Chapter 8

2741 Words
Itinulak ako nang itinulak ni Sasha para umakyat sa lamesa ng customers nila. Kaya tuloy naputol ang pagtitig ko kay Zavier, at napilitan akong gawin ang inuutos niya sa ‘kin kahit labag sa loob ko. Nakakabingi ang malakas na tugtog sa club, pero nangingibabaw pa rin ang kabog ng dibdib ko. Sa sobrang kaba ko nga’y nanghina ang mga tuhod ko. Muntik pa ‘kong mawalan ng balanse pagtayo sa lamesa. Pagdiretso ko ng tayo, muling bumalik ang tingin ko sa kinatatayuan ni Zavier. Dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko dahil mataman pa rin niya ‘kong pinagmamasdan. Mas madilim at seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napalunok ako, animo may nagbara sa lalamunan. Paano’y pakiramdam ko, nahuhusgahan ang buong pagkatao ko sa mga oras na ‘to. “Hayop! Ang tagal naman!” “‘Di ka pa ba sasayaw?” “Maymay, ano pa bang hinihintay mo? Dalian mo na!” Nabalik ang atensyon ko kay Sasha at sa mga customers na dapat kong sayawan dahil sa sunod-sunod nilang sinabi. Hindi ko naman alam kung anong klaseng sayaw ba ang gusto nila. Ang alam ko lang kasi ay tradisyonal na sayaw namin bilang Marasubwa. Kaya ito na lang ang naisipan kong sayawin. Iginalaw ko ng malambot ang mga kamay at paa ko kahalintulad ng paggalaw ng mga alon sa dagat. Kasabay nito’y marahan at maingat kong ikinilos ang katawan ko. Ang init ng pakiramdam ko dahil sa magkahalong hiya at kaba, tumindi pa ito dahil sa takot kong malaglag sa lamesa nang umikot ako. Nag-aalangan man, ibinalik ko ang tingin kay Zavier. Ngunit agad akong nadismaya nang makitang sumunod na siya kay Mang Lito papunta sa ikalawang palapag ng club. Sandali kong inakalang may pakialam siya sa ‘kin kahit papaano, at tutulungan akong makatakas sa sitwasyong pinasok ko. Pero mukhang ilusyon ko lang pala ito. Wala pa ring nagbabago sa tingin niya sa ‘kin. Sa isang sulok, napansin ko ang mga kasamahan ko sa club. Sinundan nila ng tingin si Zavier na para bang kilig na kilig. Mukhang tulad ko, maging sila ay may matinding interes dito. Kung dapat pa akong makipagkumpetensya sa kanila, tingin ko ay hindi ko na talaga kakayanin pang mapagbago ang isip ni Zavier. “Ano ba naman ýan?!” “Ginagago mo ba kami?” “Umayos ka nga, Maymay!” Natigil ako sa sinasayaw dahil mukhang ibang klaseng sayaw ang gustong mapanuod ng mga nakapaligid sa ‘kin. Tuloy ay napilitan akong tumingin sa paligid ng club, naghanap ng maaaring mapaggayahan. At kahit mahirap makaaninag dahil madilm at nagpapabago-bago ang kulay ng ilaw, dito ako may namataang babaeng kumekendeng. May iba pang tulad niya ang ginagawang pagsasayaw sa club. Napalunok ako bago ito sinubukang gayahin. Nagsimula ako sa isang kendeng at natuwa agad ang mga kalalakihan sa paligid ko. Sinundan ko pa ito ng isa – kaliwa’t kanan… pababa at pataas. Nakita ko si Sasha na inangat sa ulo ang dalawang kamay, animo tinuturuan ako kung anong dapat gawin. Sinunod ko naman siya kahit hiyang-hiya ako. At mukhang tama siya ng turo dahil nagsimulang magpalakpakan at magtawanan ang mga customers na nakapwesto sa lamesa kung saan ako nakatayo. Isa sa mga lalaking ito ang naglabas ng may kakapalang pera. Nakita kong hinugot niya ito sa makapal niyang wallet. Akala ko kung anong gagawin niya nang ihampas-hampas niya ito sa hita at pwetan ‘ko. Sa totoo lang ay gusto ko nang tumigil dahil sa ginagawa niya pero pinanlakihan ako ng mga mata ni Sasha. Sinenyasan din niya akong ngumiti. Kaya kahit magkasalubong ang kilay ay napilitan akong iangat ang magkabilang dulo ng labi ko. Inisip ko kung gaano katagal ko pa kailangang sumayaw nang mahinto sa pagtapik sa pang-upo ko ‘yong customer. Paglingon ko, nabigla ako nang makita ‘yong isa sa mga tauhan ni Zavier na may bigote at plakadong kilay, hawak nito sa braso ‘yong customer na panay ang tapik sa ‘kin gamit ang pera nito. Samantalang lumapit naman sa ‘kin ‘yong isa pang tauhan ni Zavier na malinis, walang bigote o balbas, at may pagkasingkit ang mga mata. “Pinapatawag ka ng boss namin,” sabi niya na nagpalaglag ng panga ko. Akala ko ay walang pakialam si Zavier sa ‘kin. Hindi tuloy ako nakahinga dahil sa pagkabigla sa kanyang sinabi. Inilahad niya ang kanyang kamay na agad kong kinuha. Inalalayan pa niya ‘ko pababa sa lamesa. Akala ko makakaalis ako ng payapa. Ngunit dahil mga lasing na ang customers na sinasayawan ko kanina. Pagkababa ko pa lang ay sinubukan na ng isa sa kanilang hawakan ako para pigilan. “Nauna kami!” reklamo pa nito. Ngunit naging mabilis ang mga pangyayari. Naipwesto agad ako sa likuran ng dalawang bodyguards ni Zavier. Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga customers na hawakan ako. At dahil may katangkaran ang nasa harapan ko, marahil ay hindi rin nila ako kita ngayon. Nagkaroon ng matinding tensyon nang harapin ng dalawa ‘yong mga customers. Inakala kong magkakaroon pa ng gulo, ngunit mukhang hindi ito natuloy dahil may ipinakita ang dalawa sa bandang bulsa nila. Hinigit ko ang hininga ko nang mapagtantong baril ito! Kaya naman namutla ‘yong mga customers at hindi na nakapagreklamo pa. Hinayaan na nila akong sumama sa dalawa. Para bang ako ngayon ang pinoprotektahan, nahati ang daan sa paglalakad naming tatlo. Nakatayo ako sa pagitan ng dalawa habang naglalakad papunta sa ikalawang palapag ng club. Nakita ko namang nakatanghod pa rin ang mga kasamahan ko sa isang sulok ng club, laglag ang panga nila nang makita ako. Bakas ang magkahalong inggit at pagkabigla dahil alam nila kung saan ako papunta. “Thank you sa pagligtas sa ‘kin,” sabi ko sa dalawa noong paakyat na kami ng hagdanan. “Sumusunod lang kami sa utos. ‘Wag ka sa ‘min magpasalamat,” balik nung may pagkasingkit sa ‘kin, malamig at malalim ang boses kaya kinilabutan ako. Saktong huminto kami sa unang pinto pagliko sa ikalawang palapag. Alam ko namang si Zavier ang makakaharap ko. Ito rin naman ang habol ko. Ngunit lalong tumindi ang kaba ko. Sa kabila ng kaba, natutuwa naman ako dahil mukhang gumagana ang plano ko. Siguro ay pwede ko nang isiping nakuha ko ang interes ni Zavier kahit papaano dahil inutusan pa niya ang kanyang mga tauhan para tulungan ako. Huminga ako ng malalim. Pagbukas ng pinto, hinigit ko ang hininga ko nang makitang nakaupo sa isang sulok ng kwarto si Zavier. Siya lang ang tao rito. Nakapatong sa upuan ang suot niyang suit kanina. Nakayuko siya, tamad na nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang hita, ang isang kamay ay may hawak na baso ng alak na halos yelo na lang ang laman. Nang maglakad ako papasok sa kwarto, muntik na ‘kong mapatalon nang magsarado bigla ang pinto sa likuran ko. At ngayong kaming dalawa na lang ni Zavier ang magkasama, kinuha ko itong pagkakataon para ilibot ang mga mata ko sa paligid. Parang isang kahon lang ang kwartong ito, may malambot at kulay pulang upuang nakadikit sa pader at paikot sa paligid. May maliit na babasaging lamesa sa gitna – kasalukuyang naglalaman ng lagayan ng yelo, bote ng alak na mukhang mamahalin at malakas ang tama, at magkakapatong na folders at envelopes. Nagulat ako nang makitang kakaiba pala ang pader sa kwartong ito. Kung sa labas ay para lang itong salamin, dito sa loob ay para itong bintana – tanaw lahat ng nangyayari sa unang palapag. Tanaw nga rito ‘yong lamesang pinagsasayawan ko kanina kaya napalunok ako. Sandali akong natigil sa paghinga nang tumayo bigla si Zavier. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya pinagsalikop ko ang dalawang kamay at mistulang naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi naman ako ganito kapag nagkikita kami sa kalsada. Kaya hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa ‘kin at bigla akong nagkaganito. Nang mag-angat ng tingin si Zavier sa ‘kin, nakita ko ang pagtingin niya sa mukha ko sandali at ang marahan nitong pagbaba sa katawan ko. Parang may kung anong umikot sa tyan ko dahil sa tingin niyang ito. At nailang ako nang huminto ang tingin niya sa mga paa ko. Hindi ko kasi nagawang isuot ang sapin ko sa paa dahil sa pagmamadaling makasama sa mga tauhan niya. Nang magtagpong muli ang mga mata namin, bumigat ang paghinga ko lalo na nang luwagan niya ang suot nang necktie. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya dahil sa blanko ang mukha niya. Pero palagay ko naman ay hindi pa siya lasing. Imposible dahil kakaakyat lang nila rito sa VIP room. Ilang minuto pa ang nakalipas pero nakatitig lang siya sa ‘kin. Tuloy ay nilakasan ko na ang loob ko at nagsalita. “Tawag mo raw ako,” pagbasag ko sa katahimikan. Ang alam ko ay marami akong inihandang sasabihin sa kanya – lahat ay may kinalaman sa pagkumbinsi ko sa kanyang bilhin ako. Pero mistulang naglaho ang mga salita sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nagkaganito. Sayang ang pagkakataon. Naghintay pa ako ng ilang minuto at dahil naiilang na talaga ako sa pagtitig niya ay tinalikuran ko siya. Akmang aalis na ako kaya lumapit ako sa pinto. “Baka nagkamali lang pala sila. Baka iba ang tinatawag mo—” “You’re supposed to leave today,” umalingangaw ang seryosong boses ni Zavier. Sa wakas ay nagsalita na siya! Hindi ko nga lang inasahang may ideya siya tungkol sa pag-alis ng mga Marasubwa sa Mariposa. “Oo. Pero nagpaiwan ako,” sabi ko kahit hindi ko alam kung ano bang gusto niyang marinig sa ‘kin. “Is it because of your new job?” walang emosyong tanong niya at bubuksan ko pa lang sana ang bibig ko nang magsalita pa siya. “Lito mentioned it’s your first day at Pleasure Point today.” Dahan-dahan ko siyang nilingon at dito ko rin siya inabutang naglalakad palapit sa ‘kin. Tuloy ay magsasalita sana ako pero tumango na lang ako para kumpirmahin ang sinabi niya. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko maatim tingnan siya ng diretso sa mga mata. At ilang sandali lang, nakita ko sa sahig ang kulay itim niyang sapatos. “And how's work been for you so far?” tanong niya na kinailangan ko pang ulitin sa isip ko para maintindihan. “Nakakapanibago,” simpleng sagot ko. At nang mag-angat ako ng ulo ay nakalapit na nga siya sa ‘kin. Kaunting distansya na lang ang mayroon sa pagitan namin. Napasandal pa ako sa pinto kaya alam kong wala akong takas. “Of course, it's new. You must find it exciting.” Hindi ko alam kung bakit parang may ibang dating ang pananalita ni Zavier. Para bang nanunuya dahil sa trabahong pinasok ko. “Hindi ako nae-excite sa trabahong ‘to—” “Well, that's not how I saw it. You were there, smiling, dancing for men, on top of a f*cking table.” Napapikit ako nang bigla niyang inilapat ang isang kamay sa pintong nasa likod ko. Nilapit pa niya ang mukha niya sa bandang tainga ko, ramdam ko ang mabigat niyang paghinga – amoy ko rin ang alak na nainom niya. “Which one do you prefer, begging for money or selling your body?” tanong ni Zavier. Napilitan akong dumilat at tingnan siya dahil sa pambabastos niya sa ‘kin. Madilim ang tingin niya, tumatagos sa kaibuturan ko. At kahit nagwawala ang buong sistema ko ngayon, nagawa ko siyang itulak papalayo sa ‘kin. Ako naman ang humakbang ng isa papalapit sa kanya nang magsalita. “Hindi ako nagpunta rito para ibenta ang katawan ko. Nandito ako kasi gusto kong bilhin mo ‘ko!” Nagtiim-bagang si Zavier, nag-iwas ng tingin bago nagsalita. “I'm not interested in you, and I will never be interested in you, so don't waste my time.” Parang may kung anong nagpipira-piraso sa loob ko sa kanyang sinabi. Alam ko na nga kasing walang pag-asang isama niya ‘ko sa kanya, panay pa rin ang subok ko. At siguro dahil desperada na talaga ako at ngayon ay nawala ang natitirang pag-asa, ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Ilang beses na niya akong tinanggihan noon pero ngayon lang ako nasaktan ng sobra. Napayuko ako nang lagpasan ako ni Zavier. Narinig ko na ang pagbukas ng pinto kaya akala ko umalis na siya. Pero may pahabol pa siya. “I've settled your fee for tonight. You will remain here until your shift is over.” Sinundan ko ng tingin si Zavier pagkatapos ng kanyang sinabi pero naglakad na siya papalayo. Likod na lang niya ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit pero pagsarado ng pinto ay bumuhos ang luha ko. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko – lungkot, takot, at galit. Nakita ko pa ‘yong suit na naiwan ni Zavier bago ko itinakip ang dalawang kamay ko sa mukha. Dito ako humagulgol. Hindi ko na kasi alam kung paano ako makakaahon sa mundong kinasadlakan ko. *** “Ano ba kasing ginawa niyo ni Mr. Santiesteban kagabi?” “Ang damot mo naman. Ayaw pang mag-share.” “Siguro tinikman ka lang niya pero ‘di ka nagustuhan kaya umalis agad!” Pinalibutan ako ng mga kasamahan ko, pinipilit akong magkwento tungkol kay Zavier. Ikalawang araw ko na sa club, nasa makeup room kami at inaayusan na naman. Ilang oras na lang at magbubukas na ang club pero tsismis pa rin ang iniintindi nila. Sinabi ko naman sa kanilang walang nangyari – tinawag ako ni Zavier at iniwang mag-isa sa kwarto. Pero ayaw nilang maniwala. Kung anu-ano pang kwento ang kanilang nabuo. Nakatulog pa nga ako ng mahimbing dito pagkatapos umiyak ng umiyak pero hindi ko na ito sinabi sa kanila. “Matagal na bang VIP customer si Zavier dito?” Hindi ko na napigilang magtanong. Nahampas naman ako ni Sasha sa likod kaya napapikit ako sa sakit. “Anong Zavier? Mr. Santiesteban ang tawag ng lahat sa kanya. Mahiya ka nga,” pangaral ni Sasha. Kagabi pa siya inis na inis sa ‘kin. Tuloy ay umalis na siya ng makeup room. “Ay naku. Hayaan mo si Sasha. Inggit lang ‘yon kasi sa tagal niyang nakatanghod kay Mr. Santiesteban, ikaw na bago ang unang nabigyang pansin,” sabi ng isa sa mga kasamahan ko. “Matagal na nga siya?” pag-uulit ko sa tanong ko dahil walang pumansin. “Hindi naman. Parang wala pa siyang isang buwan dito. Pero gabi-gabi siyang nagpupunta sa VIP room kasama si Mang Lito.” Nakaramdam ako ng lungkot sa sagot nila. Paano’y mukhang tama nga si Dayang. Baka babae nga ang ipinupunta ni Zavier dito. At dahil wala siyang interes sa ‘kin kaya iniwan niya ako basta sa kwarto kagabi. Kung ibang babae siguro ako, baka inabot siya hanggang madaling araw. Nang maiwan ako kasama ni An, dahil ako na lang ang aayusan, dito lang siya nakipag-usap sa ‘kin. “Ang swerte mo, Maya! Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng ni-request ni Mr. Santiesteban?” bulalas ni An na ikinabigla ko. Nanlaki ang mga mata ko nang magtanong pabalik. “Eh ‘di ba babae talaga ang dinadala sa mga VIP rooms? Bakit wala siyang babaeng pinapapunta?” Nakita kong sumeryoso ang mukha ni An sa salamin. Pabulong din siyang nagsalita. “Ang tsismis, may business transactions na nangyayari sa second floor ng club na ‘to. Kaya secret hideout lang nila ang VIP room.” Hinigit ko ang hininga ko. Hindi ako sigurado kung ano talaga ang totoo. Pero malalaman ko lang ang sagot kung mananatili ako sa Pleasure Point. At hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko kakayaning manatili rito. Nang matapos akong malagyan ng makeup, lumabas na ako at dito naabutan si Sasha na masama pa rin ang timpla ng mukha. At nalaman ko lang ang dahilan nang magsalita siya. “Sa second floor ka raw ulit hanggang umaga sabi ni Mang Lito.” “Bakit? Ano raw ang gagawin ko?” “Ewan ko. Tanong mo kay Mr. Santiesteban,” mapait niyang balik bago ako iwan. Nagpunta naman ako sa kwartong pinasukan ko noon katulad ng utos sa ‘kin. Kaya lang pagdating ko rito, wala namang tao bukod sa ‘kin. Naghintay pa ako ng ilang oras hanggang sa nakatulog at inumaga na naman ako. Pero walang walang kahit sinong dumating sa VIP room. Napabuntong-hininga ako. Ano bang gustong mangyari ni Zavier?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD