Palihim na inamoy ni Danica ang towel na ibinigay sa kaniya ni Benedict. Ang bango… Tumikhim siya saka mabilis na ibinaba ang tuwalya sa hita. Mabilis niyang kinalahati ang kape para mahimasmasan ang sarili. Gaga ka, Danica. Anong ginagawa mo? Pinukpok ni Danica ang ulo at bahagya pang tinampal ang sarili para matauhan sa ginagawa. “Ginagawa mo, Dan? Okay ka lang?” tanong ni Summer nang mapansin ang ginagawa ni Danica sa sarili. “Pinapatuyo ko lang ‘yong pantalon ko. Saka tinitingnan ko rin kung may pumasok na tubig sa tainga ko,” pagdadahilan ni Danica at muling tinampal ang sarili. Gusto na naman niya pukpukin ang sarili dahil sa walang kwentang sagot niya sa kaibigan. Mabuti na lang ay hindi na ito nagtanong pa ulit. Pagkabalik ni Alice galing sa loob ng bahay ay siya na agad

