Disiseis

1660 Words
Ang sakit ng mga binitwang salita ni Tristan sa kaniya. Iyak lang ang tanging ginawa niya sa unang gabi ng kanilang kasal. Hindi din naman siya nito tinabihan sa pagtulog, ang alam niya umalis ito sa kalagitnaan ng gabi. Kung saan man ito pumunta ay hindi niya alam at wala rin siyang balak tanungin kung saan ito pupunta. Minabuti na lamang niya ang manahimik kaysa sa makarinig na naman ng masasakit ng salita galing dito. Bakit ba ang dumi at sobrang makitid ang isip ni Tristan? Na kahit anong paliwanag niya ay siya nito pinapakinggan. Hinihiling na lamang niya na sana dumating na ang dalawang taong kondisyon bago makuha na ng buo ni Tristan ang mana. Ibibigay naman niya lahat ng iyon, wala siyang balak kunin kahit piso sa mamanahin ng asawa. May sarili naman siyang kita mula sa ginagawa niyang mga sand art at ilang part time job niya noon sa photography. "Good morning!" Si Miyang ang una niyang na bungaran nang buksan niya ang pintuan ng kanilang silid ni Trsitan. "Teka!" Kumunot ang noo nito nang mapansin ang namamaga niyang mata, "umiyak ka ba? Inaway sa ba ni Lucing?!" "Lucing?" Hindi niya pinansin ang unang tanong. Sino naman kayang Lucing ang tinutukoy nito. "Si Lucing, as in si Lucifer. Asawa mo mo tanga!" Palatak nito. "Ah... Hindi..." Kaila niya, "na sobrahan lang ako sa alak kagabi kaya...nalungkot na naman kasi ako nang sumagip sa isip ko si Papa." Hindi siya sanay magsinungaling pero ngayon mukhang ito na ang simula. "Saan na ang asawa mo?" Sumilip-silip ito sa kaniyang kwarto kaya agad niyang isinara ang pinto. "Lumabas lang..." Kahit pa ang totoo ay hindi niya alam kung saan ito ngayon. "Ah!" Tumango-tango si Miyang, pero bahid parin sa mukha nito na hindi ito naniniwala. "Lika ka na, nasa ibaba na ang agahan." Anyaya nito sa kaniya. "Sa amin ka na lang sumabay kumain ni Aling Pet at Aling Rosita kaysa sa demonyito mong asawa." Sinabayan pa ito ng malutong na tawa. "Sinong demonyito?" Bungad sa likuran ni Miyang ay lumitaw si Tristan. "Ay demonyito! Ay este! Good morning senyorito!" Hindi magkandaugaga si Miyang sa kinatatayuan nito. "Ako ba ang demonyitong sinasabi mo?!" Nanigas ang panga nito at halos dumikit na ang mga kilay dahil sa sobrang pagkakunot ng noo. S Saan kaya ito nanggaling? Bukas ang tatlong botones ng suot nitong puting polo at nakasabit ang itim nitong blazer sa balikat. Mukhang kulang ito ng tulog kita naman sa mga mata nito, but nonetheless it didn't make him any less handsome. He's Tristan dela Vega for pete's sake! "Wala yun!" Agad namang depensa ni Nadia sa kaibigan, "nagkamali ka lang ng dinig." Alanganin siyang ngumiti sa asawa. "Pinirito! Tama! Sabi ni Miyang sabayan ko na raw silang kumain ng almusal dahil may piniritong itlog at daing. P-paborito ko 'yun!" "O-opo senyorito! Totoo po 'yun. May piniritong bacon, hotdog at ang dami pang piniritong chars-chars!" Segundo naman ni Miyang. Sana nga lang maniwala si Tristan sa kasinungalingang sinasabi nila. Pwede rin naman, sounds like naman ang pinirito sa demonyito. Haaaayyyssssttt! "Whatever! Umalis nga kayo sa daraanan!" Irap nito sa kanilang dalawa. "I'm going to take a shower, maghanda ka na rin pagkatapos mong kumain!" Binalingan siya nito. "S-saan tayo pupunta?" Nahihiyang tanong niya sa asawa. "Sa Manila, may aayusin lang tayong mga papeles dun." He Nonchalantly without even looking back. "P-pero..." Aangal sana siya pero pinagbagsakan silang dalawa ni Miyang ng pintuan. "...ang dami pang trabaho dito sa hacienda..." Patuloy niya habang nakatitig sa saradong pintuan nilang mag-asawa. "Tsk! Suplado! Ang sama talaga ng ugali ng asawa mo! Sana hindi ka na lang pumayag na magpakasal sa gagong 'yan! Sinolo mo na lang sana lahat ng mana at nang matauhan ang demonyitong 'yan!" Nanggigil na wika ni Miyang. "Miyang! Baka marinig ka 'nun!" Hinila na lamang niya ang kaibigan paalis sa lugar na iyon. Mahirap na at baka marinig sila at lumabas ito ng kuwarto. "Eh bakit ba?! Totoo naman ang sinasabi ko!" Ngumuso ito. "Kahit na... Gusto mo bang mas lalong lumala ang sitwasiyon?" "Sabagay..." Napahalukikip ito, "teka, saan naman raw kayo pupunta? At anong papeles ang mga sinasabi niya?" Usisag nito. "Hindi ko din alam." Napabuntong hininga siya. "Mamaya malalaman ko kung ano ang mga 'yun." "Paano na lang kung ipa-salvage ka?!" Over actin ng kaniyang kaibgan. Sabay silang pumasok sa malaking dining area ng bahay at umupo siya sa mahabang mahogany na mesa. "Anong salvage ang pinag-uusapan ninyong dalawa ha?" Sabi ni Aling Pet nang ilapag nito ang mga niluto sa lamesa. "Si Nadia po ipapa-salvage ni Tristan?" Walang prenong tugon ni Miyang. "Ano? Diyos ko po por santo!" Nanlaki ang mata ko. "Kahapon ka lang pinakasalan---" "Aling Pet naman! Naniniwala ka sa mga kalokohan ni Miyang." Natatawa niyang putol sa sinasabi ng ginang. "May gagawin lang raw po kami sa Maynila. Mga papeles siguro ng negosyo..." Hula niya, pero ang totoo hindi talaga niya alam kung anong klaseng papeles ang aasikasuhin nila. "Tsk! Akala ko kung ano na talaga... Ikaw talaga Miyang wala ka na talagang masabing matino!" Sermon ng ginang sa dalaga. "Kuro-kuro ko lang naman Aling Pet." Angil nito, "baka kako lang naman." "Kung anu-ano ang iniisip mo. Oo, alam kong masama ugali ni Tristan, pero hindi din naman siguro niya gagawin iyon. Naniniwala parin ako na may milagro, at malay ba natin darating ang araw at matutunan nilang mahalin ang isa't isa." Mahabang lintaya ng ginang. "Ay basta ako, hindi ako naniniwala na may forever si Nadia at Luci---ay este senyorito panget ang ugali." Kontra ni Miyang. "Team Salvador parin ako!" "Ayst! Ang damoing satsat ni Miyang! Kumakain ka na nga lanag at marami ka pang lalabhan na kurtina." Natawa na lamang siya at napailing ng ulo. Kahit kailang ang dalawang babae na 'to ay nagpapasaya sa kaniya kahit pa minsan ay sobrang lungkot na niya. ---- "Mabuti naman at bumalik ka na." Malamig na sabi ni Tristan sa kaniya nang pumasok siya sa loob ng kanilang silid. Kakatapos lang nitong maligo at nakasuot na ng pantalon at wala pang suot na pang-itaas. Hindi niya maiwasan ang mapatingin sa malapad nitong dibdib pababa sa tiyan nitong sumilaw na abs. Teka! Sumisilaw?! Napalunok siya. Hindi naman ito ang unang beses niya na makakita ng lalakeng naka-topless. Sa dinamidami ba naman ng trabahador nila sa hacienda, hindi ba? Pero kakaiba si Tristan eh. Wala sa oras napalunok siya ng laway. "Hoy! Kinakausap kita!" Boses ni Tristan ang pumukaw sa naglalabay niyang diwa. "A-e..." Ang sobrang lapit nito. Nasa harapan niya ang nakakalaway nitong katawan. "Ang sabi ko, pack your things! Aalis na tayo! Bingi ka ba?!" Asik nito sa kaniya. "Ah o-oo. S-sandali." Nagkandautal-utal niyang sagot sa asawa. "E-eto na... Mag-eempake na ako." Nilagpasan niya ito at agad hinanap ang travelling bag niya. Sinundan lamang siya ng tingin ni Tristan. Nagkandatalisod na lamang siya sa sobrang pagkakataranta. Ayaw niya kasi mapagalitan ng asawa. "Magdala ka ng damit na pangdalawang linggo." He wryly said and went on packing his things too. "O-oo..." Tango niya rito. Nagmistulan siyang robot na may remote control. Sa lahat ng utos ng asawa ay sinusunod niya. --- "Bilis ang bagal mo talagang maglakad!" Sigaw ni Tristan sa kaniya nang makababa ito sa salas. "Sandali lang." Tugon niya na medyo nahihirapan dahil sa bigat ng bag na dala. "Andiyan na ako..." Hila niya sa kaniyang tarveling bag. Ang damuho niyang asawa ay hindi man lang siya tinulungan. "Tulungan na kita anak," si Aling Pet ang sumalubong sa kaniya sa gitna ng hagdanan. "Salamat po, Aling Pet." Ngitian niya ang ginang. For sure ma-mi-miss niya ang mga tao dito, kahit dalawang linggo lang naman siyang mawawala. "Ang sama talaga ng ugali!" Bulong ni Miyang nang sabayan silang dalawa ni Aling Pet na ihatid siya papuntang garahe kung saan naroon naghihintay ang hindi maipintang mukha ni Tristan. "Hurry up! I need to catch someone! Nauubusan ako ng oras dahil sa 'yo!" Anito. "Pasensiya na..." Sabi na lamang niya habang ang dalawang kasama niya ay tahimik lang nakikinig habang tinutulungan siyang isakay ang kaniyang bag sa likuran. Nang sumakay ang asawa niya sa frontseat tsaka pa nagsalita si Miyang. "Eh kung hindi ba naman gago eh, sana tinutulungan mo si Miyang!" Nanggigili sa bulong nito. "Ssshh!" Sinaway na lamang ng ginang. "Hayaan mo na Miyang," aniya sa kaibigan, "Salamat po Aling Pet, babalik din ako agad pagkatapos namin asikasuhin ang mga papeles." Niyakap niya ang ginang. Gumanti rin naman ito ng mahigpit na yakap. "Sige anak, mag-iingat kayo dun." "At lalong-lalo na ikaw!" sumingit si Miyang. "Oo naman. Salamat ah!" "Ano ba?! Are coming or are you just gonna fvcking stay?!" Narinig nilang sigaw ni Tristan. Nauubusan na ito ng pasensiya sa kakahintay sa kanila. "A-andiyan na..." Aniya rito, "sige, aalis na kami..." Paalam niya sa dalawa. Tumango ang mga ito at nagpaalam na rin. --- Nakakabinging katamikan ang naghahari sa loob ng sasakyan. Sa passenger seat siya nakaupo, habang lihim na sumusulyap sa katabing asawa. Ang tahimik ni Tristan, alam naman niyang wala rin itong balak na siya'y kausapin. Nilaro-laro na lamang niya ang mga daliri at itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. Pinagkasyahan na lamang niyang libangin ang sarili sa magndang tanawing dinadaraanan nilang mag-asawa. Medyo malayu-layo na rin pala sila sa hacienda dela Vega, hindi tuloy niya maiwasan ang malungkot. Kasama nga niya ang asawa pero ramdam parin niya na nag-iisa parin siya. Ang dami niyang iniisip, mga bagay-bagay na malabong mangyari at mga posibilidad na pwedeng mangyari, hanggang sa tuluyan na siyang iginapos ng antok at siya'y nakatulog. --- Sinulyapan ni Tristan ang natutulog na asawa, napakapayapa ng pagtulog nito. He wondered what she was doing last night on their first night. He was so fvcking pissed off yesterday, nang hindi niya ma-contact ang fake judge na hinayr niya para i-officiate ang kanilang civil wedding ni Nadia. And worst was, dumating si Atty. Eyas to witness their wedding at may dala pa itong kaibigan na Judge. At dahil ilang oras nang late ang kanilang kasal, ay pumayag na lamang siya sa suggestion ni Atty. Eyas na si Judge Duke ang magpapakasal sa kanilang dalawa. So it means... Their wedding is not fake, but a legal one. Kaya mas lalo lamang dumagdag ang galit niya para kay Nadia. "This marriage will be a one heck of a ride, Nadia! One heck of a ride!" The back of his mind kept on screaming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD