Chapter 18

1577 Words
Astrid's Pov **Awarding Night** "Napaka ganda nyo po Miss Astrid." Nakangiting bati ni Estoy sakin. Ngumiti naman ako ng malapad dito bago sumay ng kotse. Pupunta kami ngayon sa Awarding night, naka black fitted long gown ako at litaw na litaw ang maputing balat ko lalo na at kumikinang ang damit ko dahil sa tela nito na tila binudbudan ng glitters. "Tiyak kong si Miss Astrid ang pinakang maganda sa Awarding Night." Dagdag naman ni Maxi. "Kayong dalawa talaga, kahit kelan ay napaka bolero nyo." Saad ko sa kanila at nag simula ng mag maneho si Estoy. Hindi naman mawala yung ngiti ko sa labi, ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may magandang mangyayare ngayong gabi. Habang nasa byahe kami ay naka received ako ng text message mula kay Yuan. Sa entrance nalang daw kami ng event mag kita, sya kasi ang partner ko. Pag dating namin ng venue ay sinalubong agad kami ni Yuan, pag baba ko ng kotse ay nag beso agad ito sakin. Sa pag lalakad namin sa red carpet ay sunod sunod ang pag flash ng mga camera samin kaya naman todo ngiti nalang ako. Ito ang unang beses na makakatanggap ako ng award galing sa Best of the Best Ceo in the Philippines. Para naman talaga ito kay Lolo, nag kataon lang na ako na ang namamahala sa company dahil may iniinda ng karamdaman si Lolo. Pag pasok namin ng venue ay napakadami ng bisita, 30 minutes nalang ay mag sisimula na din naman ang event. May ilan ilan na nakikipag kamay sakin, yung iba ay nag papakilala sakin dahil hindi ko naman sila kilala pero kilala nila ako. May mga nangangamusta kay Lolo, kilalang kilala talaga si Lolo pag dating sa larangan ng negosyo. "Babe, punta lang ako ng banyo." Paalam ko kay Yuan at tumango naman ito. Paalis palang ako ng table namin ng lumapit si Maxi sakin. "Mag babanyo lang ako, hindi nyo na ko kailangan pang samahan." Saad ko dito kaya bumalik na ito sa pwesto nya. Nag tanong tanong muna ako sa staff ng hotel kung saan ang cr dahil sa totoo lang ay napakalaki ng facility nila. Nang marating ko ang banyo ay nag bawas na muna ako ng tubig sa aking katawan. Sa sobrang haba kasi ng byahe ay napuno na agad ang pantog ko. After kong umihi ay nag retouch na din ako, nang makontento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng banyo. Habang nag lalakad ako pa balik ng venue ay may napansin akong lalaking nag lalakad. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakad na naman ng t***k nito. Hindi ko alam kung bakit, tila pamilyar din ang lalaking ito sakin. Bago ito lumiko ay nanglaki ang mata ko ng makita ang half face nito. "K-Kervin?" Nauutal na tawag ko dito. Nag madali akong sundan ito, pero pag dating ko sa pinasukan nito ay bulwagan na ang event kaya napakarami ng tao. Hindi ko alam kung san ko sya hahanapin, pero sigurado ako sa nakita ko si Kervin talaga yun. "Babe!" Tawag ni Yuan sakin. Medyo na shock ako ng hilahin nito ang braso ko kaya bumalik na ako sa ulirat ko. "May nangyare ba? Bakit muka kang nakakita ng multo?" Pag aalalang tanong nito sakin at pinunasan ang noo ko ng panyo nya na galing sa bulsa. Baka nga multo lang yung nakita ko, bakit napapadalas na at ang pag paparamdam ni Kervin sakin. Galit ba sya sakin dahil mag papakasal na ako kay Yuan? Maya-maya pa ay nag salita na ang Mc dahil mag sisimula na ang event. Bumalik na kami ni Yuan sa table namin, habang nag sasalita yung Mc ay lutang pa din ako dahil sa nangyare kanina. "Babe, Babe!" Tawag ni Yuan sakin. "Huh?" Wala sa sariling sagot ko dito. Napansin ko ang mga katabing table namin na nakangiting nakatingin samin habang nag papalakpakan. "Tinawag kana para sa awarding." Nakangiting saad ni Yuan sakin. Talagang wala na sa event ang ulirat ko. Tumayo ako at tumungo na sa stage para tanggapin ang award ko. Nag bigay lang ako ng maikling pasasalamat at nag pa picture. Pababa na ako ng stage ng tawagin ang sunod na makakatanggap ng award. "The Ceo of Quevas Group Of Company, congratulation Mr. Theodore Quevas." Bumalik na ako sa table ko. Hindi ko naman pinalampas ang pag kakataon na makita ang sikat na si Mr. Quevas. Kinuha ko pa ang cp ko para picturan ito sa stage, pag akyat nito sa stage ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig. "K-kervin?" Tawag ko dito, hindi ko napansin na napatayo na ako. Yung luha ko bigla nalang tumulo. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon. Sa loob ng apat na taon inakala namin na pat@y kana, tapos heto ka ngayon at nakatayo sa harapan namin at buhay na buhay. "Babe!"Tawag ni Yuan sakin. Hindi ko na kaya pang tumayo nalang dito, kailangan ko syang makausap, kailangan nyang malaman na nandito ako. Pababa na ito ng stage kaya naman nag abang na ako sa baba. Gustong gusto ko na syang yakapin, sobrang miss na miss ko na si Kervin. Nag tama ang paningin naming dalawa, ngumiti ito ng malapad sakin. Lalapitan ko na sana ito ng biglang may babaeng lumapit sa kanya, nanggaling ito salikuran ko. Bigla sya nitong niyakap at hinalikan. "Miss Astrid, okey ka lang?" Pag aalalang tanong ni Maxi sakin. Agad ako nitong inalalayan, pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng lakad ko. "Si Kervin yun diba?" Naiiyak na tanong ko kay Maxi. "Hindi po kami sigurado, pero kamukang kamuka nya si Kervin." Saad ni Maxi at inalalayan na ako nito paalis. "Babe ano bang nangyayare sayo!?" Inis na tanong ni Yuan sakin habang nakasunod sila ni Estoy samin ni Maxi. Palabas na kami ng venue. "Buhay si Kervin, hindi ako pwedeng magkamali Yuan. Si Kervin yun, pero bakit hindi nya ako nakikilala?" Naiiyak na saad ko dito. "Matagal ng wala si Kervin, tigil tigilan mo na ang kakapantasya sa kanya dahil malapit na tayong ikasal. At kung si Kervin yun, bakit hindi ka nya nilapitan? Ibang tao yun Astrid, si Theodore Quevas yun hindi si Kervin!" Inis na saad nito sakin. "Hindi ako pwedeng mag kamali, kilala ko si Kervin kahit nakatalikod pa ito sakin. Bakit ba hindi kayo naniniwala sakin?!" Inis na saad ko dito. "Bahala ka na nga dyan!" Sigaw ni Yuan at iniwan na kami nito. "Tahan na Miss Astrid, ipa-ubaya nyo na samin ni Maxi ang tungkol dito. Mag iimbistiga kami tungkol sa pag katao ng Theodore Quevas na yan. Sa ngayon po ay mas mabuti pang umuwi na tayo para makapag pahinga na po kayo." Saad ni Estoy kaya kinuha na nito ang sasakyan. "Anong sa tingin mo Maxi, si Kervin yun diba? Matagal ang pinag samahan nyo, kaya dapat kilalang kilala mo sya. Nag bago man ang pangalan nya, ang pananamit nya, pero ang muka nya ay ganun pa din. Nandun pa din yung maitiitim nyang mga mata. Hindi ako pwedeng mag kamali Maxi, kilalang kilala sya ng puso ko kaya malakas ang kutob ko na si Kervin yun." Saad ko dito. Hindi ito nakaimik, tila malalim din ang iniisip nito. Habang nasa byahe kami ay naka tanggap ako ng tawag mula sa mansion. "Miss Astrid, ang Lolo nyo po!" Saad ng personal nurse ni Lolo na si Anita. "What happened to my Lolo?" Pag aalalang tanong ko dito. Sa tono ng pananalita nito ay tila may hindi magandang nangyare sa kanya. "Papunta na po kami ngayon ng hospital, bigla nalang pong nahimatay si Don Jacinto." Saad nito kaya naman sinabi ko kay Estoy na sa hospital na ang diretso. Mahina na ang katawan ni Lolo, wala na yung tikas ng pangangatawan nya. Nakaupo nalang ito sa wheelchair nya, wala naman itong malubhang sakit, ang sabi ng doctor ay dala nalang daw ito ng katandaan. Pero kung tutuusin ay dapat malakad pa ito, pero habang tumatagal ay lalo itong nanghihina. **Theodore's Pov** Ito ang unang araw na mag papakita ako sa publiko, kasama ko si Janica at Mom. Ito ang unang pag kilala sakin kaya nais kong nasa tabi ko sila sa special na araw na to. Bago ako tawagin sa stage ay naunang parangalan ang Morgado Group of Company. Hindi ko mashadong nakita yung muka nung Ceo dahil kay Janna. Pero pamilyar sakin ang pangalan nito. Nang ako na ang tinawag sa stage, natulala ako ng mapansin ang isang napakagandang babae. Titig na titig ito sakin, iba yung mga tingin nya sakin. Para bang kilalang kilala nya ako kaya nginitian ko din ito. Bigla naman akong sinalubong ni Janna ng mahigpit na yakap at halik. Hindi naman ito ganito lalo na sa public, pero bigla nalang syang naging showy. Dahil sa daming bumabati at nag papa-picture sakin ay nawala na sa paningin ko yung babae. Ewan ko ba pero parang kilalang kilala ko sya. "Are you alright Son?" Pag aalalang tanong ni Mom sakin. Napansin ko ang kanang kamay ko na nakahawak sa dibdib ko. Napakalas ng t***k ng puso ko, ngayon ko lang ito naramdaman after 4 years. "Yes Mom." Nakangiting sagot ko dito. "Hindi ka ba pamilyar sa pangalang Astrid Morgado?" Tanong ni Mom sakin kaya napakunot ang noo ko. "Bakit nyo naman po yun naitanong?" Tanong ko dito. "Dahil sa tuwing natutulog ka ay madalas mong binabanggit ang pangalang Astrid." Saad nito kaya muling pumasok sa isip ko ang muka nung babae kanila. Sino nga ba si Astrid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD