Chapter 3⃣

1122 Words
Oo tara na, hanap na tayo ng mauupuan, Ani ni Dina Sa kanya. Ba'y nanlalamig na agad ang kamay, hindi mo pa nga nakikita si Liam? Hindi ba alangan ang suot ko? Bulonh niya, Ang gaganda nila, sa ay nguso niya sa ilang umpok ng mga babae.... Sus maganda lang sila kasi naka - make-up eh, tayo natural ang beauty natin. Yan ang gusto ko sayo, lagi mong pinapalakas ang loob ko! Siyempre, best friend kita, Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang Magpadinig ng nakaiindak na tugtugin ang banda. Agad na may pumagitnang magkakapareha sa gitna Samantalang sila ni Dina, pinagdiskitahan nila ang libreng v tinapay at juice na nakapuwesto sa isang sulok. Ngumunguya sila nang putulin ang masayang tugtugin ng isang malakas na boses gamit ang mikropono, Dumating na po ang ating panauhing, pangdangal. Walang iba kundi si Liam Gutierrez siya po ang responsable sa pagkakaroon natin ng magandang plaza At maluwag na covered court. Bukod pa roon ay marami pa siyang nakaplanong proyekto para po sa ikakaunlad ng ating barrio. Palakpakan ang mga tao matapos ipakilala ni kapitan tonyo ang binata. Siyempre pa, pinakamalakas yata ang sa kanila ni Dina Kumakapal na ang mga tao b sa sayawan. Ang guwapo - guwapo niya, Dina grabeeeeee.... impit na tili no Catherine Oo nga, grabe, talaga b, ayon nitong kinikilig din. Tara magpakita tayo sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Hindi ba nakakahiya? Ano bang nakakahiya doon?kilala naman Niya tayo. I di ba, kapag nagpupunta siya rito sa barrio natin hindi pupuwedeng hindi niya tayo Kamustahin kay kapitan, Kinilig si Catherine nang maalala iyon. Tsaka Napatunayan naman nating mabait si Liam. Hindi siya kagaya ng ibang mayaman na nakakailang na kausap at kasama., o di nga ba, Mula nang nangyari yong insididenteng muntik na Kayong magsapukan ng kapatid niya, eh, dalawang beses na niya tayong niyaya at inilibre sa kainan sa bayan. Hindi siya nangiming pasakayin tayo sa mabango niyang kotse. Talagang anghel sa kabaitan ni Liam, proud niyang sabi, eh di si Liam na ang crush mo ngayon. Si Jake parin ang type ko, no! Gusto ko lang si Liam para sayo friend, siyempre, ayokong magselos ka kaya, yong - iyo na siya. Pag titiyagaan ko na lang si Jake, Bumungisngis ito. Umingos siya, Huwag mo ngang babanggitin ang pangalan ng mokong na yon, nasisira ang sikmura ko.... Tange, baka mamaya mo nyan Kay Jake ka pala lalagpak. Nanlaki ang mga ni Catherine. Hah, over bmy dead body, never na mangyari yan... Magpatuka na lang ako sa, ahas kaysa mapunta sa lalaking yon... Bumungisngis ito. Huwag kang magsasalita ng patapos, baka kapusin ka Catherine, Tara na nga, tapos magsalita si Liam, magsalita na tayo sa kanya. Lingid sa kaalamang ni Catherine, lihim na pinagmamasdan ni Jake ang dalagita. Ang dalagitang sa umpisa pa lang ay mainit na ang dugo sa kanya. Ganoon din siya rito. Mainit ang mga mata niya rito. Hindi niya alam kung bakit, hindi niya alam kung dahil doon sa engkuwentro nila. Rocky halika rito, tawag niya sa kanyang alipores. Agad namang itong tumalima. Nakikita mo ang babaeng yon? Ininguso niya ang dalagitang kausap ng kapatid niyang si Liam tong kausap ni Liam? O, bakit, among problems? Hmmmmm...... trip kong paglaruan Ngayon gabi, Napangisi ito. Anong binabalak mo? Mamaya sasabihin ko sa'yo Mukhang okay sila ng kapatid mo, Napqsimangot siya, masyadong mapapel yang kapatid ko. Parang hindi mo kilala. Gusto noon lagi siyang bida sa mata ni erpat at ng ibang tao. Mukhang may tama yong babae Kay Liam Halata ko nga, eh. Akala siguro, uubra siya sa akin, May atraso ba sa'yo? Maliit lang pero hindi ko makalimutan. Ano? Kanuntik nang basagin ang mukha ko noon, sabi na lang niya, Nagtawa ito, Aba', tigre pala. Mukhang palaban. Puwes, makikilala niya mamaya si Jake, Wala na halos pagsidlin ang kasiyahang sa dibdib ni Catherine dahil tatlong beses siyang isinayaw ni Liam, At pang - apat na nila ngayon. Sorry ha? Bakit ka nagso-"sorry? Nababagot ka na yata sa akin, sabi nito, malapit na malapit ang mga mukha nila. A-ako mababagot? Hindi naman. Bakit ba? Hindi ako marunong ng disco music. Heto lang ang alam Kong dance step, Kung alam mo lang, mas gusto ko na ito, malapit na malapit tayo. Nalalanghap ko ang pabango mo, nararamdaman ko ang makinis at malambot mong balat, sa totoo lang naiilang ako naalangan nga ako sa'yo pero bakit ba. Parang naman kasing bale-wala sa'yo kahit pa mukhang basahan ang damit ko at hindi ako kasingkinis ng iba d'yan Bigla na lang naputol ang malamyos na tugtugin, kasabay ang pagliliwanag ng lugar. Pansamantala po muna nating puputulin ang tugtug para sa isang maikling katuwaan lamang po, anang emcee na siya ring in-charge sa banda. Malapit sa kinapuwrstuhan ng banda ay naroroon ang make - "shift stage. Maliit lang iyon may nakalagay roon na apat na bangko. Tatawag po tayo ng dalawang parehang masasabi nating perfect combination. Isa si kap sa pumili sa parehang ito. Palakpakan ang mga tao, may kasama pang sigawan. Yong tatawagin ko ay aakyat dito sa stage upang Nabisitahan natin kung gaano sila ka bagay sa isa't-isa. Medyo tatanungin natin sila ng ilang mga bagay at pagkatapos ay kayo po ang huhusga sa pamamagitan ng palakpak kung sino sa tingin ninyo ang maganda ang combination. Yong makakakuha ng malakas na palakpak ay siyang mananalo at magkakamit ng munting regalo mula sa amin. Maliwanag po ba? Nagsigawan ang mga tao. Bueno hindi ko na lang ituturo ang mga napili, may lalapit sa inyo para kayo dalhin dito sa stage. Nagkatinginan sila ni Liam Nakakatuwa naman ang may idea nito, wika nito. Oo nga, Maya maya'y may lumapit sa kanilang lalaki. Kami? Hindi makapaniwalang bulalas ni Liam. Para namang lalagnatin ang pakiramdam no Catherine. Hindi niya akalain na sila ni Liam ang mapipili. Nahihiya siya, wala siyang lakas ng loob na humarap sa mga tao.. Paano nilang nasabing bagay kami? Eh, napakaalangan nga ng suot ko sa ayos ni Liam? Piping usal niya. .O, ano, tara na? untag sa kanya ni Liam, tila alanganin ding magpaunlak. Eh, nakakahiya. Katuwaan lang naman. Tara na, baka sabihin pa nilang hindi tayo sport. Andoon na yong isang pareha. Napatingin nga si Catherine sa harap nandoon na at nakatayo ang isang pareha. Wala siyang nagawa nang hinila siya ni Liam papunta roon. Nanginginig saiya nanlalamig. Hindi na niya halos marinig ang sinasabi ng emcee sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Bueno paupuin muna natin sila para medyo na-relax. Hindi pa man natatapos ang sinasabi ng emcee ay naupo na si Catherine sa bangko, subalit hustong isinandal niya ang kanyang likod ay bigla na lang iyong nabuwal, kasama siya, Umalingawngaw ang malakas na tawanan dahil sigurado si Catherine na sa nangyaring iyon ay nakitaan siya ng panty. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD