Buti naman at tumila na rin ang ulan. Saglit siyang lumingap-lingap sa paligid. Kailangan niyang ma-familiarized ang lugar pati na rin ang daan. Mahirap na baka siya'y mawala.
Tumawid siya sa kabilang kalsada kasama ang ilang tao sa pedestrian lane, pagkatapos ay naghanap siya ng department store. Nagbasa-basa siya sa mga nakasabit na karatula, pero malas wala atang grocery store. Puros mga restaurant, coffee shop at ilang mga private offices.
Wala siyang nagawa kundi ang maglakad pa ng malayo hanggang sa umabot siya sa isang sikat na mall. She looked back to where she passed, straight lang naman, kaya okay lang kahit malayo ay makakauwi parin siya, sa isip-isip niya.
Pumasok siya sa loob, malawak at maganda ang lugar. Naaliw tuloy siya at na isipan ang mamasyal. Hindi naman sa ignorante siya sa mga ganitong lugar, it's just that, konti lang ang kaniyang oras para maglibot at mamasyal dati, noong nag-aaral pa siya. Buong buhay at halos lahat ng oras niya ay iginugod niya sa hacienda.
Somehow, lahat ng problema at sakit ang nararamdaman niya ay pansamantala niyang makakalimutan.
----
"Fvck!" Mahinang mura ni Tristan. Tinungga niya ang lahat ng whiskey sa kaniyang baso. Nasa bar siya ngayon ni Gwynette at wala pa doon ang dalaga.
"Gusto niyo po ba ng pagkain, Sir?" Tanong ng isang bar tender na maagang nag-report ng araw na 'yun.
"No. I'm good." Seryoso niyang sagot. He doesn't need anything at this moment. All he wants is to punch the face of Eduard. "Tsk! Anong oras ba darating si Gwynette?" Nasa boses niya ang poagka-irita.
"Hindi po namin alam, Sir." Magalang na sagot ng janitor. "Ang sabi po ni Ma'am Gwyn, sabihin raw po namin sa inyo na hintayin lamang siya."
"Alright. Doon muna ako sa loob ng opisina niya. I badly need to sleep, tsaka 'wag niyo akong istorbohin." Padabog niyang nilapag ang baso sa counter at walang lingon ay tinalikuran niya ang dalawang empleyado ng kaniyang kasintahan.
----
"Ang sarap..." Usal ni Nadia habang kinakain ang pastang inorder niya. Nagutom kasi siya sa kakalibot ng lugar. Sa isang italian restaurant siya pumasok, hindi pa kasi siya nakakatikim ng italian dishes.
"Si Tristan kaya? Kumain na kayo siya?" Sa isip-isip niya. Nasaan na kaya iyon? Nalungkot siya sa isiping iba ang kasama ng asawa niya, imbes na siya. Kung sana ay katulad din silang dalawa ni Tristan sa mga ordinary couples. 'Yun bang masaya at in love sa isa't isa.
In love? Teka... In love nga ba siya sa asawa? Kaya ba siya nasasaktan ng labis-labis? Kaya ba ganito ang nararamdaman niya?
"Here's your iced tea, Ma'am." Nakangiting sabi ng waitress. Napapitlag siya at umayos ng upo. "Thank you." She answered. Tinanguan naman siya nito bago iwan. Hays... Basta ba kay Tristan, lumilipad ang kaniyang utak kung saan. Pilit niyang iniwaksi ang asawa sa kaniyang isipan.
She slowly took a sip from her glass of iced tea while her eyes are fixed the store outside. Isa iyong shop ng mga imoported cameras.
"Matagal-tagal na rin pala akong hindi nag-shu-shoot ng mga pictures..." Anas niya sa sarili. "Might as well take a good look at those cameras..." Napangiti siya.
After she finished her food, agad siyang lumabas para puntahan ang tindahan kung saan nagbebenta ng mga mamahalaing camera.
"Good afternoon Ma'am!" The sales attendant greeted her. "Good afternoon." Ganti niya. Afternoon na pala? Agad niyang sinilip ang relos na pambisig. Tsk! Alas tres na pala.
"What can I help you with, Ma'am?"
"Ahm... Titingin lang sana ako ng mga cameras." Ngumiti siya at sinulyapan ang mga naka-display na cameras sa estante.
"I can show you some of our cameras." Presinta nito at nagpatiunang maglakad.
Sumunod naman siya sa likuran nito.
Nakahanay ang ilang models ng Canon cameras, mayroon rin ng Sony, Nikon, Pentax, Leica, Panoscan, Seitz, at ang pinakamahal sa lahat, ang model ng Hassleblad, na abot hanggang fourty-five thousand dollars. Kung i-convert sa philippine money ay abot hanggang 2.1 million pesos.
"Ang gaganda naman, kaso ang mahal..." Napangiwi siya at alanganing ngumiti sa sales attendant.
"May mura din naman, Ma'am." Nginitian rin siya nito. "Kung gusto niyo, pwede ko pong ipakita sa inyo."
"Huwag na muna... Baka kasi ano... Kulang ang pera ko." Nahihiya niyang sabi. "But I'm willing to buy one. It's just that, gusto ko munang mag-canvas."
"Ah ganun po ba?" Ngumiti parin ito, "anyways Ma'am. You can come and visit again, if you already made up your mind."
"Sige, mauuna na ako." Paalam niya sa babae. Napabuntong hininga na lamang siya, nakakasakal ang mga presyo ng camera.
"Ay! Yung grocery ko pala..." Tsk! Naalala niya kung ano talaga ang ipinunta niya rito.
Agad siyang dumiretso sa grocery department at bumili. Subalit dahil sa mahaba ang pila sa cashier ay natagalan siyang pumila.
----
"Hmm..." Ungol ni Tristan nang maramdaman niyang may humahalik sa kaniyang mukha papunta sa kaniyang leeg. He opened his eyes and there he saw Gywnette flashing a sweet smile at him.
"Hello sleepy head! Wake up! It's already late para magsiesta." Anito. "Aga-aga mo pa raw uminom ha." She crossed her arms at kunwari ay galit ito sa kaniya.
"I'm sorry..." He sigh, "I was just forced to have some shots." Bumangon siya sa pagkakahiga sa maliit na couch.
"So how did it go?" Tanong ni Gwynette. Throwing her handbag on top of table at sat over Tristan's lap.
"I'm really not in the mood." Umiwas siya nang tangkain siyang halikan ng dalaga.
"Why? Anong problema?" Kumunot ang makinis nitong noo.
"I was just fvcking pissed of by that bastard."
"Who?"
"Tinanong mo pa? Eh yung lawyer na ni-refer mo." He slightly pushed her away from him.
"So? Bakit? Ano ba ang suggestion niya?"
"He said, kailangan kong makipagkaibigan sa babaeng 'yun. Kailangan kong kunin ang loob niya, maybe in that two years of time ibibigay ni Nadia ang mana ko. He can't do anything to revise the testament. That b*tch has all the power to do that."
"Yun lang naman pala ang problema mo," pumamewang ito sa harapan niya.
"What?! 'Yun lang?!" Asik niya, "are you listening to what your saying?"
"Yes, of course." Ngumisi ito, "simpleng bagay lang 'yun Tristan. Mahirap bang makipagkaibigan sa asawa mo? I mean, hello! What are you afraid mo? It's your chance to get her trust and get your father's inheritance." Palatak nito.
"I don't know..." Inirapan niya ang dalaga. Kung kanina ay na iinis siya sa abugado, ngayon nama'y si Gwynette. She's really getting into his nerves.
"Oh come on hon! Easy lang naman 'yan. You're not just good in bed. Alam kong makakaya mo 'yan. Think about it. In two years time, you will get rid of your wife." Engganyo ng dalaga sa kaniya. "You'll just have to be good to your wife. Madali lang 'yan. Why not...ahm..."
"Gwyn... Ganun ba talaga kadali ang lahat?"
"Oh honey..." Inayos nito ang kwelyo ng suot niyang polo. "It's like eating peanuts. Come on... Just be friends with Nadia. Don't tell, baka naman natatakot kang mahulog ang loob mo sa kaniya." Pinaningkitan siya nito ng mata.
"Tsk! Mahulog? I can't even stand a minute with her tapos ngayon sinasabi mong takot ako na baka mahulog ang loob ko sa kaniya." He chuckled mockingly.
"Good then. Wala naman palang magiging problema!"
----
"Tsk!" Napapikit ng mariin si Nadia nang makalabas siya sa mall. Mukhang mali ata ang kaniyang nalabasang exit. This is the third time na naglabas masok siya sa mall pero mali parin ang daan kung saan siya lumabas.
Nangangalay na ang kaniyang braso sa dala niyang grocery bags. May kabigatan pa naman. Nakalimutan din niyang itanong kay Tristan kung ano ang complete address nito.
Dagdag pang madilim na rin sa labas at tanging mga headlights lang ng mga sasakyan at streetlights ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kung sana minadali niya ang pamamasyal hindi sana siya gabihin at lalung-lalo na hindi siya mawawala.
At sa lahat ng kamalasan sa mundo ay bumuhos na naman ulit ang ulan.
Nagsitakbuhan ang ilang tao papasok sa loob ng naturang mall, ang iba nama'y nagmamadaling makasakay ng pauwi.
Siya kaya?
Papaano siya makakauwi?
"Lord, bakit ngayon pa?" Tumingala siya sa madilim na kalangitan. "I'm tired, hungry and... Lost..." Gusto niyang maiyak sa kapalpakan niya.
"You know what? I can't believe that girls like your age still gets lost." Isang boses ng lalake ang nagsalita sa kaniyang tabi.
Lumingon siya sa lalakeng nagsalita, bahagya pa siyang tumingala dahil sa katangkaran nito. Isang lalakeng nakaputing longsleeves na tinupi ang manggas hanggang siko. May hawak itong payong at nakasalamin pang mata.
"I heard you talking." Ngumiti ito sa kaniya. "You said, you're tired, you're hungry and you're lost."
"I... I'm sorry..." Nga-iwas siya ng tingin. "I-i don't talk to strangers." Akma sana siyang maglakad palayo rito.
"I'm Eduard." Narinig niyang sabi nito. Napatigil naman siyang sa paglakad. "Eduard Legaspi. Siguro naman Miss, hindi na ako stranger, since nagpakilala naman ako ng maayos."