Ramdam ko ang pagpintig ng ulo ko habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang lahat ng mga nalaman. “Inuubos ng mafia ang lahi natin,” pagkumpirma ni Baste – bagay na halata naman na pero ngayon ay mas lumalim pa. Paano’y hindi lang pala ito isa o dalawang beses nangyari sa mga Marasubwa. “Ang tanong ay bakit,” dugtong ko. Alam ko na kasing may kinalaman si Pietro sa m******e na nangyari sa ‘min dahil natatandaan ko siya. Hindi lang talaga namin alam kung bakit. Ito ang sinusubukang alamin ni Zavier para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina at ng mga kalahi namin. “Anong mapapala nila sa pagpatay sa mga Marasubwa?” Wala naman kaming kayamanan bukod sa isa’t isa. “Limang taon ang pagitan ng bawat m******e ng mga Marasubwa…” sabi ni Baste na nagpasalubong ng kilay ko. Dahan-dah

