryoso pag dating sa pag aaral.
"Kakaloka tong si Kervin, bakit pumunta pa sya sa unahan. Dapat inamin nya nalang kay Mrs Madrigal na hindi sya nakikinig at natutulog lang sya." Saad ni Ailyn na halatang nag aalala din sa sitwasyon ni Kervin.
Sinimulan na nito isa-isahin ang mga kutsilyo na nasa table ni Mrs Madrigal. Isa isa nyang pinangalanan yung mga kutsilyo ay kung saan ito ginagamit. Basi sa mga discussion kanina ni Mrs Madrigal ay tama lahat ng isinagot ni Kervin.
"Very good Mr Acosta, you may now take your seat." Saad ni Mrs Madrigal dito. Hangang hanga naman ang mga classmate namin sa paliwanag ni Kervin. Mukang hindi ko dapat maliitin ang isang to. Hindi lang sya magaling sa pakikipag laban bilang gangster. Marami pa talaga akong hindi nalalaman kay Kervin.
Pag balik nito sa silya nya ay muli na naman itong natulog. Napabuntong hininga nalang ako dahil mukang buong school year ay ganito lang ang gagawin nito.
**Uwian**
"See you tomorrow Astrid!!" Masiglang saad ni Ailyn and Lyzel. Kami nalang ni Kervin ang naiwan sa classroom dahil kami ang naatasan ni Mrs Madrigal na mag ligpit ng mga kutsilyong ginamit sa discussion kanina.
"Ako na dyan, baka masugatan ka pa." Saad ni Kervin ng akma kong hahawakan ang isa sa mga kutsilyo. Napalunok naman ako ng bigla nitong gawing dagger ang isa sa matutulis na kutsilyo. Tumama ito sa pinto kaya bumaon ito dito. Napalunok ako sa ginawa ni Kervin, napakahusay talaga nito pag dating sa pag hawak ng mga sandata. Hindi kataka-taka kung bakit sya ang pangalawang leader ng Elite Gang.
Pag sakay namin sa kotse ay parehas kami nitong walang imik sa isa't isa. Muli na namang bumalik sa alalaala ko yung nangyare sa rooftop kanina. Pa lihim kong hinawakan ang batok ko. Yun ang kauna-unahang beses na hinalikan nya ako sa batok.
-
Pag dating namin ng mansion ay wala pa din sila Lolo. Madalas naman na wala ito dahil bukod sa pag aasikaso ng Elite gang ay may negosyo din itong pinapatakbo.
Maaga pa naman kaya napag pasyahan kong mag swimming sa pool. Sa tuwing iniisip ko kasi yung nangyare kanina sa rooftop, pakiramdam ko ay sinisilaban ang katawan ko dahil sa sobrang init.
Sinuot ko yung two piece na binili ko last month sa mall. Bagay na bagay ito sakin, lalo na at may malusog akong hinaharap. Binalot ko muna ang sarili ko sa towel bago ako lumabas ng silid ko. Pag dating ko sa swimming pool area ay agad kong napansin sa di kalayuan si Kervin. Mukang may kausap ito sa phone kaya hinayaan ko nalang sya. Inalis ko na ang suot kong towel at lumusong na ako sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam, parang lahat ng bigat ng nararamdaman ko ay biglang nag laho.
Kinuha ko yung salbabida at doon ay nahiga. Pinikit ko ang aking mga mata, pero sa pag pikit ko ay muka na naman ni Kervin ang nakita ko. Inis kong iminulat ang mga mata ko. Ang ending ay muka na naman ni Kervin ang bumungad sakin.
"Miss Astrid." Nakangiting tawag nito sakin.
"Pwede ba kitang samahan sa pag ligo?" Nakakunot noo na tanong nito sakin. Napalunok ako dahil sa tanong nya. Malawak naman ang swimming pool na ito, kaya okey lang kung sabay kaming maligo.
"Bahala ka sa gusto mo Kervin." Saad ko dito. Bigla nitong hinubad ang suot nyang T-shirt. Napatulala ako ng makita ang tattoo nito sa dibdib. Ang tattoo na simbolo ng samahan ng gang nila. Bukod sa tiger na tattoo sa dibdib nito ay may malaking tattoo din ito sa likod nya, itim na pakpak na parang sa angel. Natural na ata sa mga tulad nyang gangster ang mag pa tattoo sa katawan.
Habang pa lusong ito sa tubig ay hindi ko maalis ang tingin sa katawan nito. Mashadong mapang akit ang dibdib at abs nito. Hindi ko namalayan ang pag lapit nito sakin. Dahil sa pag papanic ko ay nahulog ako sa salbabidang hinihigaan ko. Mabuti nalang at mabilis ang kamay ni Kervin at agad ako nitong nakapitan. Napalunok ako ng sobrang lapit namin sa isa't isa. Mashadong malalim yung swimming pool at hindi ko na ito abot. Doon ko lang napansin na sa bewang ko pala ito makalapit.
"Okey ka lang ba Miss Astrid? Gusto mo ba na bitawan na kita?" Pag aalalang tanong nito. Umiling ako bilang sagot at inilagay ang dalawang kamay ko sa leeg nya na tila nakayakap. Napalunok ako ng mapag tanto na nakasobsob yung dibdib ko sa dibdib nya.
"Gusto mo bang lumubog kasama ko?" Tanong nito sakin. Parang bigla nalang umurong yung dila ko. Hindi ko magawang mag salita kaya tanging pag tango lang ang sagot ko dito.
Bumilang ito ng tatlo kasunod ang pag lubog namin sa tubig. Hindi ko ipinikit ang mga mata ko kaya naman kitang kita ko kung paano ako nito titigan sa ilalim ng tubig.
Sunod na ginawa ko ay ang pag lapit ng muka ko sa muka nito kasunod ang pag lapat ng labi ko sa labi nya. Hindi ko alam kung anong tumulak sa isip ko kung bakit ko ito ginawa, pero hindi ko na kaya pang pigilan ang damdamin ko.
Naramdaman ko ang pag alalay ni Kervin sa ulo ko. Ito ang unang kiss namin kaya para sakin ay napaka special nito dahil sa ilalim pa ng tubig namin ito ginawa. Ilang sigundong nag dikit ang labi namin, kasunod nito ay ang pag galaw ng labi ni Kervin sa labi ko. Wala pa akong karanasan sa pakikipag halikan kaya hinayaan ko nalang na sundan ang pag galaw nito. Hindi ko na alam kung ilang sigundo or minuto na kami sa ilalim ng tubig, ang alam ko lang ay nag eenjoy ako sa pakikipag halikan dito.
Bago pa ako kapusin ng hininga at bumitaw na ang mga labi namin sa isa't isa. Lumitaw kami sa tubig na hindi nag babago ang pwesto. Nakahawak pa din sa leeg nya ang braso ko. Parehas kami nitong nakangiti sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala na ako ang nag first move saming dalawa. Nakakahiya pero hindi ko yun pinag sisihan.
"Sobrang tagal kong hinintay ang pag kakataon na ito Miss Astrid. Gusto kong malaman kung gusto mo ba ako?" Tanong nito sakin kaya napalunok ako.
"O-oo Kervin, gusto kita simula palang nung una nating pag kikita." Nakangiting sagot ko dito. Nagulat ako ng bigla nitong angkinin ang labi ko. Hindi ko na din pinigilan pa ang sarili ko at nakipag palitan ako dito ng mapupusok na halik. Yung tila ba uhaw na uhaw kami na parang wala ng bukas.
Sobrang sarap sa pakiramdam ng bawat pag lapat ng labi nya sa labi ko. Bawat pag haplos ng kamay nya sa katawan ko ay nag bibigay ito ng kakaibang ligaya sa aking pakiramdam.
Ngayong alam ko na ang pakiramdam ng pakikipag halikan sa taong gusto ko. Hindi na yakap ni Kervin ang favorite ko ngayon, kundi ang mga halik na nito.