Simula pa lang, alam ko nang hindi si Zavier ang taong gugustuhing makasama ng sinuman. Alam kong dapat siyang katakutan dahil hindi siya basta-basta. At dahil sa ginawa niya kay Mang Lito, mas lalo kong napatunayang tama ako. Kaya nga kung malalaman ng ibang tao ang bagay na matagal ko nang hinihiling kay Zavier, malamang ay mahusgahan ako. At hindi naman na ito bago. Oo’t alam ko naman kung anong tama at mali – sa mata ng lipunan at ng Diyos. Ngunit sa buhay na pinagkaloob sa ‘kin, naging mulat ako na kahit ang mabubuting tao ay nakakagawa ng mali. At ang mga masasamang tao ay nakakagawa ng tama. Nakadepende sa bawat tao kung ano ang bagay na kaya nilang tanggapin o tiisin. Nakatitig pa rin ako sa malamig na mga mata ni Zavier. Hindi ako kumukurap sa kabila ng takot at pangamba na

