Ipinikit ni Danica ang mga mata habang nakalapag sa tyan niya ang hose saka ninamnam ang sinag ng araw na tumatama sa mukha nila. “Parang tinatamad na ako tapusin ang ginagawa natin,” aniya. Nagtawanan naman sila dahil pare-parehas sila ng nararamdaman. “Naku, kayong mga bata kayo! Anong nangyari sa inyo at mga basang-basa kayo?” biglang malakas na sambit ni Manay na nagpagulat sa kanila kaya napatayo sila agad. “Manay…” tawag nila rito na tila nagmamadali pa na makarating sa kanila. “Bakit basa kayo?” kunot ang noo nitong tanong. “Benedict!” tawag niya sa binata na sumilip mula sa likod ng bahay. “Po?” sagot nito sa kaniya. “Kumuha ka nga ng mga tuwalya sa cabinet at pakidala rito. May isang dosena roon sa bagong box na nakatago sa ilalim,” sigaw pabalik ni Manay para marinig siya n

