Astrid's Pov Nakausap ko ang doctor ni Lolo at may hindi tama sa mga iniinom nitong gamot. Kumuha kami ng gamot sa mga gamit ng personal nurse ni Lolo at dun nga namin na confirm na ibang gamot nga ang pinapainom nito kaya mas lalong lumalala ang kondisyon ni Lolo. After naming makausap ang doctor ni Lolo ay tumawag na ako ng police para hulihin ang nurse nito. Hindi ko alam kung bakit nya to ginagawa sa lolo ko, kung ano man ang dahilan nya ay sisiguraduhin kong makukulong sya. Pag dating ng mga pulis ay dumiretso na kami sa room ni Lolo kung nasan ang personal nurse nito. Nandito din si Lolo Francisco at Yuan para dumalaw kay Lolo. "Bakit may mga kasama kang pulis Astrid?" Nakakunot noo na tanong ni Yuan sakin. Agad naman na inilabas ng kasama naming pulis ang warrant arrest na

