Mabilis na tinapos ni Catherine ang paggunita sa nakaraan. Kung iisa-isahin niyang balikan sa isip ang mga nangyari noon na may kinalaman sa atraso sa kanya ni Jake ay tiyak na mauubos ang kanyang oras.
Iisa ang tiyak niya nang mga sandaling iyon.
Hindi na niya maiiwasan si Jake. I might as well face him, sa loob -loob niya habang nalalapit sa conference room.
Pagbukas niya ng pinto, nasalubong niya agad ang matiim na titig nito. Pinanatili naman niya ang pormal na mukha.
Huminga siya nang malalim at ikinondisyon ang isip na huwag paaapekto sa lalaki. Kailangan niya ring kontrolin ang kanyang temper hangga'tkaya niya.
Naupo na siya sa katapat nito.
Parang may ideya ako kung bakit mo kinausap si Mr. Ledisma. Sinubukan mong papalitan ako.
Mapakla siyang Ngumiti, I won't deny that, Mr. Gutierrez.
Ngumiti ito. But you failed, huh?
Sorry to disappoint you, dear, ako na ngayon ang bago mong partner mo whether you like me or not.
Kumulo ang kanyang dugo. Hold your temper, Catherine.......
Kapag ipinakita mong nabubuwisit ka, lalo yang
Masisiyahan at hindi ka titigilan.
Huwag kang mayabang. Mr. Gutierrez. Akala mo siguro lahat ng tao rito ay kaya mong paikutin, aniya, sa malaasidong tono.
Subalit kampante lang itong nagkibit ng mga balikat.
Now what, miss lajo? Shall we start?
Nagngingit si Catherine ngunit wala rin naman siyang mapagpipilian kundi ang I-discuss dito ang bago niyang assignment. Nagpatuloy ang discussion nila, madalas na nagbibigay ito ng insights at suggestion hinggil sa gagawin nilang pagku-cover sa nangyayaring terorismo sa Mindanao.
Hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras. Paano
Naman, nalulon na rin ang kanyang atensiyon sa pinag-"uusapan nila. Sandaling nawala ang tensiyon sa pagitan nila ni Jake.
Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone ay hindi pa sila mapupuknat. Sa pagdidiskusyon.
Excuse me, aniya rito, sa ay tayo upang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone...
Bahagya siyang lumayo rito..
HI Ricky, magiliw na ganti niya sa kausap
Actually talagang tatawag ako sayo. Well, invite Sana kita. Hmmmm sort- of celebration. Really, alam mo na?
Talaga, yang si pat, inunahan ako sa pagsabi sayo, anyway, puwede ba kayo tonight? Oh good sa condo ko na lang kung gusto ninyo. Ayaw palang lumabas ni pat,
Gusto ko d'yan sa puso mo Catherine......
Sana invite rin si Sidney, okay, I'll call her later.
Bye. Take care,
Nagbalik na si Catherine sa upuan. Nagsalubong ang mga mata nila ni Jake. Ewan niya kung dinadaya lang siya ng kanyang paningin tila may nababasa siyang kakatwang emosyon sa mga mata nito na hindi niya magawang pangalanan. Napansin din niyang lumambot ang ekspresyon nito bagay na ipinagtataka niya.
Hindi ako makapaniwalang ikaw ang Catherine na nakilala ko noon. Malaki ang ipinagbago mo, iniwas na niya ang tingin dito at hindi pinansin ang sinabi nito.
Tapos na ang meeting natin, Mr. Gutierrez. I have to leave now".
Tumayo na rin ito.
Dinampot na niya ang kanyang mga gamit sa table.
See you tomorrow, Catherine, pormal na ang tonong saaf nito......
Tumango lang siya at tinalikuran na ito.
Nang makalabas ang dalaga, agad na nagpawala ng buntong hininga si Jake.
Whew! What a girl!bulalas ng isip niya. Noon pa mang nasa kabilang network siya ay nasubaybayan na niya ang career ni Catherine sa totoo lang bilib siya rito. Pinatunayan nitong ang isang probinsyanang kagaya nito ay may karapatan ding vmagtagumpay sa buhay.
Alam Kong kahit dumaan na ang mahabang panahon ay hindi pa rin nabubura ang pait at galit d'yan sa puso mo, Catherine.......... na ako ang may kagagawan, malungkot na saad ni Jake.
Ikaw ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang alok ng network na ito. Panahon na para harapin ko ang atraso ko sa'yo......
Kusang dumaloy ang mga alaala ng kahapon sa isipan ni Jake.....
Ang galing ng naisip mo, Jake!
Nagmukha ngang katawa - "tawa ang Catherine na yon, sabi ng barkada niya na patuloy pa ring tumatawa,
Hayun, umiiyak sa matinding hiya,
Ikaw ba naman ang maplakda sa bangko,
At nakitaan kapa ng panty, baka hindi lang iyak ang gagawin mo, segunda pa ng isa niyang kabarkada.
Tumawa pa rin ang mga ito pero si Jake ay tahimik na, bigla ay parang siyang nakaramdam ng awa kay Catherine para tuloy nagi -guilty siya sa ginawa nila rito.
Pero mabilis din niyang pinalis sa isip ang pagkaawa sa dalagita. Dapat lang yon sa kanya,
Masyado siyang mataray at ambisyosa, alam ko namang gusto mo ang kapatid ko porque nagpakita ng kabaitan sa'yo,
Mayamaya'y lumapit sa kanila si Liam, alalay nito sa siko ang umiiyak na si Catherine, kadalukuyan silang nasa likod ng stage....
You'"re disgusting, Jake singgasig ni Liam you think it's funny huh?
Hintatakot na nagsialisan ang mga barkada niya, Ano bang problema ha?
Ikaw ang problema. Nagmamaang-maangan ka pa. Kahit kailan, wala ka nang ginawang matino---------"
Tigilan mo na, ako, Liam angil niya saka tiningnan niya ng masama si Catherine. Lumaban din ito ng titigan sa kanya, bakit, anong sinabi sa'yo ng bubuwit na yan at galit na galit kang sumugod dito?
Don't play innocent, Jake alam kong ikaw kasama ng mga barkada mo ang gumawa ng katarantaduhan Kay Catherine. Sinadya ninyong ilagay ang sirang bangko sa stage,
Really huh? May katibayan ba ang babaeng yan v para ituro ako na may kina laman sa nangyari sa kanya?
Binalingan niya si Catherine ikaw, hindi mo ba naisip disgrasya yon? Kahit anong oras puwedeng mangyari nagkataong minalas ka Ngayon gabi,
Shut up, Jake asik ni Liam
You shut up, ganti niya. Bigla siya nitong binigwasan vng suntok. Agad na nagdugo ang nguso niya. Nagtatangis ang mga ngipin niya , sa galit tinitigan ang kapatid. Noon lang nangyaring sinuntok siya nito nang dahil lang sa isang babae.
Oo madalas silang magtalo, mag away, pero never na humantong sa suntukan dahil ito ang laging umiiwas at nag titimpi.....
Naikuyom niya ang kamao.
Oo sige lalaban. Lumaban ka. Sumosobra ka na, Jake noon pa ako nag titimpi sa'yo hamon nito.
Hindi pa tayo tapos, ungol niya sa dalagitang matalim ang tingin sa kanya...
Subukan mong kantiin si Catherine ako ang makakalaban mo, Jake, ani no Liam na narinig bang sinabi niya.
Matanda si Liam ng tatlong taon Kay Jake, beinte Ono na si Liam samantala si Jake ay seventeen naman. Dapat ay nasa pangalawang taon na sa college si Jake pero dahil nga napabarkada kung kaya napabayaan niya ang kanyang pag-aaral graduating pa lang siya sa high school bagay na laging ipinamumukha sa kanya ng kanyang pamilya Lalo na ang papa niya ang pagiging iresponsable niya...
Dalawa lang silang magkapatid pero ang paborito ng pamilya ay so Liam dahil sa pagiging malambing at masunurin nito ipinagmamalaki ito ng kanyang papa dahil matalino, maasahan at responsable. Sa katunayan hindi nito binigo ang papa nila at abogasya nga ang kinuha nitong kurso......
Samantalang siya, mula nang ilang beses na bumagsak ang mga grado niya lalong tumabang ang pakikitungo sa kanya ng kanyang ama. wala itong nakikitang maganda sa kanya bagay na lalong ipinagrerebelde ng kalooban niya.
Bakit vhindi nito makita ang potensiyal niyang maging isang mahusay na pintor? Bata pa lang ay magaling siya mag drowning. Pero ni minsan hindi
.. pinupuri......