Quinse

1531 Words
"ANO?!" Magkapanabay na sabi nina Miyang at Aling Pet. Nakayuko lamang si Nadia habang tumatango. "Sigurado ka na ba anak?" Umupo si Aliing Pet sa kaniyang tabi habang si Miyang naman ay nakangangang nakatingin lamang sa kaniya. "Wala na bang ibang paraan?" Umiling siya. "Bakit ba kasdi ganiyan pa ang na isipan ni Don Lorenzo?!" Mangiyak-ngiyak na sabi ng ginang. "Hindi bale Aling Pet," ngumiti siya ng mapait, "siguro ito na talaga ang swerte ko, at kung ito man ang kabayaran ng lahat ng ginawa ni Papa, ay gagawin ko. Kung hiniling niyang huwag kong iwan si Tristan ay gagawin ko..." "Pero anak..." "Okay lang Aling Pet. Wala namang impossible hindi ba?" She tried consuling herself. "Matutunan siguro namin mahalin ni Tristan ang isa't isa hindi ba?" "Mahal?!" Biglang sumingit si Miyang sa usapan, "e ang sama nga ng ugali nun!" "Miyang!" Pinanlakihan ito ng mata ni Aling Pet. Napahagulhol na lamang si Nadia sa kandungan ng ginang. Ang sakit, sakit ng kaniyang puso habang inaalala ang mga sinabi ni Tristan sa kaniya. -oOo- "I really don't want to marry my father's whore." Tristan wryly said infront of her face. w***e? Siya? Umawang ang kaniyang labi para magsalita pero bago pa man niya iyon gawin ay agad siya nitong binara. "You don't have to say anything." He smirked, "alam ko na ang sasabihin mo. Huwag ka nang mag-abala pa, hindi ako bumibili ng mumurahing kuwento galing isang babaeng tulad mo." Pakiramdam ni Nadia ay hindi siya makahinga, ni makapagsalita ay hindi niya magawa. Para bang may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan pati puso niya ay parang pinipiga. "I'm too tired to argue bullshit things with you. Matutlog na ako," anito sa kaniya at nilagpasan siya, pero bago pa man pumasok sa malaking main door ng bahay ay saglit itong tumigil. "We're getting married two weeks from now, and I'm taking what's rightfully mine, at hindi ka kasali dun." Nanggilid ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi, subalit na natili siyang nakatayo at hindi humarap sa binata. "Asawa lang kita sa papel, pero wala kang karapatan sa ari-arian ng mga dela Vega." -oOo- It's been two since last silang nag-usap ni Tristan, at ngayon? Ngayon lang naman ang araw ng kanilang kasal. Ewan ba niya kung paano hinanda, hindi naman kasi sila nag-uusap ng binata, o sabay nilang plinano ang kanilang kasal. Pero heto... Nasa harap siya ng malaking salamin ng kaniyang dresser habang inaayusan siya ni Aling Pet at Miyang. Mas pinili niya ang dalawang babae ang mag-ayos sa kaniya kaysa sa kumukha pa siya ng beautician. "Ngumiti ka naman anak," sinilip siya sa salamin ni Aling Pet, "parang hindi mo kasal..." "Burol niya ika mo Aling Pet!" Palatak ni Miyang. Tinapunan lamang ito ng matalim na tingin ng ginang para manahimik. "Ayan... Ang gandang bride naman ni Nadia ko!" Pilit siyang pinapasaya ng ginang. Sa huling parte ay ikinabit na nito ang puting bulalak sa nakapusod niyang buhok kasabay ng belo. "Ikakasal na talaga ng anak ko..." Mangiyak-ngiyak nitong dagdag habang pinapahid ang luha. Si Aling Pet rin kasi ang tumulong sa pag-aalaga sa kaniya nung bata pa siya. Walang anumang salita ang lumabas sa kaniyang labi bagkus ay isang mahigpit na mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa ginang. No words can ever be expressed how much thankful she is to the old lady. "Sayang wala si Salvador," sabi ni Miyang na nasa kaniyang likuran, "wala man lang magsasabi ng 'itigil ang kasal'" biro nito. "Miyang talaga..." Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid ang luha. Oo, alam niyang may espesiyal na pagtingin sa kaniya si Salvador, pero ni katiting na pagmamahal ay hindi niya ito masuklian. "Sana andito siya sa araw ng kasal ko..." Malungkot niyang sabi. "Hindi mo naman kasi sinulatan..." Wika ni Aling Pet. "Hindi ko ata kayang sabihin sa kaniya..." Malungkot niyang saad. Ayaw niyang saktan ang damdamin ni Salvador, naalala niya pa ang araw na nagpalaam itong bumalik sa kampo. Sinabi nito na sana sa pagbalik nito ay may kasagutan na si Nadia kung pwede na ba siya nitong ligawan. Subalit malabo na mangyari ang lahat ng iyon... Dahil ikakasal na siya kay Tristan ngayong araw... ---- Dahan-dahan siyang bumaba sa malaking hagdanan ng mansion dela Vega. Si Aling Pet at Miyang ang nakaalalay sa kaniyang likuran. Mahigpit niyang hinawakan ang bouquet, tila ba doon kumukuha ng lakas papunta sa kaniyang mapapangasawa. Samantalang napakaguwapo ni Tristan habang nakatayo sa ibaba, hinihintay siya. Lalakeng-lalake ang tindig at napakalinis nitong tignan na nakasuot sa tux nito. Bagong gupit rin, kahit pa ilang paso pa ang layo nila sa isa't isa ay na aamoy na niya ang pabango nitong panlalake. Hindi talaga maikakaila na isa itong matipunong lalake na kahit sinong Eba ay mapapalingon dito, not to mention ang ugali nito. Inilahad nito sa kamay sa kaniyang harapan nang makababa siya. Tinanggap naman niya iyon at sabay silang pumasok sa malaking library ng yumaong Don. Isang matandang lalake ang naroon na kasama si Atty. Eyas. Naroon rin si Tata Mario na siyang katulong niya sa paggawaan. Ito ang tatayong witness nila pati na rin si Aling Pet. "You're shaking," anas ni Tristan. Tumingala siya sa binata, hindi naman ito nakatingin sa kaniya, "takot kang maging asawa ko?" "H-hindi naman sa ganon..." Pabulong din niyang tugon. Nagbaba siya ng tingin. Hindi nga ba? "Huwag kang mag-alala ibibigay ko parin naman sa 'yo ang klaseng kasal na may mga bisita," anito. Bahagya siyang sumilip sa malaking bintana na gawa sa salamin. May mga tao doon sa labas at mga lamesang may mga bulaklak at pagkain. "S-salamat..." Aniya rito. Mga trabahador iyon ng hacienda kasama ang kani-kanilang pamilya. Pinaghandaan rin naman pala ni Tristan ang araw ng kanilang kasal. Somehow, lihim namang natutuwa ang kaniyang puso, alam niyang hindi ganoon kasama si Tristan. Fingers crossed. Narinig nila ang pagtikhim ni Atty. Eyas bago nagsalita. "Eto nga pala si Judge Eliseo Duke. Siya ang magpapakasal sa inyong dalawa." "Good morning po." Magalang na bati ni Nadia sa ginoo pero si Tristan ay nantiling tahimik sa kaniyang tabi at pormal ang mukha. "Simulan na natin ang seremonyas." Nakangiti nitong sabi. Tinaguan niya lamang ang lalake. ---- "Maraming salamat po at kayo'y narito para makisaya sa aming kasal ni Nadia," anunsiyo ni Tristan sa mga tao. Tuwang-tuwa naman ang mga tao, kita naman sa mga ngiti ng mga ito na sila'y masaya para sa bagong kasal. Kanina pa niya tinititigan ang gintong wedding ring sa kaniyang daliri. Kung maka-anunsiyo at kumilos si Tristan sa harapan ng mga tao ay parang totoo ang lahat. Like they are a happy newly wed. Hindi alam ng mga tao na ang lahat ng ito'y forced marriage lamang. Na surpresa nga lahat ng tao nang inanunsiyo ng binata na sila'y may relasyon at malapit na ring ikasal. Mayroon na tuwa, mayroon rin nagtaas ng kilay dahil wala pang isang buwan namatay si Don Lorenzo. Gayun pa man, sa huli, lahat ay naghangad na maging masaya silang dalawa. "Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Tata Mario habang hawak ang isang baso ng alak. "Mabuhay!" Masayang sigaw ng mga tao roon. Nginitian na lamang ni Nadia ang mga tao roon, makikisabay siya sa arteng ginagawa ni Tristan, kung iyon ang gusto nito. Inakbayan siya ng asawa. Asawa, oo asawa na talaga niya ito, pero gaya nga ng sabi nito sa papel lamang ang lahat, at yung salitang 'asawa', hihiramin lamang iyon nila pag may ibang tao sa paligid. ---- Alas dies na ng gabi ng matapos lahat ng kasiyahan. Sobrang bigat ang pakiramdam ni Nadia, na anytime ay babagsak na talaga para matulog. Nakainom siya ng kaunti pero hindi naman niya aakalain na madali pala siyang apektuhan ng alak. Hindi sana siya iinom kaso sapilitan siyang bigyan ng asawa kaya tinanggap na lamang niya iyon. Subalit nang akapasok siya sa loob ng kaniyang kwarto ay wala ni isa sa kaniyang gamit ang naroon. Malinis na malinis pati ang cobre kama ay inalis din. "Saan na ang mga gamit ko..." Nagtataka niyang bulong sa sarili. Napapikit pa siya at umiling-iling ng ulo, baka ng lasing lang siya at namamalikmata. Subalit pagdilat niya, ganun parin ang ayos. "Your things has been transfered to your new room," boses ni Tristan ang nasa kaniyang likuran. Lumingon siya rito at ang mga mata'y nagtatanong. "Kasal ka na sa akin, hindi ba't kung kasal magkasama sa iisang kuwarto?" She didn't move a single muscle, she was just staring at him. "Come on! Huwag ka nga umarteng parang inosente!" Tristan growled. Humakbang ito palapit sa kaniya na ikinaatras naman niya. Bawat hakbang nito palapit sa kaniya ay umaatras siya hanggang sa tuluyan nang napasandal ang kaniyang likuran sa malamig na dingding ng kaniyang silid. Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng nakakalokong ngisi. "I bet my father enjoyed fvcking you when he was still alive." Hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo. "You just pretend that you treat him like your father pero ang totoo you share your bed with him." "Ano ba ang pinagsasabi mo?!" Tumaas ang kaniyang boses. Hindi niya rin ma-control ang kaniyang emosiyon. Siguro dahil na rin sa espirito ng alak. "Huwag kang mag-alala Nadia, it's just a room, a part of the act, para sabihin ng iba na we're a happy in love couple!" "What?!" Nakakairita na ang mga pinagsasabi ni Tristan. "What I'm saying is," nilapit ito ang mukha nito sa kaniyang mukha. Sobrang lapit na nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga. "I don't fvck your kind, so you don't have to worry about sleeping next to me!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD