Nang makauwi si Danica sa bahay nila ay nagsimula na siyang tapusin ang mga assignments siya. Wala na siyang sinayang na oras para makanood ng K-drama na inaabangan niya. Sa kalagitnaan ng ginagawa ay biglang tumunog ang cellphone niya. She rolled her eyes sa pag-aakalang ang mga kaibigan niya iyon pero napatitig siya sa screen ng cellphone nang lumabas ang pangalan ni Francis. (Seryoso ang mukha na nakatingin si Francis sa harap ng computer) Danica (Tumaas ang kilay ni Danica) Bakit? (Kagat ang labi naman na sumagot si Francis) Paano gagawin ‘yong activity sa entrepreneurship? Napaisip naman muna si Danica bago sagutin ang tanong ni Francis. (Nakasimangot siyang nagtipa) By group ‘yon, ah? Hindi alam ng mga ka-group mo? (Nag-isang linya naman ang mga labi ni Francis) Nalilito rin

