Kinonvert ang dining area bilang meeting room/war room. Mga pinagdugtong-dugtong na mga mesa sa gitna na napapaligiran ng mga upuan. Nagkalat ang mga papeles--ledgers, record books binders at folders. Sa isang bahagi ay hilera ng mga computers at video monitors. Abala ang mga tao sa kani-kanilang mga gawain nang pumasok sina Andy, Jang-Mi at Colonel Laxamana.
"Tulad ng sinabi ko sa 'yo, kasama sa task force ang NBI," senyas ni Colonel kay Andy sa mga tao sa kuwarto, at tinuro pa ang iba, "National Defense...at Intelligence."
Tumango si Andy, at naisip niya, bagama't sagad na sa tao ang task force--mga dalubhasa sa kanilang mga field of expertise, ay kinailangan pa rin ang kanyang tulong. Anong klaseng misteryo ng kalawakan ang bumabalot ngayon sa kanyang bayan at hindi mabigyan kasagutan ng mga experto? Naramdaman niya ang kamay ng colonel sa kanyang balikat.
"So, ano kelangan mo, pare? San ka magstart?"
Nakita ni Andy ang tambak na mga papel.
"Statistics. Municipal records. Voters list. Birth and Death records. Communications records. Travel records," pagkuwenta ng private investigator.
May sinenyasan si Colonel na tao para lumapit.
"Francis!"
Lumapit ang payat at naka-salamin na sundalo na nagngangalang Corporal Francis Diazon. Siyang tipo na alam mong may pinag-aralan sa kanyang postura't dating. Isang nerd na sundalo.
"Sir!" pagsaludo ng corporal.
"You assist this person. Lahat ng kailangan niya," sabi ni Colonel Laxamana ukol kay Andy.
"Yes, sir!"
#
Makaraan ang maraming oras ng pananaliksik sa mga papeles, folders at ledgers ay namulikat ang mga binti ni Andy sa kakaupo. Naka-dalawang tasa na siya ng kape at kalahating kaha ng sigarilyo at ngayo'y nakaramdam na ng stress sa kanyang mga mata. Malimit niyang tanggalin ang kanyang antipara para himasin ang mga mata at nang tumingin siya sa malaking orasan na nakapako sa pader ay alas-sigko y medya na ng hapon.
Hinayaan muna siya ni Colonel Laxamana na magtrabaho at hindi inistorbo. Marami nang nabasa si Andy at sa pagaakalang matatapos na niyang mahalungkat ang lahat ng mga impormasyon ay dumating si Corporal Diazon dala-dala ang tambak pang mga folders at ledgers at ipinatong sa mesa. Si Andy ay halos matabunan na.
"Heto pa, sir," sabi ng corporal.
"Last na ba ito?" pagmulat ng mata ni Andy.
"Yes, sir."
"Salamat sa Diyos."
Inabot pa ng dalawang oras si Andy sa huling batch ng mga papeles--sa kanyang matinding pag-usisa, taking notes, cross checking at cross referencing. Nakitabi na si Jang-Mi para tumulong na i-organize ang mga ito. Sa paligid, tila hindi nagbago ang pagka-abala ng mga tao--ang mga kawani ng NBI, National Defense at Intelligence na nagsasaliksik ng mga impormasyon sa telepono, computers at internet. May big board sila kung saan may mga graphs and charts pa, at iba't-ibang listahan.
Maya-maya'y lumapit na si Colonel Laxamana para mangumusta.
"All good, pare?" tanong niya kay Andy. "Anong nakita mo?"
May nabuo naman na report si Andy sa kanyang pinagsama-samang data. Sinuot niyang antipara at binasa ang kanyang mga notes.
"Ayon sa report, maaaring nangyari ang insidente--ang a*******n o disappearance between 11 AM ng July 28 to 3 AM ng July 29."
"Yes, correct," pagsang-ayon ng colonel. "Yan ang timeline ng sightings ng mga ilaw sa kalangitan. Ang mga UFOs."
"UFOs? Aliens?" ulit ni Jang-Mi.
"Yes. Do you believe in aliens?"
"No. I have not seen alien," iling ng Koreana. "Only spirits."
Nabusisi na rin ni Andy ang mga litrato na prinovide sa kanya. May partikular na batch ng mga litrato ang hindi niya makuhanan ng saysay. Litrato ng simenteryo. Ng mga libingan na nagmukhang mga butas sa lupa.
"Anong mga ito?" tanong ni Andy at ipinakita ang mga litrato.
"Grave robbings," sagot ng colonel.
"Grave robbings?" nasa mukha ni Andy ang matinding pagtataka.
"Yes, I know," buntong-hininga ng colonel. "Isama mo pa 'yan sa mga kataka-takang mga pangyayari na hindi namin mabigyan pa ng explanasyon."
"Ito yung simenteryo sa likuran ng simbahan, hindi ba?"
"Oo."
"Kailan nangyari ito? Before o after ng insidente?"
Napaisip saglit si Colonel Laxamana.
"Hindi kami sure," iling niya. "Since, wala namang eyewitnesses na mapagtatanungan."
Tumango si Andy. Ngayo'y na-gets niya kung bakit "lost" ang mga NBI at iba pa. Dahil sa kawalan ng mga tao, ng mga eyewitnesses na maaring makuhanan ng impormasyon, ay literally nangangapa sila sa dilim.
"Gusto kong puntahan ito," mariing sabi ni Andy ukol sa simenteryo.
"Sure. I'll go with you," pag-agree ng colonel.
"I go, too!" bulalas ni Jang-Mi.
Tumingin sa kanila si Colonel Laxamana, sa mukha ng mga kausap niya'y maaaring may lead ang mga ito sa kaso. And the fact na sa puntong ito, ikanga ni colonel, I will try anything.
"Pero, late na. Bukas ng umaga tayo," sabi ni Colonel.
Tumango sina Andy at Jang-Mi.
#
Pasado alas-onse na nang tumayo si Andy sa kanyang kinauupuan para tumuloy sa kanyang kuwarto at matulog. Mas maaga lang ng kaunti na nagpaalam si Colonel Laxamana, at si Jang-Mi ay mga alas-diyes nang dapuan ng antok. May ilan pang mga kawal at imbestigador ang patuloy pa sa kanilang gawain, mga pawang night owls, at may sigla pa sila na naguusap.
Pagod man ay hindi pa agad nakatulog si Andy sa kakaisip sa mga bagay-bagay. Sa katunayan, ilang buwan na siyang binabagabag ng kung anong bagay na hindi niya maisplika. Marahil, dahilan na ng pagtanda, wari niya, at mga bagay na nasa kanyang kunsyensya. Isa na si Pauline at ang hindi magandang tinatakbo ng kanyang relasyon dito. Alam niyang hindi na niya maibabalik ang magandang samahan at pilit man niyang sabihin sa sarili na ganoon lang talaga ang daloy ng buhay, ay lubos niya itong ikinalulungkot. Ano pa ba ang gusto sa buhay ng isang matanda na tulad niya? Ano pa nga ba ang natitirang kasiyahan sa kanyang buhay? Tanging si Pauline na lamang.
Nakatitig siya sa kisame, sa anino ng bintana na gawa ng ilaw ng buwan.
At siya'y pumikit at nangarap na sana'y naging maganda ang tinakbo ng buhay niya.
NEXT CHAPTER: "Ang Simbahan"