Astrid's Pov "Sorry Yuan, pero nag bago na ang isip ko. Hindi ako mag papakasal sayo, hindi na natin itutuloy ang kasalang ito." Saad ko kay Yuan kaya hinigit ako nito sa braso. "Ano ba! Nasasaktan ako!" Reklamo ko dito dahil sobrang higpit ng pag kakahawak nito sa braso ko. "Masasaktan ka talaga dahil sa mga maling disisyon mo. Lahat ay naka handa na Astrid, tatlong linggo nalang at ikakasal na tayo tapos ngayon ka pa aatras!" Inis na saad nito. "Sorry Yuan, pero alam mo naman na hindi kita mahal simula palang nung una. Ginagawa ko lang ito para kay Lolo, pero ngayong buhay pa si Kervin ay hindi ko hahayaan na ikulong ang sarili ko sa taong hindi ko naman talaga mahal. So please lang Yuan, hayaan mo na ako, may ibang babae pa dyan na tiyak kong mamahalin ka ng sobra." Pag mamakaaw

