Oo’t inayawan ko ang utos sa ‘kin noong foreigner sa club. Tumanggi akong maghubad sa kanyang harapan. Hindi naman kasi ako nagtrabaho rito para maging bayarang babae. Nagpunta ako sa Pleasure Point dahil kay Zavier. At ngayong sa wakas ay napapayag ko na siyang isama ako, nakahanda akong gawin lahat ng gusto niya. Kahit pa labag ito sa moral ko. Nakahanda akong baguhin ang buong pagkatao ko para sa buhay na maaari niyang ipagkaloob simula ngayon. Kaya nga kahit hindi niya direktang sabihin, pinadali ko na ang sitwasyon para sa kanya. Madali naman akong kausap kaya hinubad ko na ang suot ko bago pa niya ako utusan. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang namutla si Zavier pagkakita sa ‘kin. Nadismaya ba siya sa hubad kong katawan? Dahil ba hindi kaaya-ayang tingnan? Nakaramdam ako

