Ang galing naman ng anak ko, talaga bang ikaw ang napili ng eskwelahan ninyo para ipadala sa maynila para makipagtagisan ng talino sa iba:t ibang eskwelahan doon?
Segi, anak pagbutihin mo. May premyo ka sa akin.
Noong ng tapos na high school si Liam at ito ang school valedictorian, neregaluhan ito ng ama ng isang bagong sasakyan. Wrangler jeep, bukod pa roon, binilhan din ito ng isang kabayo.
Samantalang siya, wala siyang natatandaang neregaluhan siya ng ama, tagging ang mama niya lang ang nagbibigay sa kanya,
Sa pagdaan ng mga araw, tumindi Lalo bang kompetensiya sa pagitan nila ni Liam
Ewan ni Jake maging obsesyon na niyang kunin ang anumang bagay na nagbibigay kasiyahan sa kapatid. Kung hindi man niya makuha dahil may matinding sagabal - –----ang kanilang ama na matindi kung magparusa kayaya ng wrangler jeep nito at kabayo, pinipilit na lamang niyang magkaroon din niyon....
Gumawa siya ng paraan na magkaroon ng meron si Liam nakabili siya ng segunda-"manong*wrangler jeep dahil sumali siya sa isang first fight na ang mga kalaban at kapustahan niya ay mga anak-mayaman din sa lugar nila.
Nagkaroon siya ng kabayo dahil napanalunan niya sa karera ng sasakyan ang pustahan nila ng isang kabarkada niya ay ang alaga nitong kabayo...
Siyempre pa, panalo siya,
Wala pang hindi ginusto so Jake na hindi niya nakukuha.
Ngayon, mainit ang mga mata niya sa babae ni Liam.
Si Catherine na aminado siyang may tipo naman pala.
Makinis at balingkinitan ang katawan.
Ngayon palaayos na ito, lumutang ang angking Ganda nito.
Ito ngayon ang pinagpaplanuhan niyang kunin sa kapatid. Si Catherine ang nagbibigay ng kasiyahan sa hunghang niyang kapatid.. Hindi niya alam kung ano ang nakita ni Liam sa dalagita gayong naliligid ang kapatid niya ng nagsososyalang mga babae na pareho nilang nabibilang sa mataas na, antas sa sosyelidad
Oo nga't may hitsura naman si Catherine pero nasisiguro niyang hindi aayunan ng matapobre nilang Ama ang pagkatao ng dalagita.
Mahitap ang pinagmulang pamilya ni Catherine ulilang lubos, ang ranging kasama sa buhay ay ang lolang albularya. Malabo talaga itong magkaroon ng mataas na pinag-aralan.
Hindi siya puwedeng ipagmalaki ni Liam may palagay pa akong gusto lamang isahan ni Liam ang Catherine na yon, baka atat ang lokong yon na tumikim ng virgin.
Napangiti si Jake pagdating sa puntong iyon talo niya si Liam lampas na, sa daliri sa kamay ang mga babaeng nagdaan sa kanya. Dalawa sa mga iyon ay virgin pa. Pero dahil na rin. ng mga ito ay natuto siyang maging maingat upang huwag makabuntis.
Sigurado siyang hindi magawang makapagloko nito dahil takot lang nito sa kanilang ama,
Samantalang siya, ubos na ang takot niya sa katawan, nabugbog na siya ng kanilang papa kaya sanay na, ang katawan niya sa sakit at pahirap.
Napangiti. si Jake nang matanaw ang bahay nina Catherine. Nalanghap na niya agad sa hangin ang amoy ng alagang baboy nito.
Alam niyang nandoon lang si Catherine uumpisahan
na niya ang pag-uuto rito. Kunwari makikipag ayos na siya rito, mag - aalok siya ng pakikipagkaibigan. Sigurado siyang sa una lang ito magpapakipot dahil v tiyak namang bibigay rin ito.
Dahil malamang na maiisip nitong kapatid siya ni Liam at malaki ang maitutulong niya upang mapanatili ang lihim na relasyon ng dalawa.
Salubong agad ang kilay ni Catherine nang makita
siyang papalapit sa kural kung saan ay nagbibigay ito ng pagkain sa alagang baboy
Anong ginagawa mo rito? agad na manghang tanong nito.
Nagpaskil siya ng matamis na ngiti, masama bang dalawin ang future sister in law ko?
Halatang nag blush ito. Hmmmm maganda ka talaga, Catherine
Huwag mong sirain ang araw ko, Jake puwede ba,
Iba na lang ang buwisitin mo,
Hey, hindi ako nagpunta rito para buwisitin ka.
Gusto ko lang ipaalam sayo na nasa maynila si Liam.
Baka kasi hindi mo alam at magtaka ka kung c bakit hindi siya nagagawi rito,
Sandali itong natigilan pero mabilis ding nakabawi. Makakaalis ka na,
Itataboy mo ko agad, kakarating ko lang,
Mapakla itong natawa, walang dahilan para magtagal ka pa rito.
Need help? Mabigat yata yang timba, ako na ang bubuhat.
Mababasa sa mukha nito ang pagtayaka,
Kulang na lang ay ibulalas ang mga salitang, himala!
Ikaw ba yan, Jake, para kang maysapi?
Kanin-baboy ito, malamig nitong sabi.
So? Hindi ko naman kakainin bubuhatin ko lang,
Nakakaintindi ka ba? Mabaho ito. Lumayas ka na at baka magkasakit ka pa, ako pa ang sisihin mo,
Natawa siya, bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?
Itinatanong pa ba yon?
Look, Catherine, nagpunta ako rito para tapusin na ang
Anumang hindi magandang namagitan sa atin.
I'm sorry kung hindi man naging maganda ang trato ko sayo
Namilog ang mga mata nito,
Kinabahan si Jake, kasi mahalata nitong hindi siya sincer sa paghingi ng tawad dito. Ang lakas pa naman ng makatunog ng babaeng ito!
Kinalimutan ko na yon kaya puwede ka nang umalis. Marami pa akong gagawin,
Napatingin siya sa Makinis nitong mga binti na nakalantad dahil nakapalda lang ito na ang haba hanggang itaas ng tuhod...
Talaga pinapatawad mo na, ako?
Galak niyang paniniyak.
Sinabi ko, Kinalimutan ko na, bingi ka ba?
DE puwede tayong maging mag kaibigan?
Payak itong natawa. Alam mo, nakakahalata na, ako,
Bakit kaya ang isang Jake Gutierrez ay magkakainteres na makipagkaibigan sa isang hamak na kagaya ko?
Bakit si Liam nagawa mong tanggapin ang pakikipagkaibigan niya? , ganti niya
Hindi agad ito nakakibo
Naiintindihan ko kung bakit pag dating sa akin ay negative ka. Hindi naman ako likas na bad boy sa maniwala ka't sa hindi. Lahat naman ng tao p nagbabago. Kung naging rude ako sayo noon
Nakonsiyensiya rin naman ako. Na - realize kong Mali ako, that's why I'm here,
Halatang hirap pa rin itong paniwalaan ang Sinabi niya,
Give me a chance, Catherine. Huwag mo naman sana ayawan ang pakikipagkapwa-"tao ko sayo.
Hindi agad naging madali Kay Jake na hulihin ang loob ni Catherine. Pero nagbunga rin ang pagtitiyaga niya. Nakuha rin niya ang pagtitiwala nito. Nagagawa na rin nitong magtapat sa kanya ng mga sekreto.
Tama si Jake maylihim ngang ugnayan ang dalawa,
Gusto kasi ni Liam wala munang
Makaalam. Ang alam lang ng mga tao rito, eh mag kaibigan kami, kasi maingat naman kami kapag magkasama, palagi naming kasama si Dina para siguradong hindi mag iisip ang makakita sa amin
Kung sabagay, naiintindihan ko si Liam, siguro kaya ayaw muna iyang ipaalam sa mga tao at baka makarating kina papa, tiyak mapapagalitan siya. Gusto kasi ni papa mag concentrate muna siya sa kanyang pag aaral.
Naiintindihan ko naman si Liam siyempre mahirap ang kursong abogasya.
Nami-miss mo siya Ano?
Namula ang pisngi nito. Sa semestral break ko pa siya nakikita, parang v pag - amin na rin ni Catherine eh, ikaw, hindi ka ba, nag-aalala na makarating sa papa mo na madalas kang magpunta rito?
Nagkibit siya ng mga balikat, pag dating sa akin, wala yong pakialam,
Sabi mo lang yon
Hindi siya kumibo.
O ano, hindi ka pa ba uuwi?
Itinataboy ko na agad ako. Mamaya na, bakit may gagawin ka ba?
Gusto ko kasing sundan si lola, kanina pa siyang umaga umalis, sumabay siya sa akin pag - alis pero wala pa rin siya ngayon.
Saan ba nagpunta?
Eh, ang paalam sa akin, mahihilot lang daw siya, dapat ay kanina pa nandito iyon,
Baka naman nagkaroon ng biglaang pasyente, like may manganganak. Kaya siguro natagalan
Kaya aalamin ko,
Huwag na. Umuwi ka na"
Nagduda si Jake nang mabasa ang kakaibang kislap sa mga mata ni Catherine nang puntahan niya ito sa eskwelahan nito. Susunduin vniya ito at ihahatid.
Nandoon na ito sa gate kasama ni Dina, napansin niya agad ang kinikilig na anyo no Dina pagkakita sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin, dahil ang atensiyon niya ay Kay Catherine lamang.
May hinala siyang kaya ganoon na lang ang kislap ng mga mata ni Catherine at dahil makikipagkita ito Kay Liam.
Kagabi ay biglaang dumating sa mansiyon si Liam. Nasopresa nga ang mga magulang nila sa walang kaabog-abog na pag uwi nito. Idinahilan no Liam na may kukuning mahalagang gamit, pero hindi niya maiwasang hindi magduda na alibi lang iyon ng kapatid dahil kung tutuusin ay pupuwede naman itong magpautos para iluwas ang sinasabi nitong gamit, pihadong gusto lang nitong makipagkita sa kasintahan.
Napangisi siya sa ideyang iyon, mukhang may binabalak si Liam, puwes, dapat na akong kumilos.
Ihatid ko na kayo, aniya sa dalawang babae
Talaga Jake? Malambing na Sabi ni Dina
Let's go sakay na,
Inuna niyang Ihatid so Dina
Dito na lang ako Jake, wika ni Catherine kumunot ang kanyang noo, bakit dito?
Ang layo pa ng lalakarin mo.
Eh, alam mo namang mahirap yong kalsada papunta sa amin. Kawawa itong sasakyan mo
Pangharabas naman itong wrangler kaya kang dapat ipag - alala,
Pumayag kana kasi Catherine, solsul naman ni Dina
NA nabitin sa tangkang pag - alis
O sige na nga ayon na rin nito. O sige Dina bukas na lang, yong notebook ko ingatan mo.....
Siyempre naman no anitong bumingisngis.
Ibenuwelta na ni Jake ang sasakyan.
Dumating si Liam Kagabi, kaswal niyang sabi.
Talaga''? excited ang boses ni Catherine pero halata niyang hindi na ito nabigla so, tama ako, nasabihan na siya at may plano silang magkita Mamaya,
Yup bukas ng umaga siya bibiyahe pabalik sa maynila.
Hindi ito kumibo, nakangiti lang,
Nagpatuloy ang mabilis na patakbo niya sa sasakyan,
Teka, hindi to papunta sa amin, manghang bulalas nito sa ay sulyap sa kanya.
Hindi nga kasi maypupuntahan vpa tayo, Jake ha, hindi ako nakikipaglokohan sayo,
Banta nito