Vaughan's cold and emotionless gaze was fixed in mine. Naglakad s'ya palapit sa amin ni Raven. Halos hindi ako makahinga habang hinihintay s'yang makalapit. Kahit ang ginagawang pagbati nina Triton at Euri kina Mr. and Mrs. Montecarlo ay hindi ko na nasundan dahil ang buong atensyon ko ay nasa kanya at sa mga tingin n’yang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Naglikot kaagad si Raven na malayo pa lang ay iniaabot na ang mga kamay kay Vaughan. “You okay now? Feeling better?” malambing na tanong ni Vaughan kay Raven habang inaabot n'ya ang anak ko. Sa pagkuha n'ya kay Raven ay halos mapadikit pa s'ya sa akin kaya muntik na akong mapapikit nang malanghap ang pamilyar na pamilyar na bango n'ya. “Yeah! I'm better now. I'm not sick anymore. Where have you been, anyway? I missed you!” rini

