Binukas-sara ko ang mga mata ko. Pansin kong napatingin sa direksyon namin ang mga hotel guests dahil sa biglang pagyuko ng receptionist sa harapan ko. At para bang ‘di pa kuntento, sinenyasan niya ‘yong gwardya kanina at lumapit agad ito sa ‘min. May binulong siya rito bago ito takot na humingi ng tawad. Malamang dahil ito sa halos pagkaladkad nito sa ‘kin palabas ng hotel kanina. Fiance? Hindi ba’t ang ibig sabihin nito ay nobyo o nobya? Lalaki o babaeng pakakasalan? Mukhang kailangan nang magtutuli ni Joy dahil namali pa siya ng dinig sa telepono. Posible ring hirap na siyang umintindi dahil anong oras na’t nagtatrabaho pa siya. Ngunit imbes na linawin pa sa receptionist na hindi ako ang fiancé ni Zavier, sinakyan ko na lang ang maling akala niya. Paano’y mas maayos ang trato niya s

