Chapter 17

1568 Words
Maxi's Pov "Wait Lyzel, can we talk?" Tanong ko dito bago ito sumakay ng kotse nya. Inabangan ko talaga sya dito sa parking lot ng company para makausap. "Sorry Maxi, pero may meeting pa ako sa client ko." Saad nito sakin at akmang sasakay na ng kotse nya ng muli ko syang pigilan. "Please, kahit limang minuto lang." Pag mamakaawa ko dito. "Sige, make sure na hindi yan lalampas ng limang minuto." Saad nito sabay tingin sa relo nyang suot. I took a deep breath bago simulan ang mga nais kong sabihin dito. "Sorry for everything, sa lahat ng pang i-ignore ko sa lahat ng effort mo since day 1. Natatakot lang ako dahil baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo para sakin. You are too young for me, baka dala lang kasi ng curiosity mo yung nararamdaman mo for me kaya ayukong sakyan ang gusto mo dahil ayukong masaktan lang natin ang isat'isa. Bukod dun, marami pa akong side na hindi mo alam. Baka bigla mo nalang akong katakutan or kamuhian." Paliwanag ko dito. Napaka bata pa ni Lyzel para sakin, bukod dun ay wala naman akong maipag mamalaki sa kanya dahil isang gangster lang ako. Ngayong wala na ang Elite Gang, hindi na ako matatakot para sa taong nais kong makasama. "Na gangster ka?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ko. "P-paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko dito. "Matagal na, ganun kita ka gusto noon Maxi kaya inalam ko lahat ng tungkol sayo. Tinanggap ko yun ng buong-buo, wala akong paki alam sa istado ng buhay mo or sa kahit na anong issue meron ka . Basta ang alam ko lang noon ay mahal kita, pero sinayang mo lang ang lahat ng yun. Pasenya na Maxi, pero pagod na ako sayo." Saad nito na syang ikinadurog ng puso ko. "Please Lyzel, give me a second chance. I will prove to you na nag bago na ako, na kaya ko ng ipag laban ang nararamdaman ko para sayo. So please Lyzel, give me another chance." Pag mamakaawa ko dito. "I need to go, sorry Maxi." Saad nito. Wala na akong choice kundi gawin ito. Binuhat ko ito na parang bagong kasal at isinakay sa kotse ko. "Let go of me, baliw kana Maxi!" Sigaw nito sakin at pinag hahampas ako sa dibdib. "Matagal na talaga akong baliw Lyzel dahil hinayaan kong lumayo ka sakin. Ngayon ay sobra na akong nag sisisi, kaya naman hayaan mong bumawi ako sayo. This time ako naman, ipapaita ko sayo na tama ka ng lalaking minahal noon." Saad ko dito sabay kindat ngunit tiningnan lang ako nito ng masama. "San mo ba ko balak dalhin, huh Maxi? Kidnapping na tong ginagawa mo sakin!" Sigaw nito pero hindi na ito sobrang galit di katulad kanina. "Sa parents ko, ipapakilala na kita." Nakangiting saad ko at sinimulan na ang pag mamaneho. "What??!!" Bulyaw nito sakin. Sunod na ginawa nito ay kinuha ang kanyang bag at nilabas ang kanyang maliit na salamin at tiningnan ang kanyang itsura. Napangiti nalang ako sa inasta nito, alam kong nandyan pa din ako sa puso nya. Salamat nalang at hindi nya pa ako napapalitan, hindi pa huli ang lahat para samin. ***Janna's Pov*** Papasok na kami ni Theodore sa shop ni Lorraine Smith ng mapansin ko ang kausap nitong babae. Hindi ako pwedeng mag kamali, si Astrid yun. Hindi sila pwedeng mag kita ni Theodore, hindi nya pwedeng malaman na buhay si Kervin. "Babe, pwede bang bukas nalang tayo tumuloy?" Saad ko dito ng pigilan ito sa pag pasok sa loob. Nilagay ko ang isang kamay ko sa ulo ko na tila nahihilo, sana lang ay mapaniwala ko dito. "Are you alright?" Pag aalalang tanong nito. "Bigla nalang akong nakaramdam ng pag kahilo, i think hindi ko na kaya. Sorry babe, pwede bang ipag pa bukas nalang natin to? Next week pa naman ang awarding, bukas nalang siguro tayo bumalik." Saad ko dito at pumayag naman ito. Inalalayan na ako nito pabalik ng sasakyan, pa simply ko namang tiningnan si Astrid. Balita ko ay ikakasal na ito, mas pabor ito sakin. Dapat maikasal na muna sya bago muling mag kita ang landas nila ni Kervin. Pag dating namin ng condo ko ay hinatid na ako nito diretso sa kama ko. "Mag pahinga kana muna, kailangan mo ding alagaan ang sarili ko hindi yung puro ako nalang ang inaalala mo." Saad nito at kinumutan ako. "Obligasyon ko yun bilang girlfriend mo, at di ako mapapagod na alagaan ka." Saad ko dito. "Thanks Janna for staying by my side, hayaan mo at babawi ako sayo." Saad nito at hinalikan ang noo ko. Unti-unti ko ng nakukuha ang loob ni Theodore, maayos na ang lahat kaya naman hindi ako papayag na masira lang ni Astrid ang mga plano ko. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at hinalikan, sa wakas ay unti-unti ng nag bubunga ang lahat ng pinag hirapan ko. **Astrid's Pov** Napatingin ako sa labas ng shop, napakunot ang noo ko ng mapansin ang lalaking nag lalakad paalis. Tila pamilyar ito sakin, biglang lumakas ang t***k ng puso ko sa di malamang dahilan. Naramdaman ko na ito before at si Kervin lang ang nakakagawa nito sakin. "Excuse lang guys." Paalam ko kay Miss Loraine at Yuan. Dali-dali kong sinundan yung lalaki na may kasamang babae ngunit pag labas ko ay nakaalis na ang sasakyan ng mga ito. Napahawak ako sa dibdib ko, maaring namalikmata lang ako. Hindi si Kervin ang lalaking yun, matagal ng wala si Kervin at ako nalang ang umaasa na buhay sya. "May problema ba babe?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Yuan kaya humarap ako dito at nginitian ito. "Wala, may nakita lang ako, akala ko ay kakilala ko." Saad ko dito at niyaya na itong bumalik sa loob. Nababaliw na talaga ako, bakit hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din sya. Malapit na akong ikasal kaya naman dapat burahin ko na sya sa isip ko. - Nang makapili na ako ng wedding gown ko nag paalam na kami ni Yuan sa isat isa dahil parehas pa kaming may pupuntahan nito. Mag aalasingko palang naman kaya naisipan kong dumaan sa puntod ni Kervin. Simula ng mag karoon ng pormal na libing dito ay ngayon palang ulit ako bibisita dito. Siguro ito na ang time para harapin ko ang katotohanan na wala na talaga sya, ito na yung tamang panahon para palayain ko sya. Pag dating ko sa puntod nito ay ipinatong ko agad yung dala kong flowers dito. Napaluha nalang ako ng makita ang picture nito. " Apat na taon na Kervin, apat na taon ng nag luluksa ang puso ko. Sa pag kamat@y mo, para na ding namat@y ang puso ko. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapunta dito, siguro ito na din ang huli. Gusto ko lang pormal na mag paalam sayo na ikakasal na ako." Saad ko dito na para bang nakikipag usap lang sa buhay. I wipe my tears ng tuluyan na itong tumulo. Sariwang sariwa pa din yung sakit ng pag kawala nya. Sobrang hirap tanggapin pero ito yung katotohanan, wala na talaga ang lalaking pinakamamahal ko. "Mahal na mahal kita Kervin, sana sa muli nating pag kikita maunawaan at mapatawad mo ko. At sa araw na yun, wala ng makapag hihiwalay pa satin. Sa ngayon ay hanggang dito nalang tayo, hinding hindi ka mawawala sa puso ko." Saad ko dito at kinuha ang picture frame nito kasunod ang pag halik sa larawan nito. "Paalam Mahal kong Kervin." Saad ko bago umalis sa puntod nito. - Pabalik na ako ng company, habang nag mamaneho ako ay may nakasalubong akong puting kotse. Tila namalikmata na naman ako dahil sa muka ng lalaking nag mamaneho nito. "Sh#t!" Saad ko ng mag ilaw ang stop light. "Ano bang nangyayare sayo Astrid, gumising ka nga!" Saad ko sa sarili ko at sinampal sampal ang sarili. Bakit ba nakikita ko si Kervin na tila buhay na buhay, minumulto nya ba ako dahil mag papakasal ako sa iba? Kung mumultuhin nya lang din naman ako, bakit hindi yung harap harapan na para makausap ko sya ng maayos. Bukod dun ay nais ko syang mayakap sa huling pag kakataon at masabi kung gaano ko sya kamahal. Hindi yung ganito na para syang hangin na mag papakita pero biglang mawawala sa paningin ko. "Hangang sa huli ay nais mo pa ding pahirapan ang kalooban ko. Sorry Kervin, hindi ko matutupad ang pangako ko sayo na ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko. Sana ay maging mapayapa na ang kaluluwa mo." Muling saad ko at huminga ng malalim. - Pag dating ko ng office ko ay naka tanggap ako ng message mula kay Maxi. Hindi na daw ito makakabalik ng office dahil nag karoon sya ng emergency. Hindi nya alam na nakapag report na si Lyzel sakin na magkasama sila ngayon. Sa wakas ay nagising na din sa katotohanan si Maxi, masaya ako para sa kanilang dalawa. Nahanap na nila ang tunay na pag-ibig kahit na marami silang pinag daanan na dalawa, sa huli ay sila pa rin talaga. Nakakainggit lang dahil parehas nilang mahal ang isat isa. Samantalang ako, malapit ng ikasal ngunit hanggang ngayon ay nakatali pa din ang puso sa lalaking nasa langit na. Please Kervin, tulungan mo naman akong kalimutan ka. Napakadaya mo, bakit mo ko iniwan sa ere, sana sinama mo nalang ako hindi yung ganito. Sobrang hirap na hirap na ang damdamin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD