Disiocho

1741 Words
"K-kailan pala natin aasikasuhin ang papels na sinasabi mo?" Ninenerbiyos na tanong ni Nadia sa asawa nang magising ito. Umalis na pala si Gwynette, hindi man lang nito hinintay magising si Tristan, o mas madaling sabihin hindi niya alam kung anong pinag-usapanng mga ito kagabi. Maayos naman ito nagpaalam sa kaniya, pero sh*t lang nagawa pa talaga nitong magpaalam sa kaniya. "I'll tell you later, may lakad pa ako this day." Malagana nitong tugon. Sinundan niya lamang ito ng tingin papunta sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig. "H-hindi ba ako sa-sasama?" Muli niyang tanong. Tumigil ito sa pagsalin ng tubig. "Alangan namang sumama ka? I told you, may lakad ako. Ibig sabihin, lakad ko lang." He snorted. "Tanga, hindi nakakaintindi." Napayuko na lamang siya, napahiya siya sa sarili nang sabihan siya nitong 'tanga'. Hindi na pala pwedeng magtanong ngayon? Bawal na pala? "Pasensiya na..." Sabi na lamang niya. "Well, don't you just stand there." Anito sa kaniya, "it's morning already, dapat nagluluto ka na! Do your wife duty." "Ah oo! Magluluto na sana ako." "Eh 'di magluto ka na!" Nilapag nito ang baso, "jeez! Do I need to tell you things that you need to do? Oh god! Women!" He said in annoyance and passed through her. Sinundan na lamng niya ng tingin ang asawa. Bakit ba ganun kabigat ang dugo nito sa kaniya? Pinahid niya ang isang butil ng luha na kumawala sa kaniyang mata at nagbuga ng hangin. Sinimulan niyang halungkatin ang fridge ng binata at cabinet nito. Mabuti na lang at may instant noodles pa itong naka-stock, tatlong piraso ng itlog at isang pack ng sweet ham. Na isipan niyang maghanap mamaya ng malapit na grocery store, para bumili ng pagkain. Hindi na lamang niya sasabihin kay Tristan, o manghingi ng pera. Baka kung ano na naman ang isipin nito at insultuhin na naman siya ng mga nakakasakit na salita. Pagkatapos niyang magluto ay nagsalin siya ng kape sa dalawang mug mula sa coffee maker. Sinilip niya ang pintuan ng silid ni Tristan. Nakasarado ito. Bagamat ay natatakot man ay pinuntuhan parin niya ito para tawagin. Saktong pag-angat niya ng kamay para kumatok ay siya ring pagbukas ng ng pinto. Natigilan naman ito sa paglabas. "Nakahanda na ang mesa..." Mahina niyang usal na hindi man lang umangat ng tingin sa asawa. "Kumain ka na," narinig niyang sabi nito, "I need to go!" At saka pa niya ito tinignan. Nakapaligo na ito, at nakabihis. Hindi niya maiwasan ang mapatitig dito. Bakit ba ganito? Kahit na sinasaktan na nito ang kalooban niya ay hindi niya ma-explica kung anong klaseng nararamdaman niya pagkaharap ito. Dagdag pang nanunuot ang gamit nitong pabango na lalakeng-lalake ang dating. "H-hindi ka man lang ba kakain?" Nilabanan niya ang nerbiyos pero nagawa parin niyang magtanong kahit na uutal pa siya, at kahit pa alam niyang wala naman siyang makukuhang matinong sagot mula dito. Sumilip ito sa bandang dining area, "sige, I'll just have that mug of coffee." Mabuti naman at hindi nito tinanggihan kahit kape man lang. Nagtungo ito sa mesa habang siya nama'y nakasunod sa likuran nito. Kinuha nito ang mug ng kape at inamuy-amoy pa iyon bago dinala sa mga labi at dahan-dahang sinimsim ang laman. "Don't wait for me to come home tonight," sabi nitong nakatalikod sa kaniya. She bit her lips in dismayed. Dinala lang ba siya dito ni Tristan para sa wala? Bakit hindi ito uuwi? At saan ito pupunta. "I'm staying at Gwynette's place tonight." Pumihit ito paharap sa kaniya at may kinapa mula sa bulsa, "here, take this. Buy yourself something to eat." Pera iyon. Tinitigan niya ang three thousand bills sa palad ng asawa bago nilipat ang mata sa mukha nito. "Hindi na," gusto sana niyang isantinig. Pero kinuha na lamang niya iyon para wala ng isyu. Para wala na silang away ni Tristan. Nakakalungkot pero on the other hand, sinusubukan na lamang niyang aluin ang sarili na somehow may pakialam ang asawa sa kaniya. That Tristan do care. "Ingat ka..." She whispered as she's staring at the closed door, kung saan kani-kanina lang lumabas ang kaniyang asawa. Ang kaniyang asawa na hindi uuwi ngayong gabi para lang makasama ang totoong kasintahan at ang babaeng totoong iniibig nito. --- "Good morning! I'm here to see Atty. Eduard Legaspi." Sabi ni Tristan sa sekretarya. "May appointment po ba kayo sa kaniya Sir?" "Yeah. Tristan dela Vega." "Sige Sir, for a while Sir." Anito pagkatapos ay nagmaniobra sa desktop nito at makalipas ang ilang segungo ay nagsalita ito. "Sige po Mr. Dela Vega. You can now go inside." Ngumiti ito sa kaniya. "Thank you," tinanguan niya ito at sineyasan na siya'y papasok na sa loob. "Good morning Mr. Dela Vega." Isang matangkad na lalake ang sumalubong sa kaniya na kaedaran niya lamang. "I was expecting you earlier." Anito. "I'm sorry ngayon lang ako nakarating," he apologized and took the man's hand. "It's raining dogs and cats outside, plus the heavy traffic." "It's okay. Have a seat." "Thank you." Umupo siya sa bakanteng silya sa harap ng mesa nito. Ganun din ang lalake, bumalik ito sa lamesa nito at umayos ng upo. "So... Miss Gwynette called. What can I help you?" Diretsang tanong nito. Isa rin kasi si Gwynette sa mga kliyente nito. "Ah yes," mabilis niyang sagot. Handling down a long brown envelope on the lawyer's table. "I have some issues with my father's last will and testament. You knowwhat, I just have to be straight with you." He wryly said. "Go on, I'm listening." Anang abugado. "You see, I am forced to marry my father's adopted daughter. On the contrary she's not legally adopted, apelyido parin naman niya ang gamit niya. So it made everything to be easy. I married her because of his condition, I can only get my inheritance if I marry her. No annulment is allowed or else everything written in this fvcking testament will just go in to void. Everything my father owns will fall in her hands. Now, I am seeking legal advices, since I really did marry her, not a fake one. I want this to be revised, I want to get what's rightfully mine and leave her unattached to me without a single penny." "That's rude..." Napailing ng ulo ang batanmg abogado. "Excuse me?" Tumaas ang isang kilay ni Tristan, "I'm your client here." He firmly said. "Pardon." Eduard smiled, "na isip ko lang na... Siguro mabait 'yang babaeng napangasawa mo. Maybe your father wanted someone who will take care of you, someone who he really can rely on." "Really?" Napantastikuhan si Tristan sa sinabi ng abugado. "I don't think so. She's my father's whore." "I see..." Napatango-tango na lamng ito. "Will please give me a few minutes to read these documents." "Sure, take all the time you need." ---- Pagkatapos ni Nadia ang maligo at magbihi ay na isipan niyang tawagin sina Miyang at Aling Pet. Kinumusta niya ang dalawa at tuwang-tuwa ang mga ito nang marinig ang kaniyang boses. "Hindi ka ba inaaway ni Tristan?" Paniguro ni Aling Pet. "Hindi naman po. Mabait naman po siya kahit suplado." Pagsisinungaling niya, "sa katunayan nga po binigyan niya ako ng pera para mamasyal at maglibang." "Bakit ikaw lang? Siya pala? Hindi ka ba sasamhan?" "Ay may ano po... May kakausapin pa raw po kasi siyang taiwanes na gustong bumili ng mga mangga, gawing dried mangos for export." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Ang dami na niyang kwentong iniimbento. "Ah ganun ba? Buti naman at nagkakasundo kaya kahit papaano..." Batid niya sa boses ng ginang na nag-aalala ito para sa kaniya. Tumingala siya sa kisame, pinipigilan ang sarili na huwag umiyak. "Basta ha, 'yung bilin namin ni Miyang. Magsumbong ka sa amin kung inaaway ka ng asawa mo. Tawagan mo kami lagi ha, anak." "O-opo, Aling Pet." Pumiyok ang kaniyang boses. "Umiiyak ka ba?" "Hindi po." Kaila niya, "sige na po. Hinihintay na ako ni Tristan sa ibaba. Ihahatid niya ako sa mall." "O siya, mag-iingat ka lagi at huwag kalimutan ang magdasal." "Opo..." "Ba-bye na." "Ba-bye..." Pinahid niya ang kaniyang luha, ang hirap talaga magsinungaling sa mga taong mahal mo at mahal ka rin ng totoo. Ang mga taong totoong nagmamalasakit sa 'yo. Pero sige lang... Kapit lang. Nang mahimasmasan siya ay nagpasya na siyang bumaba. Kinuha niya ang crad key ng condo ni Tristan at inilagay sa loob ng kaniyang bag. Ibibili niya ng groceries ang ibinigay na pera sa kaniya ng asawa. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar, kaya iiwasan niya ang lumayo baka kasi siya'y mawala. Wala pa naman siyang numero ng asawa. Nakakatawa, asawa niya pero hindi niya kasama, kahit number man lang hindi rin niya alam. Pero gaya nga ng sabi niya kapit lang... Baka... Malay isang araw... Maayos din ang lahat kung anuman ang hindi maganda sa pagitan nilang dalawa. Balang araw lahat ng maling iniisip ni Tristan ay ma-re-realized din nito. ---- "Hmmm... Mahirap nga ito..." Anang batang abugado. Nakatutok parin ang mga mata nito sa hawak na papeles. "So, meaning wala kang magagawa?" Kunot-noong tanong ni Tristan. "Hindi naman sa wala akong magagawa." Nilapag nito ang papel at pinasiklop ang mga daliri sa kamay. "May nakalagay palang dalawang taon ang sa ibaba. Meaning you just have to live with it for two years or... If you change your mind pwede naman until forever hindi ba?" "Atty. Legaspi, narito bilang isang client mo. I need legal advices not love advices." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa harap. Tumawa naman ang abugado. "Sinasabi ko lang naman... Don't take it seriously if you really don't have feeling for your wife. Ang masasabi ko lang is, dapat mong tratuhin ng mabuti ang wife mo." Agad namang nag-react si Tristan, tumaas ang kaniyang mga kilay. "Let me finish it first." Sumeryoso ang mukha ng abugado. "Parte ito sa legal advice ko. If you really want to change your father's last will, dapat ayusin mo ang trato sa asawa mo. Kailangan mong kunin ang loob niya, be friends with her. Mahaba na ang dalawang taon, kahit pa nga umabot pwede mong i-kumbinsi ang asawa mo to give you back all your inheritance. Limpio mano pa." "In short?" "In short, dapat nga sinusuyo mo siya dahil nakasalalay ang lahat ng mana mo sa kamay ng asawa mo." Ngumiti ito, "are we clear now?" Hindi siya makasagot. "I guess it's a yes then? Bumalik ka na lang if okay na sa inyo ang lahat. You both can talk it over." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD