Napalingon si Danica at Benedict sa boses na tumawag sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at saka napansin ang posisyon nilang dalawa. Bakas ang gulat sa mukha nina Summer at Alex habang nakatingin kina Benedict at Danica sa labas ng kwarto. May awang ang pinto kaya naman ang posisyon nilang dalawa na magkapatong ang saktong nakikita ng dalawa mula sa labas. Mabilis na tumayo sina Benedict at Danica saka inayos ang damit na bahagyang umangat dahil sa pag-alala ni Benedict sa kaniya. Kumurap-kurap ang dalawang kaibigan ni Danica at hindi makapagsalita dahil sa nakita. Inayos naman ni Benedict ang sintas niya habang si Danica ay nakaharap sa mga kaibigan nito. “Guys, you got us wrong. Mali kayo ng iniisip,” mabilis na pagpapaliwanag ni Danica. Pero tila hindi iyon naririnig nina Su

