Chapter 9

2799 Words
Ang utos ni Zavier, magpunta ‘ko sa VIP room pagbukas pa lang ng Pleasure Point. Kailangan kong manatili rito hanggang mag-umaga. Kaya naman gabi-gabi ay ito ang ginawa ko. Halos isang Linggo ko ring sinunod ang gusto niya lalo na’t bayad daw ang oras ko. Ayun nga lang, ang pinagtataka ko… wala man lang paramdam si Zavier. Kahit isang beses ay hindi siya nagpunta sa VIP room. Hindi na rin siya nagpupunta sa club. Akala ko may ipapadala man lang siyang tao o kahit isa sa mga bantay niya para balitaan ako tungkol sa kanya– pero wala. Talagang mag-isa lang ako gabi-gabi. Nagkukulong ako sa kwarto hanggang mag-umaga. Noong una ay sobrang kinakabahan at naninibago pa ‘ko lalo na’t hindi ko alam kung anong gagawin mag-isa. Hanggang sa unti-unti na lang akong nasanay, at umabot sa puntong hindi ko na inaabangan ang pagdating ni Zavier o ng kahit sino sa tuwing nagpupunta sa VIP room. Pagpasok ko sa kwarto, diretso tulog na ang ginagawa ko. Parang naging kwarto ko na tuloy ang VIP room na ito na sa pagkakaalam ko ay sobrang mahal. Hindi ko alam kung bakit nagtatapon ng pera si Zavier. At kung takang-taka ako sa mga nangyayari, ganuon din lalo ang mga kasamahan ko. Gusto nilang malaman kung anong ginagawa ko sa kwarto sa tuwing nagpupunta ako rito. Sinabi ko naman sa kanila ang totoo pero kung anu-anong kwento pa rin ang nagawa nila—isa na rito ang ideyang gumagawa raw ako ng malalaswang video para kay Zavier na ‘di ko masikmurang isipin. Noong una ay gusto ko pa sanang itama ang maling akala nila. Pero naisip kong wala rin namang mangyayari. Kaya hinayaan ko na lang sila. Isipin na nila kung anong gusto nilang isipin. Basta ang importante, alam ko kung anong totoo. Ngayong gabi, nagpunta na naman ako sa VIP room. Hindi tulad noon ay masaya akong nagpunta rito dahil inaantok ako ng sobra. Pagod din kasi ako dahil maghapon ba naman akong pinaglinis ng club. Sinusulit talaga ni Mang Lito ang bayad sa ‘kin. Naghahanda na sana akong matulog nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto. Awtomatiko akong tumayo. Inayos ko rin ang sarili habang malakas ang kabog ng dibdib. Akala ko kung sino na ito, pero si Mang Lito lang pala kaya nadismaya ako. Nakakainis pa nang makita ko ang kanyang mapang-asar na ngiti. Parang demonyo. “Sarap ng buhay mo rito ah,” komento niya na sobrang sarap barahin. Paano magiging masarap ang buhay ko sa club niya e para akong nasa impyerno? Ngunit imbes na sagutin siya, pinagdikit ko ang labi ko. Kung may bagay man akong natutunan sa ibang mga kasamahan ko na matagal na rito sa Pleasure Point, iyon ay ang pagtikom ng bibig kung walang magandang sasabihin. Oras kasi na magsalita ka, iisipin agad ng kausap mo na kinokontra mo siya kahit nagpapaliwanag ka lang naman – lalo na kung si Mang Lito o isa sa mga customers namin ito. Inayos ni Mang Lito ang pagkakasuot ng kanyang itim na suit na medyo gusot. Tumikhim siya bago seryosong nagsalita. “May VIP customer sa kabilang pinto. Nakita ka kanina. Ni-request ka.” Hinigit ko ang hininga ko dahil sa kanyang sinabi. Taliwas kasi ito sa bilin niya sa ‘kin noon. Ang sabi niya kasi gabi-gabi, dumiretso lang ako sa VIP room na ito at manatili rito hanggang mag-umaga. Noong tinanong ko siya kung anong gagawin ko rito, ang sabi niya wala. Bayad naman daw ang oras ko – may gawin man ako o wala. Pero mukhang nagbago na ang kanyang isip dahil may kinalaman ang pera. VIP customer kasi ang pinag-uusapan dito – kaya malamang ay Dolyar ang pinag-uusapan. “Doon ka ng mga ilang oras. Tapos balik ka ulit dito,” sabi pa ni Mang Lito. Sandali siyang huminto para tingnan ako mula ulo hanggang paa – animo nakikita akong nakahubad. Madalas niya itong gawin sa ‘kin araw-araw – kahit ano man ang suot ko. Kaya kinikilabutan ako ng sobra kapag nandyan siya. Pag-alis niya ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos kahit papaano. Kinailangan ko munang ihanda ang sarili ko dahil nabigla ako sa kanyang inutos. Sa tagal ko sa Pleasure Point, pagsasayaw lang sa ibabaw ng lamesa ang wild na nagawa ko. Ngayong pinapapunta ako ni Mang Lito sa ibang VIP room, hindi ko alam kung anong dapat kong asahan. Kabado man, alam kong dapat kong sundin si Mang Lito lalo na’t siya ang boss dito sa club. Kaya naman huminga ako ng malalim bago nag-aalangang lumabas sa kwarto. Dumiretso ako sa pintong sinasabi ni Mang Lito. Ngumiti muna ako katulad ng kabilin-bilinan ni Sasha bago kumatok dito. Pagbukas nga lang ng pinto ay agad naglaho ang ngiti sa labi ko. Paano’y inabutan ko ang isang foreigner na lalaki. Nakaupo siya sa couch, katabi ang isa sa mga kasamahan ko. Kasalukuyan niya itong hinahalikan sa bibig habang nakasabunot ang isang kamay sa buhok nito. Narinig ko pa ang pagsinghap nito na ‘di ko masabi kung nasasarapan ba o nasasaktan. Ngunit ang nagpalaglag ng puso ko ay ‘yong babaeng nakita kong nakasubsob ang mukha sa p*********i niya. Napayuko agad ako sa nasaksihan. Uminit ang buong mukha ko. Bumilis din ang paghinga ko. Alam ko namang may ganitong nangyayari sa palapag na ito pero ngayon ko lang kasi ito nasaksihan ng harap-harapan. “Finally. Something nuovo and exotic.” Narinig kong komento nung lalaki na palagay ko ay Italiano base sa kanyang pananalita. Boses pa lang niya ay kinikilabutan na ‘ko.s “Non ti preoccupare, I don't bite hard.” Hindi ko magawang itaas ang tingin ko sa takot na may ibang makita. Hindi rin ako makakilos. Kaya naman nang maramdaman ko ang paglapit sa ‘kin ng lalaking ito ay napirmi ako sa kinatatayuan ko. Nanginig ang buong sistema ko. Gamit ang kanyang hintuturo ay inangat niya ang ulo ko hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Sa sobrang tangkad niya ay halos mabali ang leeg ko. Amoy ko ang magkahalong alak at sigarilyo galing sa kanya. Malamlam ang mga mata niya at may pamumula – aakalaing nakadroga. “What… you want?” Nagawa kong magtanong kahit hirap sa Ingles. Pinapunta lang kasi ako ni Mang Lito, hindi ko alam kung anong inaasahan niyang gagawin ko para sa kanya. At dahil natahimik siya na para bang pinag-iisipan pa ang sagot sa tanong ko, naisip kong magbigay ng suhestyon. “Me… dancing?” Medyo ginalaw ko ang katawan ko kahit mukha akong tuod. Natawa naman siya. Hindi ko alam kung magandang senyales ba ito. “You like that? Yeah?” Hiyang-hiya ako habang sinusubukang igiling ang matigas kong katawan. Dito naman ako nahinto at napapikit dahil inilapit niya bigla ang kanyang sarili sa ‘kin – ‘yong bibig niya ay nasa bandang tainga ko. “Strip for me… donna.” Hindi ko alam kung sino ang donna na tinatawag niya o baka salitang Italian ito na ‘di ko maintindihan. Pero nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang maghubad ako sa harapan niya. Kaya naman para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dumoble ang kabog ng dibdib ko. Inakala kong magiging normal na gabi lang ito para sa ‘kin habang naghihintay sa pagbabalik ni Zavier sa club, pero nagkamali ako. Mukhang hanggang dito na lang ang kaya kong gawin para sa kanya. Umiling ako sa lalaking kaharap. “No. No stripping,” paulit-ulit kong sinabi habang umiiling, at pagkatapos ay dito ko siya tinalikuran. Balak ko nang umalis hindi lang sa VIP room na ito kung hindi maging sa trabaho ko sa Pleasure Point. Nakahanda na ‘kong tanggapin ang kapalaran ko sa kalsada. Ayon lang ay mukhang hindi ito madaling tanggapin para sa Italianong ito. Napasinghap ako nang hilahin niya ‘ko mula sa likod gamit ang isang bungkos ng buhok ko. Nagpumiglas ako kaya pinwersa niya ako pasandal sa malamig na pader kung saan ako nauntog ng malakas. “If you can't do it, lo farò io,” mala-demonyong saad nung lalaki. Nalaman ko lang ang ibig sabihin ng kanyang sinabi nang bigla niyang hinila pababa ang sleeve ng unipormeng suot ko! Narinig ko ang pagkapunit nito kasabay ng paglitaw ng bra ko! “Wala akong pambayad nito e,” nasabi ko na lang sa kawalan habang pilit na kumakawala sa kanya. Nahawakan na niya ang pribadong parte ko, habang hinahalikan ang leeg ko, nang magawa ko siyang maitulak papalayo. Nakatakbo ako papunta sa pinto. Ngunit mas mabilis siyang humarang dito. Tumingin ako sa bandang likod ko para sana humingi ng tulong. Kaya lang ay nadismaya ako nang makitang nag-iinuman lang ‘yong dalawang babaeng dapat ay kakampi ko. Para bang wala lang sa kanila ang nangyayari. Kaya naman lalo akong kinilabutan – ibig sabihin kasi ay normal na pangyayari lang dito sa club ang nararanasan ko ngayon. May sinasabi pa ‘yong lalaki na hindi ko maintindihan. Kaya sa inis ko dahil ayaw niyang umalis sa harapan ko ay ginamit ko ang madalas kong marinig kay Zavier na salita. “F*ck off!” sigaw ko. Dito ko nakitang nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya. Natigilan din ang mga kasama ko sa pag-uusap. Napalunok ako at sinubukang itawa ang sinabi. “What did you just say?” tanong niya sabay hakbang ng isa palapit sa ‘kin. Napaatras naman ako sa takot na saktan niya ‘ko. Humingi ako ng tawad pero parang ‘di niya ito narinig. Nakita ko ang pagtaas niya ng kamay sa ere, kaya rito ako napapikit ng mariin. Hindi ko nakita ang sunod na nangyari. Basta narinig ko ang pagsigaw ng mga kasama ko. Pagdilat ko ay may basag ng bote na sa sahig kung saan nakaplakda ‘yong Italiano. Pagkatapos ay may humaltak sa ‘kin palabas ng kwarto, nakita kong isa ito sa mga tauhan ni Zavier! Lalong bumilis at bumigat ang paghinga ko. Napakarami kong tanong pero bago ko pa masabi lahat ay basta na lang akong binalik nito sa VIP room na gabi-gabi kong pinupuntahan. “Teka! Ano ba kasing gagawin ko rito?” tanong ko at akmang lalabas ng kwarto para malaman ang sagot nang maramdaman kong ‘di lang ako nag-iisa ngayong gabi. “Who told you to leave this room?” Napalunok ako nang marinig ang malamig na boses ni Zavier. Hindi ako makapaniwalang siya na talaga ito kaya mabilis ko siyang hinarap. Naabutan ko naman siyang nakatalikod sa ‘kin, nakaharap sa pader ng kwarto. At dahil bintana ito sa loob at salamin sa labas, para bang lihim niyang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa club. Hindi ko alam kung kailan pa siya dumating pero ang mahalaga ay nandito na siya. Nang makumpirma kong si Zavier na nga talaga ito, imbes na sagutin siya ay tumakbo ako palapit sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay niyakap ko siya galing sa likuran. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil parang ngayon lang bumuhos ang takot ko sa nangyari kanina. Alam kong hindi tama ang ginagawa ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi siya lang ang matatakbuhan ko ngayon. “Saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang bumalik?!” magkasunod kong tanong habang panay ang paghikbi kahit wala akong karapatan. Kung tutuusin ay hindi naman talaga kami magkakilala. Kaya hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya, para bang ligtas ako. Siguro ay ilang minuto rin ang lumipas habang yakap ko si Zavier sa likod – habang umiiyak ako sa takot. Maya-maya, hinawakan niya ako sa magkabilang braso at dito inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Inasahan ko naman na ito kaya hindi na ako nagprotesta pa. Ako na mismo ang dumistansya nang harapin niya ‘ko sa wakas. Hindi ko naman siya matingnan ng diretso. Basta panay ang pagpunas ko sa mga mata at pisngi. Paniguradong masagwa na ang itsura ko dahil sa nagkalat na makeup. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin bago ko narinig ang pagtikhim ni Zavier. “I was away on business—f*ck it. I don't owe you any explanations.” Dito ako naglakas-loob mag-angat ng tingin sa kanya. “Bakit ka pa nagbayad ng mahal para magpunta ‘ko sa kwartong ‘to kung wala ka naman?” “I paid a bloody fortune for you to stay put in this room. And yet, where the hell did I just find you?” Kung makapagtanong siya ay para bang ginusto ko ang nangyari kanina. “Si Mang Lito ang nagpapunta sa ‘kin doon—” “Are you sure you didn't want it?” Hinawakan niya ‘ko bigla sa braso, habang ang mga mata niya’y nagpapakita ng kapangyarihan at pagiging dominante. “Perhaps you were bored. You're stuck in this room, all by yourself. Habang ang mga babae sa club na 'to, may iba’t ibang lalaking kasama gabi-gabi.” Nagtiim-bagang ako. Masaya akong makita si Zavier pero hindi ko gusto ang mga salitang binitawan niya. “Wala akong pake kung mag-isa lang ako rito – kung may iba’t ibang lalaki ang mga kasama ko.” Akmang magsasalita pa si Zavier nang unahan ko siya. “Ikaw lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagtitiis dito!” Halatang nagulat si Zavier, animo hindi niya inasahang kaya ko itong sabihin ng harap-harapan. “Oo. Alam kong hindi ka interesado sa ‘kin. Pero umaasa pa rin akong isang araw, baka magbago ang isip mo. Baka isang araw, makitaan mo rin ako ng halaga.” “You should have left this place when you were given the chance,” balik ni Zavier. Akala ko naman ay may epekto ang pagtatapat kong ito. Pero mukhang desidido talaga siyang mawala ako sa buhay niya. “Hindi ko na gustong balikan ang buhay ko bilang isang Marasubwa.” Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko. Paano’y parang biglang namutla si Zavier. Bahagya ring nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa ‘kin. At dapat sana’y tatanungin ko kung anong problema nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok dito si Mang Lito na kabado ang mukha. Paano’y nasa likod niya ngayon ang dalawang bantay ni Zavier. “Mr. Santiesteban! I thought your return was scheduled for tomorrow?” tanong ni Mang Lito na nagpasalubong ng kilay ko. May alam naman pala siya pero hindi niya ito sinasabi sa ‘kin. “I hope you didn't mind that I borrowed Maymay for an hour or two for my dear friend, Mr. Ricci.” Kinuyom ko ang dalawang palad ko sa narinig. Alam kong ‘di ako dapat magsalita pero balak ko na talagang umalis sa club kaya hindi ko na pinigilan pa ang sarili. “Hiniram? Muntik na ‘kong pagsamantalahan ng adik na ‘yon!” “That would be a privilege on your part. Baka malahian ka pa!” nakakasukang balik ni Mang Lito habang pinanlalakihan ako ng mga mata para tumigil. Akmang hahampasin ko naman siya nang marinig ko ang pagtawag ni Zavier sa pangalan ko. “Maymay.” Wala akong nagawa kung hindi tumabi kay Zavier. Pilit kong kinalma ang sarili. Ikinagulat ko naman ako mga sunod na nangyari. May inilabas na baril si Zavier. Itinutok niya ito kay Mang Lito. Parang tumakas ang kaluluwa ko sa katawan. “Do you want me to shoot him or not?” tanong ni Zavier na nagpalaglag ng panga ko. Mukhang hindi siya nagbibiro. Kahit may galit ako kay Mang Lito at ilang beses ko na siyang pinatay sa isip ko – alam ko naman kung ano ang tama at mali. Kaya umiling ako kay Zavier. “Hindi mo ‘yan kailangang gawin,” sabi ko pa. Paniguradong makukulong siya sa binabalak niyang gawin. “What’s the best thing I like in the rooms on this floor?” tanong ni Zavier. Pero hindi siya sa ‘kin nakatingin. Kay Mang Lito na nanginginig na ang mga tuhod ngayon. Pansin kong may bakas ng basa sa pagitan ng binti niya – para bang naihi na siya sa takot. Wala siyang takas dahil nasa likod lang niya ang mga tauhan ni Zavier. “The glass wall,” halos pumiyok si Mang Lito. Hindi ko inaalis ang tingin kay Zavier ngayon. Kaya nakita ko ang bahagya niyang pagyuko at pag-iling. “Wrong answer. It's soundproofing,” sabi niya. Napapikit ako ng mariin pagkarinig ng putok ng baril. Kasunod nito’y tunog ng pagbagsak ng katawan. Kinilabutan ako ng sobra. Nagimbal ang buong sistema ko. Hindi ko inasahang magagawa ito ni Zavier. “That’s the thing you should know about me. I don't listen. I kill,” sabi ni Zavier at dito niya ‘ko hinarap. Wala akong kahit anong awa o emosyong makikita sa mga mata niya. “Now tell me, do you still want me to buy you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD