“May sasabihin ako sayo later, ha,” sabi ulit ni Alice habang seryosong nakatingin sa kaniya. Tumango lang siya nang lingunin niya ito at hinintay nilang matapos ang naunang linya na naglalakad papunta sa hagdanan bago sila makaakyat. Nasa ikalimang bahagdan na sila nang mahagilap ng mata ni Danica si Paul. Ang crush niya. Hindi niya inaasahan na magiging kaklase ito ng mga kaibigan niya kaya naman sobra ang panghihinayang niya nang malipat siya ng section. Last year niya pa napapansin ang binata dahil sa kaputian at kagwapuhan nito pero dahil bulag pa siya sa pag-ibig noon ay tiningnan niya lang ito sa malayo. Nagulat si Danica nang pagkadaan ni Paul sa kanila ay ginulo nito ang buhok ni Alice. Hinampas naman ni Alice ang kamay niya. Pero ang mas ikinagulat ni Danica ay ang paghalik

