“Oo mahal alam ko na nandito na siya sa Philippines. Nalaman ko nung mismong graduation natin, pero di naman na mahalaga yun ehh. Tsaka matagal na kaming wala kaya wala ako pakialam kung dumating siya or umalis ulit siya.” Sagot ko.
*Mahalaga na malaman ko, kasi alam ko kung gano mo siya kamahal at I know na isang suyo lang niya sayo babalik ka din sa kanya.* sagot nito.
“Anong bang gusto mo palabasin? Wala naman dapat issue dito.” Wika ko
*Ang issue dito is bakit kailangan mo itago sakin kung wala lang pala sayo?. Bakit nung araw na nalaman mo di mo sinabi sakin. Nag aantay ako na sabihin mo pero di mo ginawa. Napapaisip tuloy ako kung totoo ba na mahal mo ko or pinapaniwala mo lang ako na mahal mo ko para mapag selos yung ex mo?.*
“hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko na ganyan yung magiging reaction mo and ayoko na maging dahilan pa ng pag aaway natin yun. Mahal kita Dylan, di pa ba sapat sayo na sinusunod ko lahat ng gusto at sinasabi mo. Na pag bawal bawal. Pag ayaw mo di ko gagawin kasi ayoko na mag away tayo. Tsaka kulang pa ba yung pinaparamdam at atensyon na binibigay ko sayo para maisip mo na ginagamit lang kita?.. Dylan mahal kita. Oo minahal ko si Damon noon pero matagal na yun. Ikaw na ang mahal ko ngayon.” Paiyak na sagot ko sa kanya
*Mahal na mahal din kita Farrah kaya ako nasasaktan dahil sa nilihim mo ito sakin. Pero sana next time kung dumating yung time na gusto mo ng bumalik sa kanya di kita pipigilan basta magsabi ka lang. mas gugustuhin kong makita kang masaya sa piling ng taong mahal mo kesa magstay sakin gayong alam ko na napipilitan ka na lang.*
“Wag ka mag alala mahal dahil di tayo dadating sa point na yun. Sinagot kita dahil mahal kita at di kita iiwan. Promise ko yan sayo mahal ko.”
Pag tapos ng gabing yun, ang inaakala kong magiging maayos na relasyon namin ay naging kabaliktaran. Dahil mas lumala ang pag seselos at pagiging paranoid niya. Kahit napakaliit na bagay ay ikinagagalit niya. Minsan pang nalate ako ng reply dahil may biglaan kaming meeting sa office dahil may hinahabol kaming deadline ay puro masasakit na salita at hinala ang sinabi niya sakin. Nakaramdam ako na patulo na ang luha ko ng mabasa ang mga messages niya pero pinigilan kong wag umiyak. Sa halip ay tumawa na lang ako para maibsan kahit papano yung sama ng loob ko. Unti unting nagiging miserable ako dahil sa mga ginagawa niya. Natatakot ako na makita siya kasi di ko alam kung ano ang pwede niyang gawin, yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya ay unti unti din nagbago… Medyo nakakasakal na din kasi, hindi lang pala medyo. As in nakakasakal na.!! Pinangako ko sa sarili ko na, isang maling hakbang lang niya ay tuluyan ko na siyang hihiwalayan.!!