Janna's Pov
*KINABUKASAN*
Hindi ako mapakali dahil sa nangyare kagabi, hindi ko alam na invited din pala sa event si Astrid. Mabuti nalang at nailayo ko kagad ang atensyon ni Theodore sa kanya, pero i'm sure na hindi makakaligtas si Theodore sa babaeng yun. Alam kong mag sisimula na itong alamin kung si Theodore at Kervin ba ay iisa. Hindi naman ako papayag na makuha nya sakin si Theodore.
Habang nag mamaneho ako papuntang office ay biglang nag ring ang phone ko, unknown number ito pero sinagot ko pa din.
"Sino to?" Agad na tanong ko dito.
"Yuan Fernandez, fiance ni Astrid Morgado." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. Malakas ang kutob ko na tungkol ito kay Kervin kaya ito tumawag sakin.
"At ano naman ang kailangan mo sakin?" Tanong ko dito.
"Kailangan natin mag usap sa personal, pwede ka bang makipag kita sakin ngayon?" Tanong nito sa kabilang linya. Kung makikipag tulungan ako kay Yuan, tiyak kong mapipigilan namin ang pag kikita ng dalawa lalo na ngayon at malapit na silang ikasal ni Astrid.
- Binigay nito ang location kung san kami mag kikita kaya naman doon na ako dumiretso. Nilapitan ko agad ito ng makita ko ito sa table nya.
"Maupo ka." Nakangiting saad nito sakin.
"Mukang importante ang sasabihin mo kaya nakipag kita ka sakin." Saad ko dito ng diretsohan.
"About Theodore Quevas, alam kong alam mo na si Kervin sya." Saad nito na nakatingin sa mga mata ko.
"At alam din yun ng fiance mo, kaya nga nakipag kita ka sakin diba?" Nakangising sagot ko dito.
"Malapit na ang kasal namin ni Astrid, apat na taon ko itong hinintay kaya ayukong masira lang ito dahil sa pag babalik ng Kervin na yan. Kaya kung pwede sana ay makipag tulungan ka sakin, ayaw mo din naman siguro na mawala sayo si Kervin diba?" Nakangiting saad nito sakin.
"Anong gusto mong mangyare?" Tanong ko dito.
"Mas mabuting ilayo mo nalang ulit si Kervin tulad ng dati. Magugulo nya lang ang isipan ni Astrid. Kung hindi nya na ulit makikita si Kervin, wala ng dahilan para hindi matuloy ang aming kasal." Saad nito.
"Mahirap ang pinapagawa mo Yuan lalo na ngayon at nakita na ni Astrid si Theodore. Gagawa at gagawa yan ng paraan para mag kita silang muli at makumpirma na si Kervin nga ito. Pero gagawin ko pa rin ang makakaya ko para hindi sila mag kita, at yun din ang gawin mo. Hanggat maari ay bantayan mo ang bawat kilos ng fiance mo. Hanggat hindi bumabalik ang alaala ni Kervin, hindi sya babalik kay Astrid." Saad ko dito.
"Kung ganun ay dapat na hindi na talaga ulit mag kita ang landas nilang dalawa." Saad nito kaya tumango nalang ako.
Pagkatapos naming mag usap ni Yuan ay dumiretso na ako ng opisina ni Theodore. Naabutan ko itong may kausap sa telepono, lumapit ako dito at hinalikan ito sa labi ng mabilis. After nyang makipag usap sa phone ay naupo ako sa lap nya.
"Sino yun babe, bakit parang ang saya-saya mo?" Malambing na tanong ko dito.
"Si Mr. Torres, pumayag na sya makipag collaborate sa company natin kaya naman nais nitong makipag kita bukas para sa contract signing." Masayang saad nito.
"Wow, congrats babe. Sabi na nga ba at mapapapayag mo din si Mr. Torres." Saad ko dito kaya naman inayos ko na ang papers para sa contract signing nila bukas. Dahil ako naman ang secretary nya, malalaman ko ang bawat kilos ni Theodore kung sino ang mga makakasalamuha nya at kung saang lokasyon. Hindi ako papayag na magkaroon sila ng communication ni Astrid.
**Astrid's Pov**
Kalalabas lang ni Lolo galing hospital, mas kailangan kong mag focus sa sitwasyon ni Lolo. Alam kong importante din yung mga nalaman ko tungkol kay Theodore Quevas na malaki ang chance na sya si Kervin. Pero mas kailangan ako ni Lolo ngayon, kaya hanggat maari ay dito muna ako sa tabi nya.
"Sorry apo." Saad ni Lolo habang hawak hawak nito ang kanang kamay ko. Nakasandal ito sa headboard ng kama nya habang nakatingin sakin.
"At para saan naman po yung pag hinge nyo ng sorry sakin?" Nakangiting tanong ko dito.
"Alam ko kasi na napipilitan ka lang na mag pakasal kay Yuan dahil sakin." Malungkot na saad nito.
"Hindi naman po sa napipilitan ako, choice ko po yun to make you happy. Kayo nalang po ang nag iisa kong kamag anak, gusto ko din po na mapasaya kayo." Saad ko dito sabay halik sa noo nya.
"Kung alam ko lang sana na nag mamahalan na kayo ni Kervin noon, hindi ko na sana sya ipinadala sa mission." Naiiyak na saad nito.
"Dahil sakin kung bakit sya na wala, dahil sakin kung bakit hanggang ngayon ay nag durusa ang pinakamamahal kong apo." Saad nito kaya agad kong pinunasan ang namumuong luha sa mata nito.
"Wala po kayong kasalanan Lolo, hindi po natin ginusto ang nangyare kay Kervin. Huwag po sana kayong mabibigla Lolo, pero kagabi po sa awarding night, malakas po ang kutob ko na si Kervin at si Mr Theodore Quevas ay iisa. Buhay po si Kervin Lolo, hindi po ako maaring mag kamali." Nakangiting saad ko dito.
"Totoo ba yan iha? Kung ganun ay gusto ko din sya makita, gusto ko syang makausap bago pa mahuli ang lahat. Gusto kong huminge ng tawad sa kanya, bukod dun ay nais kong bumawi sa inyong dalawa. Gusto kong ituwid lahat ng pag kakamali ko, kaya bago pa ako maputulan ng hininga ay mabigyan ko manlang kayo ng basbas. Gusto kong maging masaya ka sa piling ng lalaking tunay mong minamahal." Saad nito kaya naman naiyak na din ako at niyakap ito ng mahigpit.
"Ayos lang po sa inyo na hindi ko pakasalan si Yuan? Hindi po talaga kayo magagalit?" Tanong ko dito after itong yakapin.
"Ngayong nag balik na si Kervin, bakit pa kita ipag kakatiwala sa iba lalo na kung alam kong mas sasaya ka kay Kervin. Sundin mo ang nilalaman ng puso mo Apo, ang kasiyahan mo ang pinakang importante sakin." Saad nito at hinimas ang ulo ko.
"Thank you po Lolo, hayaan nyo po at ibabalik ko si Kervin dito sa mansion, pangako ko po yan." Saad ko dito at muli itong niyakap.
**Maxi's Pov**
Totoo nga ang hinala ni Miss Astrid na si Kervin at Theodore Quevas ay iisa lang. Nakakapag taka lang kung bakit tila hindi nya kilala si Miss Astrid, gayong napaka halaga nito sa kanya.
"Dude, bigtime na talaga si Kervin ngayon. Nakakuha na ako ang information about sa pagkatao nya ngayon. Sya ang nawawalang anak ni Donya Ermelyn Quevas, nakita sya nito 4 years ago. Yun yung araw na inakala natin na pat@y na sya. Napag alaman ko din na tumira sila sa US para sa pag papagamot, na wala daw kasi ang memory nito. Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi sya bumalik satin." Saad nito kaya agad naming pinuntahan si Miss Astrid para ipaalam ang mga nalaman namin.
"Wait lang Dude, may isa pa pala akong natuklasan. Si Janna, yung college classmate ni Kervin, sya ang girlfriend nito ngayon. Nakakapag taka lang, alam naman ni Janna ang nakaraan ni Kervin, pero bakit hindi nya ito pinag bigay alam satin." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. Malaki ang pag ka gusto ni Janna kay Kervin, na gawa nya siguro itong itago para ma solo si Kervin. Alam nya kasi na hindi sya kayang mahalin nito, dahil simula palang ay si Miss Astrid na ang nag mamay-ari ng puso nito. Napaka selfish nyang babae, kapag bumalik na ang alaala ni Kervin, tiyak kong babalik din ito samin.
"Miss Astrid, pwede ka ba naming makausap, about Kervin." Saad ko dito ng makasalubong namin ito sa living area.
"Sige, sa office nalang." Saad nito at dumiretso na kami ng office. Kwenento namin dito ang lahat ng nalalaman namin.
"Kaya naman pala ganun nalang ang reaksyon nya sakin, hindi nya pala ako naalala. Ngayong alam na natin na buhay si Kervin, ipapaalala natin sa kanya kung sino ba talaga sya. Hindi ako papayag na malason ng tuluyan ni Janna ang isip ni Kervin. Kung hindi ako maalala ni Kervin, siguro naman ay makikilala ako ng puso nya." Saad ko sa dalawa kaya ngumiti ang mga ito.
"Tiyak naming maalala ka ni Kervin Miss Astrid, buong buhay nya noon ay ikaw palagi ang inuuna nya. Kaya tiyak kaming makikilala ka ni Kervin." Nakangiting saad ni Estoy.
"Ano pang hinihintay mo Maxi, mag pa schedule kana ng meeting sa company nila." Excited na saad ni Miss Astrid kaya tumango ako dito at nag paalam na dito. Ngayon ko nalang ulit nakitang masaya si Miss Astrid after 4 years. Si Kervin lang talaga ang may kakayahan na pasayahin ito. Ayaw din naman namin mapunta si Miss Astrid sa Yuan na yun, kahit kelan ay hindi ko talaga nagustuhan ang lalaking yun para kay Miss Astrid. Alam kong may tinatago ito, sila ng Lolo nya, hindi ko lang talaga mahuli-huli kung ano yun dahil mas naka focus ako sa pag babantay kay Miss Astrid. Dahil simula ng ma wala si Kervin ay nakiusap sakin si Master Jacinto na huwag na huwag kong pababayaan si Astrid kahit na anong mangyare. Mabigat na tungkulin yun, kaya naman hindi ko alam kung paano ko ipag sasabay yung nararamdaman ko para kay Lyzel. Ngayong buhay pa si Kervin, kailangan naming maibalik na sa ayos ang lahat. Pag nangyare yun, mag kakaroon na ako ng oras kay Lyzel.