KABANATA 31

1605 Words

Kabanata 31: Palingon-lingon ako kay Kian habang naglilinis, tahimik na siya sofa habang naglalaro ng learning toys niya. May iba't ibang shapes doon at ipapasok niya sa loob ng box sa saktong butas. Paulit-ulit, hanggang magsawa na siya. Minsan ay kumukunot pa ang noo niya kapag hindi naipapasok ang heart-shaped sa circle na butas. Hinilot ko ang aking batok. Nilingon ko naman si Sir Kevin na nasa kusina, talagang sinadya kong malayo kay Kian para kung gumawa man ng ingay ang bata ay hindi niya kaagad maririnig. Binuksan ko pa ang tv. Para akong nag-aalaga ng dalawang bata. Ang isa maingay, ang isa tulala. Tulala lang siya roon kahit dumating na ang breakfast niya galing sa room service kanina. Hindi ko alam kung ayaw niya ba akong nandito o ano, hindi naman niya ako pinansin kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD