Chapter 90 (Part 3)

1137 Words

“And you’re not supposed to be doing this either,” mariin kong balik kay Zavier, hindi pa rin napuputol ang titigan naming dalawa. Malakas ang loob kong sumagot dahil hindi naman ako mapupunta sa sitwasyong ‘to kung isinali niya ‘ko sa plano niya. Kung anong ikinakalma ng umaga namin sa isla, ay ganuon namang ikinagulo ng gabi namin pagbalik. Imbes na magsalita, kinain niya ang distansya sa pagitan namin, dinig ko ang bigat ng bawat yabag. Ramdam ang matinding tensyon sa pagitan namin, nagtiim-bagang ako at inihanda ang sarili. Hindi ko gustong nag-aaway kami pero inasahan ko na ito dahil sa nangyari. Akala ko’y palapit siya sa ‘kin pero nilagpasan niya ‘ko at dumiretso siya sa isa sa mga tauhan ni Pietro—‘yung huling nakalaban ko na muntik bumagsak sa ibabaw ko. Nagsalubong ang kilay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD