Chapter 20

1584 Words
Astrid's Pov Tatlong araw na ang lumipas pero wala pa ding reply sa email na pinadala namin sa Quevas Group of Company. Pakiramdam ko ay may kagagawan nito ay si Janna dahil sya ang secretary ni Kervin. For sure ay hindi nya sinabi yung email na pinadala namin para hindi kami muling mag kita ni Kervin. 4 years akong nag luksa sa pag kawala ni Kervin, ngayon pa ba ako hindi kikilos kung kelan alam kong buhay na buhay sya. Humanda talaga sakin ang Janna na yan, babawiin ko ang dapat ay para sakin. I'm on my way na papunta sa company na pag mamay ari ni Kervin na ngayon ay si Theodore na. Hindi naman ako basta basta makakapasok sa kompanya nila dahil alam kong mahigpit ang security nila. Nag panggap nalang akong delivery boy para mas mapadali ang pag pasok ko sa kompanya nila. Nang makarating na ako sa harap ng kompanya ay agad akong hinarang ng security, marami itong tanong at hinanapan pa ako ng id. May kasagwat naman ako sa loob, ang pinsan ng boyfriend ni Ailyn kaya naman marami akong idadahilan sa guard. Nang makumbinsi ko ito ay pinahintulutan na ako nitong makapasok sa loob. Dumiretso na ako sa front desk para mag tanong kung san makikita yung Ceo's office. Dali dali naman akong yumuko at umiwas ng biglang lumapit sa pwesto namin si Janna. That b#tch, gustong gusto ko na syang sabunutan! "Good morning Miss Janna." Bati sa kanya ng staff dito sa front desk. May inabot si Janna na picture dun sa dalawa, kitang kita ng dalawang mata ko na ako yung nasa picture. "Kung dumating man ang babaeng yan dito, paalisin nyo agad. Malaki ang atraso nyan sakin lalo na sa Boss nyo, maliwanag ba? Bukod doon, kung may tauhan na pupunta dito galing sa Morgado Group of Company, paalisin nyo din agad. Hinding hindi tayo mag kakaroon ng connection sa kanila, maliwanag ba yun?" Saad ni Janna kaya agad na tumango yung dalawa. Pa simply pa akong tumingin kay Janna, napansin ako nito pero agad din itong umalis. Nakahinga naman ako ng malalim dahil hindi nya ako nakilala. Bwesit na babae yun, tama nga ang hinala namin na sya ang may kagagawan nito, napakasama talaga ng ugali nya. "Sir, paki iwan nalang po dito ang package ni Mr Quevas, kami na po ang mag rerecieved." Saad nung ni Elisa isa sa front liner. "Sorry Miss, pero kailangan kasi itong pirmahan ni Mr Quevas, kailangan ko din ng id nya, yun kasi ang protocol ng aming kompanya." Saad ko dito at napaniwala ko naman sya. Tinuro nito sakin kung san ko makikita si Mr. Quevas. Pag sakay ko sa Elevator ay may nakasabay akong isang ginang. Pamilyar ang muka nito sakin, mukang same floor din kami ng pupuntahan. Habang hinihintay namin ang pag bukas ng pinto ay bigla nalang itong nbapahawak sa pader, agad ko itong inalalayan dahil muka syang nahihilo. Pag bukas ng Elevator ay inalalayan ko ito sa pag labas, habang nag lalakad kami ay doon na ito na walan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman nag sisigaw na ako. Agad namang may sumaklolo samin, natigilan pa ako ng makita ang lalaking papalapit samin. "Mom!" Pag aalang saad ni Kervin sa ginang. Tila na wala ako sa sarili dahil hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang lalaking pinaka mamahal ko. Binuhat nito yung Ginang, maya maya pa ay lumabas na din si Janna at madaling lumapit samin. Iniwas ko kagad ang sarili ko dahil tiyak kong katapusan ko na kapag nalaman ni Janna na ako to. Dali-dali silang sumakay ng elevator kaya naiwan ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Sobrang lapit ko na kay Kervin, naantala pa. Sana lang ay maging maayos ang Mom nya, kaya pala parang namumukaan ko ito dahil mag kamuka sila ni Kervin. Sumakay na din ako ng elevator, susundan ko sila sa hospital. Nandito na din naman ako itotodo ko na ang pag buntot sa kanila. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakausap si Kervin. Kailangan nyang malaman ang totoo, maraming nag hihintay sa pag babalik nya at isa na ako dun. Hindi ako pwedeng mabigo, nangako ako kay Lolo na ibabalik ko si Kervin sa mansion. Pag sakay ko sa kotse ko ay sinundan ko na yung ambulance na sinasakyan nila. Pag dating ng hospital ay agad na sinugod ito sa emergency room. Habang abala si Janna sa pakikipag usap sa nurse ay doon na ako lumapit kay Kervin. "Sir, ayos lang po ba si Mam?" Tanong ko dito. Medyo nagulat pa ito ng makita ako. Napakunot ang noo nya habang nakatitig sa mga mata ko. "Ikaw yung tumulong sa Mom ko kanina diba? Maraming salamat dahil naagapan agad ang kondisyon ni Mom." Nakangiting saad nito sakin. Gustong gusto ko ng alisin yung fake kong buhok na pang lalaki at ang fake na balbas ko at sabihin sa kanya na si Astrid ako, pero ayukong gumawa ng eksena na ikakagulo ng isip nya lalo na ngayon at nasa emergency room pa ang Mom nya. Tila hindi nakikisama ang tadhana saming dalawa ngayon, ang mahalaga ay nakaharap ko sya ngayon. "Huwag po kayong mag alala Sir, magiging maayos din po ang Mommy nyo." Saad ko dito at hindi ko na nga napigilan pa ang sarili ko at bigla ko nalang itong niyakap. Nagulat ako sa ginawa ko at mukang ganun din sya kaya naman agad akong bumitaw dito. "Sorry po, nadala lang ako. Gusto ko lang po pagaanin ang nararamdaman nyo dahil alam ko po na labis kayong nag aalala sa Mom nyo. Naranasan ko din po kasi yan before, Lolo ko naman po yung palaging sinusugod sa hospital. Lolo ko nalang po kasi ang tanging meron ako kaya alam ko po na mabigat sa pakiramdam kapag nasa ganyang sitwasyon yung mga mahal natin sa buhay. Saad ko dito. Nagulat naman ako ng ipatong nya ang kanang kamay nya sakin at hinimas himas ang ulo ko na para bang aso na nilalambing nya. Natulala ako sa ginawa nito, madalas nyang gawin sakin ang bagay na to kaya tuluyan ng bumagsak ang luha ko. "Babe!?" Boses iyon ni Janna kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Bago pa ito makalapit samin ay nag paalam na ako kay Kervin. "Sino yun?" Iritadong tanong ni Janna dito. Nag madali na ako sa pag lalakad ko at baka masira pa lahat ng plano ko. Pag balik ko ng kotse ay tinawagan ko si Maxi, kwenento ko dito ang lahat ng nangyare. Wala itong alam sa mga pinag gagawa ko kaya naman bakas sa boses nito ang pag aalala sakin. Pag dating ko ng office ay tiningnan nila ako ng masama ni Estoy. "Miss Astrid naman, bago naman po kayo kumilos ay ipag bigay alam nyo samin." Saad ni Estoy, alam ko naman na sobra lang silang nag aalala sakin. "Sorry, hindi ko na kasi kayang mag hintay pa. Ilang araw, linggo or buwan pa ba ang hihintayin natin? Apat na taon na yung nasayang, ayuko ng paabutin pa ng limang taon." Saad ko sa kanila kaya nagkatinginan ang mga ito. "Nauunawaan ka naman namin Miss Astrid, mahalaga din samin si Kervin. Ang samin lang ni Estoy ay mag sabi ka samin, para may back up ka. Hindi mo lang ito laban, laban din namin ito para sa kaibigan namin. Ibabalik natin ang alaalang na wala ni Kervin, babalik sya satin." Saad ni Max kaya nilapitan ko sila at niyakap ng mahigpit. "Salamat sa inyo dahil nandyan kayo palagi para sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala kayo." Naiiyak na saad ko sa kanilang dalawa. "Hindi lang naman kasi amo ang turing namin sayo Miss Astrid, dahil para samin ikaw na ang little Sis namin. Kaya naman this time, ibubuhos na namin ang lahat ng aming makakaya para matulungan ka. Dahil ang laban ng isa ay laban nating lahat, ganun naman ang pamilya diba?" Nakangiting tanong ni Estoy. "Wait, bakit kayo lang ang nag gugroup hug? Sali kami dyan!!" Saad ni Lyzel na kadarating lang, kasama nito si Ailyn kaya nakigulo na din ito samin. Salamat nalang talaga at nakatagpo ako ng katulad nila. **Theodore's Pov** Gising na si Mom at bukas na bukas ay pwede na itong ilabas. Tumaas lang ang dugo nito kaya nahilo, pero wala namang malalang kondisyon. Nasa office ako ngayon habang si Janna ay nasa hospital, hindi mawala wala sa isip ko yung lalaking tumulong kay Mom kanina. Alam kong may mali eh, hindi sya lalaki, babae sya. Kahit na mag panggap syang lalaki, ramdam ko na babae sya lalo na nung time na niyakap nya ako. Ramdam na ramdam ko yung dibdib nya, para bang nakikilala sya ng katawan ko pero hindi sya maalala ng isip ko. Kaya hindi ko nga magawang magalit dito nung niyakap nya ako. Hindi ko din maunawaan kung bakit ko hinimas ang ulo nya kanina, yun ang unang beses na ginawa ko yun. Hindi ko naman ginagawa yun kay Janna or kay Mom, ewan ko ba pero kusang gumalaw nalang ang kamay ko para i-comport sya. Yung mga mata nya, para bang kilalang kilala ako nito. Kung sakaling mag tagpo ulit ang landas naming dalawa, kahit mag ayos pang babae pa sya, tiyak kong makikilala ko sya. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang babaeng yun. Bakit pakiramdam ko ay malakas ang connection namin sa isat-isa. Kung parte ito ng nakaraan ko, gusto ko itong muling maalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD