“Good afternoon, guys,” bati sa kanila ng bakla nilang professor na si Mr. JV. Adviser din nila ito kaya naman malapit sa kanila ang guro. “Good afternoon, sir!” masayang bati ng buong Class B. “For your final project, magkakaroon kayo ng folk dance competition with other section na hawak ko,” panimula ni Sir JV. Bakas naman ang excitement sa mukha ng mga kaklase ni Danica. Pero hindi maiaalis ang kaba sa puso niya nang maalala na hawak din ni Mr. JV ang Class A. Kilala ang Class A sa pagiging competitive at perfectionist ng mga ito. Kaya nga nanghihinayang siya na hindi siya nakabalik sa klaseng iyon noong enrollment gawa ng naipit sila sa traffic pagkauwi galling probinsiya. “At kung sino ang mananalo ay siyang makakakuha ng 98. Then the rest ay 95,” dagdag pa ni Mr. JV. “Kaya dapat

