Katorse

1421 Words
Nakasalumbaba si Nadia habang nakatingin sa malayo. Limang araw na siyang ganito, wala sa sarili, at limang araw na rin hindi pa bumabalik si Tristan. Hindi naman niya masisisi ito, dahil una sa lahat, Tristan hates her. And why in the world would he agree to marry her? It's all because of the fortune Don Lorenzo had left. Masakit man isipin, sapin lang siya... Kumbaga walang pagpipilian si Tristan sa mga choices, dahil sa ayaw at sa gusto ng binata sa pilitan itong set up na ibinigay sa kanilang dalawang. Pero, gaya nga ng sabi ni Attorney Eyas, siya ang pasa porte para makuha ng binata ang lahat ng ari-ariang iniwan ng ama nito dito. Wala rin naman siyang balak na kunin iyon o angkinin. Alam na alam naman niya sa simula't sapul na isa lamang siyang dakilang ampon, at hindi pa legal. Pero kahit legal pa, isasauli parin niya ng buo kung ano ang nararapat para dito. "Saan na kaya siya?" Bulong niya sa hangin. Hindi naman niya maiwasan ang mag-alala dito eh. Baka naman galit ito, o 'di kaya'y na aksidente at napuruhan, o 'di kaya nama'y nagpakamatay na ito dahil ayaw siya nitong pakasalan. "Diyos ko po! Huwag naman sana!" Napailing-iling siya ng ulo. Ano ba itong mga impossibleng pinag-iisip niya?! "Psst! Huy!" Napapitlad siya. Si Miyang pala. "Oh ikaw pala Miyang," umayos siya ng upo at kunwari ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa niyang sand art sa malaking fish bowl. "Iniisip mo siya noh?" Nakangusong sita nito sa kaniya. Sinulyapan niya ito at agad na nag-iwas ng mata. "H-hindi noh!" "Tsk tsk tsk! Nadia! Nadia!" Sinadya nitong ilapit ang mukha nito sa mukha niya para mas makita siya. "Hindi raw! Pero pulang-pula ang mukha!" Palatak nito, "kung alam ko lang, pero halata naman na gusto mo rin ata si Luciferito!" "A-ano ba pi-pinagsasabi mo?!" Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan at agad din nag-iwas, habang patuloy ang ginagawa. "Deny ka pa eh!" Anito, "eh nakikita ko naman paano mo titigan si Luciferitong 'yon!" "Guni-guni mo lang 'yun, Miyang!" "Guni-guni daw!" Ngumuso ito. "Teka nga bakit nandito ka?" Iniba niya ang usapan. "May kailangan ka ba?" "Oo, pinapatawag ka pala ni Aling Pet. Haler! Kakain na tayo ng tanghalian, pero andiyan ka pa at naglalaro ng buhangin mo!" Tumayo na ito at hinila ang isa niyang kamay. "Naglalaro ng buhangin ko?" Natatawa niyang tugon at nagpatianod nang hilain siya ng kaibigan papunta sa loob. "Hindi yan basta buhangin, sand art 'yan! Sand art!" "Ay whatever! Basta buhangin parin 'yan! Iba-iba nga lang ang kulay!" Inikutan siya ng mata ni Miyang. Natatawang inakbayan niya ito at sabay silang pumasok para kumain. --- "So, you already made up your mind?" Gwynette's lips curved a sweet smile. Kakagising lang nito, and she's naked under the sheets. "I guess you're really going back! Buti naman!" Nakatayo si Tristan sa harap ng dresser nito at nagbibihis. "Of course I'm going back!" Nagsuot ito ng t-shirt, "I can't let that b***h be happy and enjoy living with dad's riches." Gwynettes stood up, hindi alintana ang kahubdan nito. Anyway, sanay naman sila. "So you're gonna marry her?" "No!" He quickly answered with disgust in his voice, "mana ko lang ang kailangan ko." "Paano mo kukunin 'yun?" Tinaasan siya nito ng kilay. "A fake marriage!" Naglakad siya papuntang kama at umupo sa gilid nito para magsuot ng sapatos. "'Yan lang ang nasa isip ko ngayon, of course I can't marry my father's whore." "You're so rude," huimagikhik ang dalaga, "but I like your idea, pero paano pag nalaman nilang fake ang lahat?"" "They will never know. Pag na kuha kung ano ang akin, I will make her leave the hacienda!" Tumayo siya at lumapit sa dalaga. "So, we could be together..." She teasingly traced her figer around his lips. "Yes." "I'll wait for you to come back for me!" "I promise." Hinawakan niya sa batok ang dalaga as siniil ang mga labi nito ng halik. ---- "Nadia, gabi na. Hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni Aling Pet sa kaniya. Nasa labas siya ng bahay kung saan tinatapos niya ang kaniyang mga sand art. "Mauna na po kayo, Aling Pet. Tatapusin ko lang ang dalawa pang fish bowl." Malambing na tugon niya. "O sige, pagkatapos mo riyan pumasok ka na at magpahinga na rin. Ilang gabi mo na rin pinagpupuyat 'yang gawa mo." Anito. "Opo, ako na po ang bahala magsara ng pintuan." Pahabol niya sa ginang na papasok na ulit sa kusina. "Good night po!" "Good night din!" Narinig pa niyang sigaw ni Aling Pet. Napangiti na lamang siya at umiling-iling ng ulo. Sa mga araw na ito, kahit puno parin ng pagdadalamhati ang kaniyang puso, somehow ay napapasaya siya ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Tulad na lang ni Aling Pet at Miyang, nakaalalay sa kaniya, pati na rin ang lahat ng mga taong trabahador ng hacienda. Nakatanggap nga pala siya ng sulat galing kay Salvador. Pinapaabot nito ang pakikiramay sa kaniya at humingi ng paumanhin na hindi ito nakauwi para sa libing ni Don Lorenzo. Nasa Mindanao ito naka-assign ngayon, so far so good naman ang estado nito doon. Malamig ang hangin sa labas, pero wala namang lamok, kaya dito ang napili niyang spot para tapusin ang mga sand art niya. Bukod sa relaxed siya sa lugar ay nakakapag-concentrate din siya at nakakapag-isip ng mga klase-klaseng ideya. Subalit sa gitna ng kaniyang pagka-busy ay natigilan siya nang may marinig siyang ugong ng sasakyan papasok sa hacienda. Wala namang nakabantay sa labas ng gate, at kahit sino ay welcome pumasok doon. Wala namang ibang taong pumapasok sa malaki at malawak na front yard ng hacienda dela Vega, kundi sila-sila lang ng mga taong trabahador na naninirahan malapit lamang dito. Napatayo siya sa upuan, bahagya pa niyang tinakpan ang mukha gamit ang kaniyang isang kamay dahil sa sobrang liwanag ng headlights. Tumigil ang sasakyan sa harapan ng malaking bahay, at ganun na lang ang kabog ng kaniyang dibdib nang makilala ang nasa front seat. Pakiramdam niya lahat ng lamig na galing sa kaniyang talampakan ay umakyat papunta sa kaniyang ulo hanggang sa dulo ng kaniyang buhok. Ilang beses rin niyang kinurap-kurap ang mga mata, si Tristan! Bumalik na ito! "What the hell are you just staring at?!" Tristan growled at her. Napapitlag siya, hindi napansin na nakababa na pala ito sa sasakyan at ang lapit na ng binata sa kaniya. "Aren't you gonna welcome your future husband in?" "Ah..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa binata. Titig na titig siya sa mukha nito. He really looks handsome, gaya ng una niyang kita dito. He can catch any woman's attention, especially his deep expressive eyes, pero puno naman ng pagkasuplado. "B-buti naman at umuwi k-ka na..." She tried to sound casual before him. "But of course! This is 'MY' house, 'MY' place, 'My' property." Sinadya nitong i-emphasize ang salitang 'MY'. "Wala ba akong karapatan?" Tumaas ang gilid ng labi nito. "Ilang araw lang akong nawala, siguro iniisip mo na kung paano kunin ang lahat ng akin, and spend all the fortunes my father has left." "Tristan..." Anas niya sa pangalan nito. Ang sakit ng pinagsasabi nito, iniisip pa nga niya kung papaano ibigay ang lahat ng iniwang yaman sa binata pero ganito pa kadumi ang iniisip nito sa kaniya. "I have no intentions to partake anything that's yours... Sa iyo iyon Tristan wala akong balak na kunin 'yun sa 'yo." "You want me to believe that?" He sarcastically chuckled. "You know what, I had a rough week! And I don't want to buy any of your bullshit. Kung binilog mo ulo ng tatay ko, ako hindi!" "Maniwala ka naman oh... Gusto kong ayusin ang pagitan sa ating dalawa. I want to make things right..." Aniya sa binata. "Marry me then," seryoso nitong tugon ni Tristan, "that's the only way you can do to make things right." Umawang ang kaniyang mga labi. Oo nga pala, ang pakasalan siya ang kasagutan sa lahat. "Don't be flattered, it's not that I want to marry you." Alam naman niya 'yun eh. Hindi naman kailangan ulit-ulitin ito ni Tristan sa kaniyang pagmumukha. Mana! Dahil lang sa mana ang lahat ng ito. "I don't have a choice, Nadia, neither you are!" Na tagpuan na lamang niya ang sarili na marahang tumatango. If this is how she will repay Don Lorenzo's kindness, then so be it. Even though it means sacrificing her own life. Kung ano man ang buhay na naghihintay sa kaniya na kasama si Tristan, ay hindi niya alam. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD